Lolit Solis on former talent, Rosanna Roces, who won Urian's Best Supporting Actress: "Yan ang karmatic."

IMAGE 0


When she won Urian's Best Supporting Actress award for Presa, Rosanna Roces gave a very long acceptance speech, thanking members of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino, her director Adolf Alix, Jr., her Presa co-stars, with special mention of Anita Linda, her producers, her children and even grandchildren.


Ang isang nagpabago ng mood, pansumandali, ng talent manager na si Lolit Solis, nang bisitahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 21, sa GMA-7 studios, matapos ang live airing ng Startalk, ay nang mabanggit sa kanya ang tungkol sa aktres na si Rosanna Roces.

Dating manager ni Osang (palayaw ni Rosanna) si Lolit Solis, whom she calls "Nanay" Lolit. Nagkagalit ang dalawa at naging malalim ang sugat na iniwan ng alitan sa isa't isa.

Lately, o sa katatapos na 34th Gawad Urian Awards, last May 17, si Osang ang nahirang na best supporting actress, para sa Presa. Batid ng dating "Nanay" Lolit ni Osang ang tungkol dito.

"Sana it will help her career," reaksiyon ni Lolit nang hingin ng PEP ang kanyang mensahe para kay Osang.

In all honesty, hindi kami sure kung galit pa rin, o may hinampo na lang, o maaaring nagkabati na rin ang dalawa, kaya binanggit pa rin namin kay Lolit ang tungkol kay Osang.

"'Di ba? Kasi napanalunan niya na [yata] lahat ng award," sabi pa ni Lolit.

"NANAY" LOLIT. Masaya ba ngayon si "Nanay" Lolit para kay Rosanna Roces, her former talent?

"Hinde!" mariing sabi ni Lolit. Tapos, nag-seryoso siyang pahayag, sandaling tumigil sa paglalakad palabas ng studio.

"Isa lang bagay na ano ko... [gustong sabihin]," aniya. "That's the biggest example, na sa showbiz, kung luka-luka ka...

"At first noon, ano lang [din] si Ai-Ai [delas Alas], hinaharass-harass siya ni Rosanna, 'Ayoko siyang (Ai-Ai) kasama sa show! She should not be in that!... tsu-tsu-tsu!'

"Ngayon, magkasama sila," Lolit said of Osang and Ai Ai, na isa sa nag-host ng Urian awards, "No. 1 si Ai-Ai; siya (Osang), extra lang!"

Maaaring ang nasa isip din ni Lolit Solis, hinggil sa sinabi, ay ang kasalukuyang estado sa showbiz nina Ai-Ai at Osang; ang comedienne, bilang bagong Box-Office Queen of Philippine Movies, habang si Osang ay walang regular mainstream projects, at na-relegate na sa pagiging suportang bituin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At tumawa si Lolit Solis, sabay-sabi, in a sarcastic tone, "'Yan ang mga karmatic!"

OSANG'S OTHER "NANAY." Ugnay dito, mababanggit naman ang isa sa mga naging laman ng "thank you" speech ni Rosanna Roces, when she won the best supporting actress award mula sa Manunuri.

Banggit ni Rosanna, sa kanyang speech "... at siyempre, ibinabahagi ko ang award na ito... kung papipiliin po ako ng panibagong 'ina,' ang pipiliin ko po ay si Ms. Anita Linda..."

At ibinahagi ni Osang ang kanyang best supporting actress award sa veteran actress, na kasama din niyang na-nominate para sa Presa.
Nasa venue (Marriott Hotel Ballroom) din si Anita Linda that night, bilang presenter ng best actress award (sila ni Rustica Carpio, para sa Lola ang co-winners at last year's Gawad Urian).

"Tita, para sa iyo po ito," wika rin ni Osang. "Kaya hindi ka (Anita) nanalo, Tita, kasi pam-best actress ka... at nakakahiyang ibigay sa 'yo, 'to..."

Tribute din kay Anita Linda ang speech ni Osang, who said, "Tita, ikaw ang inspirasyon ko, ikaw ang nagturo sa akin ng tunay at saktong pormula ng acting. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi mo, 'Patayin mo sila sa kasimplehan...'"

Isang "alamat" ang pagtukoy ni Osang kay Anita Linda, ang gumanap na Sisa, sa klasikong pelikula, noong 1950s, ng National Artist for Film, Gerry de Leon.

"Isang 'alamat'... at ang 'alamat' na 'yon ay naging 'kaibigan' sa akin; at ang samahan naming dalawa — siya (Anita), bilang 'Adela,' at ako bilang 'Aurora'[na parehong dinirek ni Adolf Alix, Jr.] — ay nabuo po sa loob ng kulungan [o sa set ng Presa].

"Pareho din po, sa 'labas' at sa 'loob,'" sabi rin ni Rosanna. "Dahil sa labas, hindi rin tayo malaya; hindi natin masasabing malaya tayo.

"Pero pagdating sa sining, du'n ko po nararamdaman ang kalayaan; kalayaan sa pagganap ng kung anumang papel, at kalayaang ipahayag ang mga gusto nating ipahayag, na hindi natin kayang salitain o ihayag sa pamamagitan ng salita..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ISSUE UNEARTHED. Sa una niyang pagkapanalo sa Gawad Urian, sa taong 2001, para sa pelikulang La Vida Rosa ni Chito Roño, naging masayang-masaya si Rosanna Roces. Co-winner (o tie) sila ni Assunta De Rossi, as best actress. Assunta won for Joel Lamangan's Hubog.

It was the 25th year of the Manunuri's Urian Awards.

A few years later, nagkagalit sina Osang at Lolit, at naging matindi ang palitan nila ng mga masasakit na salita sa isa't isa; bunga no'n, nawala si Osang sa paghu-host sa Startalk at hindi na rin pinamahalaan ni Lolit Solis ang kanyang showbiz career.

Maraming nasangkot na personalidad sa away nilang dalawa; ang isa rito'y ang tungkol sa isyung, ayon kay Osang, pati ang kanyang natamong Urian Best Actress award ay may pagma-"manipulate" na ginawa si Lolit Solis.

Muli, ang natatandaan naming pahayag ni Lolit Solis, bilang sagot sa naging paratang ni Osang.

"Ibig sabihin, kung na-manipulate ko 'yon, para manalo siya, dapat magpasalamat siya sa akin, di ba? Sobrang ingrata siya, di ba?"


Galit pa nga si Lolit kay Osang hanggang ngayon.

"Hindi! Hindi ko siya ma-take!" pahayag din ni Lolit.

Hindi ba nag-take effort all these years si Osang na makipagbati sa dating manager, who was then celebrating her birthday, belatedly, on Startalk?

Umiling lang si Lolit, na panay ang ismid sa interview. "Tsaka, yung lahat ng sinabi niya [against me]... kasi, I mean, si Gabby Concepcion, nagawan ko ng 'scam' (during the infamous 1994 Manila Film Festival Awards), wala akong narinig... pero siya (Osang), kung anu-anong sinabi niya!"

FORGIVEN. Habang kausap ng PEP si Lolit Solis at nagbibigay-reaksiyon sa partikular na isyu nila ni Osang noon, ay nasa mini-canteen ng studio ang Manunuri member (at Startalk co-host) na si Butch Francisco.

When told na ngayo'y walang masasabing "nag-manipulate" pa si Lolit Solis, for Osang to win, dahil hindi na nga siya ang manager ng aktres, bahagyang nabago ang mood ni Ate Lolit; nag-lighten up ito at nanumbalik sa pagiging mapagbiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aba, ewan ko!" bulalas ni Lolit, sa malakas na timbre ng pagsasalitang kinasanayan sa kanya ng mga nakakarinig. "Ewan ko [din] sa 'baklang'... kung bakit siya (Osang) pinatawad... ni ano... di ba?"

Butch looked at Lolit Solis, seemingly with a questioning look dahil tila "clueless" sa aming pinag-uusapan.

Nag-explain ang kasamang lady co-host kay Butch, "Mina-manipulate ko raw [ang awards results], kaya siya nanalo no'n [sa Urian]. Di ba, yun ang deklarasyon ni Rosanna noon? O, di ba, dapat, thankful siya?

"Kung totoo, dapat thankful siya! E, bakit sinisiraan niya ang Urian?" tanong pa ni Lolit.

"Sinabi niya noon?" tanong naman ni Butch F, na likas ding mapagbiro, lalo sa sumunod na pahayag na sinabayan ng pagtawa. "Hindi... mina-nipulate [talaga] ni Lolit... nag-send siya ng envelope!"

Na ang kontra-reaksiyon uli ni Lolit, in her characteristic tone,

"Karma! Karma to the max!"

OSANG'S APPRECIATION. Sa kanya ring Gawad Urian Awards speech, bilang bagong recipient ng best supporting actress for Presa, ay marami ang nagbigay-opinyon na tila humaba ang talumpati ng aktres.

Sa pagkakasalin ng PEP sa full text transcription nito, lumabas na may kahabaan nga ang talumpati, bagama't madamdamin ang naging pagpapahayag ng saloobin ni Rosanna Roces. May mga bahagi sa speech na pag-uulit lamang ng kanyang nasabi na.

Simply put, Osang was too overwhelmed to "edit herself" in her moment of victory.

If anything, hindi naman kuwestiyunable ang nilalaman ng talumpati.
Bukod sa pagbibigay-tribute kay Anita Linda, unang-una, ay nagpasalamat si Osang sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

"Salamat, Manunuri, at ipinagpapatuloy ninyo ang pagtangkilik, lalo ngayon sa mga indie films na talagang bumubuhay sa aming mga aktor na wala na ngang kalagayan dahil sa kakontian ng mainstream [projects]... sa pamamagitan po ng indie [films] ay nakikilala tayo sa abroad at nag-uuwi tayo ng tagumpay.

"Maraming salamat, kayo ang nagbigay sa akin ng una kong acting award — that was nine years ago (2002).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil sa inyo, bumalik ang tiwala ko uli at pinaigting ko lalo ang aking pagganap," panimulang pahayag ni Osang.

Next, pinasalamatan niya ang kanyang direktor sa Presa na si Adolf Alix, Jr.

"Sa aking direktor, na nagtiwala sa akin," sabi ni Osang about Adolf, "na dati po'y nagpapapirma lang ng autograph, habang pinapanood ang Babae Sa Bintana, ngayon po'y pinagtiwalaan niya po ako — nakakailan na kami—at patuloy po siyang nagtitiwala at hindi naniniwala sa mga kung anu-anong, gawa-gawang kuwento."

Binanggit ni Osang ang pelikula ni Chito Roño, in 1998, na kung saan naging kontrobersiyal ang hindi niya pagkapanalo ng Metro Manila Filmfest best actress award, matapos siyang "umasa," at tila "paasahin" ng mga press releases, na siya ang tatanghaling best actress.

"Adolf Alix, Jr... isa pong matinung-matinong direktor... [para] sa iyo po, direk!" sambit din ni Osang.

Next, Osang thanked and shared her Urian award with her Presa co-stars.

"Sa bumubuo ng Presa, sa mga nasa kulungan po, na nakasama namin sa cast — kay Tita Liza Lorena, Perla Bautista, kay... Tetchie Agbayani, Ina Feleo... Direk Arman (Reyes, Assistant Director), thank you! 'Pag nalilimutan yung dialogue, nandiyan ka lagi...

"At para sa lahat po ng cast nitong Presa, na talaga namang walang itapon na... magkakasama po ang magagaling na aktres; pero makikita n'yo po, talagang walang lumutang kahit isa, dahil lahat po kami lumabas para kay 'Tita' Anita [Linda] po..."

Hindi rin nakalimutan ng aktres na pasalamatan ang producer ng pelikula, nagngangalang Ding Buenaventura, ng Astral Productions, an indie film outfit.

"Maraming salamat, Tito Ding Buenaventura, sa mga taong kagaya mo, na nagtitiwala sa pelikulang Pilipino... at kay Maxi Cinco..." sabi pa ni Osang, na hindi na nag-elaborate sa huling pangalang binanggit, matapos marinig ang malakas na palakpakan ng audience.

Earlier, may naulinigan nang bulung-bulungan sa audience, dahil humahaba na talaga ang talumpati ni Osang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At last, ang huling bahagi nito, bilang pag-aalay ni Osang ng kanyang natamong parangal, sa kanyang pamilya.

"At iniaalay ko, higit sa lahat, ang award na ito sa aking pamilya—si Onyok, si Grace (mga anak niya); si Budoy, si Maja at si Hero (mga apo ni Osang)...

"Wala man pong tatay, wala man pong 'haligi', matibay po kami. Salamat po!" sambit din ni Osang, bilang pagwawakas ng kanyang acceptance speech.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN