Joem Bascon moves on after breakup with Meryll Soriano: "Right now okay naman ang lovelife ko."

IMAGE 0


One effect of his breakup with Meryll Soriano was "tumaba ako," Joem Bacon tells PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). He adds, "Pero ngayon, on track na ulit. Nagbo-boxing ako every day."


Tila sumailalim daw si Joem Bascon sa depression matapos ang breakup nila ni Meryll Soriano noong nakaraang taon.

Ang matipunong katawan ng 24-year-old Kapamilya ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis siyang nakilala ng mga tao, subalit napabayaan raw niya ang sarili kaya tumaba siya.

"Unconsciously, siguro na-depress nga ako.

"Inaamin ko na medyo on the heavy side ako. Tumaba talaga ako.

"Napakain siguro ng marami, na-stress that time," ang pahayag niya.

Bago nagtapos ang 2010, nag-desisyon si Joem na ibalik ang dating katawan.

"Pagpasok ng 2011, sabi ko sa sarili ko, 'Hindi puwedeng ganito na mataba ako kasi nakakaapekto na sa trabaho ko.'

"Kasi may time na may mga trabahong hindi ko nakukuha dahil ang gusto nila yung fit pag nag-topless.

"E, may laman ako, so ibang artista yung kinukuha nila.

"Doon ko na-realize na hindi puwedeng mataba ako. Kailangan kong maging fit ulit.

"Tamang-tama naman na nung nag-start kong ma-realize yun, dumating na yung offer na maging endorser ako ng Guitar underwear. Blessing talaga ito," salaysay ni Joem.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joem nang ipakilala siya at si Carlos Agassi bilang celebrity endorsers ng Guitar underwear sa presscon na ginanap noong May 12 sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"Nagtodo-workout, nag-gym ako, nag-boxing, nag-diet ako para sa pictorial nito kasi, syempre, underwear yung ine-endorse namin kaya kitang-kita kung pangit ang katawan mo, di ba?" ang sabi ni Joem tungkol sa ginawa niyang paghahanda.

EX-GIRLFRIEND. On his split with Meryll, ayaw nang magdetalye ni Joem tungkol dito pero ang isang dahilan daw ay ang kagustuhan ng anak ni Willie Revillame na mag-aral sa London.

Ano ang natutunan niya sa relationship niya with Meryll?

"It's more of patience lang talaga. Natutunan ko kasi na kung itatago mo lang yung ano mo...Kasi before, sobrang tahimik talaga ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never akong nakausap ng ganito katagal. Natutunan ko talaga na be yourself at maging honest ka with your feelings, na iniisip mo pa rin na huwag kang makasakit ng tao."

Choice ba nila na huwag magsalita tungkol sa breakup noon?

"Yeah, choice namin yun. Kilala n'yo naman kami ni Meryll, hindi naman kami showbiz talaga kahit na nandito kami sa industriya.

"Compared sa trabaho talaga, yun ang itinatago namin, yung personal."

May communication pa ba sila ni Meryll?

"Right now, wala, kasi I think nasa London pa siya."

Pero masasabi ba niyang magkaibigan sila?

"I think we're friends but not lovers. Basta ano...siguro yung casual na pag nagkakitaan, magbabatian, mag-uusap.

"Pero, siguro hindi na natin puwedeng sabihin na katulad pa ng dati."

NEW LOVELIFE. Sa ngayon, may bagong kasintahan na nga raw si Joem.

"Right now okay naman ang lovelife ko.

"Non-showbiz yung girl and four months na kami. Nag-start kami ng January lang.

"Sabi ko kasi, pag start ng 2011, kailangan maka-move on na."

Kasama ba sa moving on stage niya ang pagkakaroon ng bagong girlfriend?

"Ang tagal na kasi nung breakup, di ba? Last year pa yun. So, siguro it's time to move on na talaga."

Mas preferred ba niya ang non-showbiz girl?

"No naman. Hindi mo naman pipiliin kung ano yung taong mamahalin mo.

"Kumbaga, artista man ito o hindi artista, kahit ano pa siya, basta napamahal ka, mapapamahal ka e."

Hindi ba siya na-trauma sa showbiz relationship niyang nauwi sa breakup?

"No naman. It's not the word trauma. It's more na pinalakas niya ako.

"Yun nga, yung relationship pala dito sa industriya, it's more of nakatulong siya sa akin sa pagkatao ko.

"Hindi naman na-trauma kasi, kung na-trauma ako siguro, hindi n'yo pa ako nakikita hanggang ngayon."

Ano naman ang comment ng girlfriend niya sa kanyang underwear endorsement, lalo na't sa billboard nila ni Carlos ay tanging underwear lang ang kanilang suot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very supportive naman siya sa career ko. Nagustuhan naman niya ang billboard namin ni Carlos."

SEXY BILLBOARD. Hindi ba siya naiilang na ilantad ang kanyang katawan sa billboard?

"Hindi naman. Sa tagal ko na rin sa showbiz, hindi na ako naiilang. Kasi kasama na yan sa trabaho ko, e."

Sa tingin ba niya mas pagnanasaan siya ngayon ng mga babae at lalake dahil sa kanyang billboard?

"Sana nga, mas pagnasaan nila ako," biro ni Joem.

"Siyempre mas nakakadagdag sa confidence ko yun, di ba?"

Never din naman daw siyang naging pihikan sa mga projects, kahit pa sexy ang tema nito.

"Wala naman akong problema sa mga sexy roles. I've done a few naman before sa mga ginawa kong indie films. Depende pa rin sa script.

"Tignan natin. Basta sa akin, kung saan ako matsa-challenge, doon ako."

LATEST PROJECTS. Kasama si Joem sa cast ng upcoming soap ng ABS-CBN na Nasaan Ka Elisa?, na pinagbibidahan ni Melissa Ricks.

Ano ba ang nangyari at tila naurong yata ang airing ng soap nila?

"Hindi naman naurong. Kasi marami lang talagang shows ang ABS ngayon.

"Ang daming naka-line up, at saka pinaayos din yung script namin..."

How about sa movies, ano ang ginagawa niya ngayon?

"Yung Adventures of Pureza: Reyna ng Riles under Star Cinema, starring Melai [Cantiveros] and Jason [Francisco].

"It's directed by Soxie Topacio. Kasama rin namin sina Bianca Manalo, Bekimon at marami pang iba."

Ano ang role niya rito?

"Love triangle kami dito. Ako yung kaaway ni Jason kay Melai. At least, ibang role naman.

"Bago ito sa akin kasi comedy," ang natatawang pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN