Rachelle Ann Go denies rumored breakup with John Prats

IMAGE 0


"Hindi po talaga totoo... Sana po ay hindi na po lumaki pa yung issue na yun. Masaya po kami. Sobra," says Rachelle Ann Go about rumored breakup withboyfriend John Prats.


Pinabulaanan ng singer na si Rachelle Ann Go ang napaulat na break na raw sila ng kanyang boyfriend na si John Prats.

"Hindi ko nga alam kung saan nagsimula yun at kung sino ang nagpasimula," sabi ni Rachelle Ann sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, May 14.

Ano naman ang naging reaksiyon nila nang malaman nila ang balitang ito?

"Tinawanan lang namin, hanggang sa paulit-ulit na ganun.

"Tapos may mga kanya-kanyang reasons na lumalabas, kesyo may babae or alam mo yun? So, kesyo may third party.

"Ayaw na naming, kumbaga, i-entertain yung mga ganun."

May balita ring may ibang kasamang babae si John noong Holy Week, pero mariin itong pinabulaanan ni Rachelle Ann.

"May mga lumalabas na noong Holy Week, nasa ibang lugar siya.

"Pero kasama ko. Magkakasama kami, pati family, sa Kuala Lumpur. Nag-ikut-ikot lang kami, ayun.

"Warm din kasi yung family ni Prats [John], so ganun din yung family ko.

"So, ang galing, okay sila."

At kahit parehong busy sa magkabilang network—si John Prats ay nananatili sa Dos habang si Rachelle Ann Go ay nasa Siyete na—they still find quality time para sa isa't isa.

"Dinadalaw niya ako, ganun, so okay kami sa ganun.

"After ng show ko, tapos ng show din niya, nagtse-church kami kasama ang family. Ayun, tapos dinner.

"Minsan sa rehearsal [ng Party Pilipinas], sinusundo niya ako," kuwento ni Rachelle.

Magkatapat ang programang kinabibilangan nila tuwing Linggo—si Rachelle ay bahagi ng Party Pilipinas ng GMA-7 at si John naman ay mainstay ng ASAP Rocks ng ABS-CBN.

Sa puntong ito ng kanilang relasyon, napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?

"Wala po akong singsing!" ang natatawang reaksiyon ni Rachelle Ann.

"Masyado pa pong maaga yun.

"Siyempre napag-uusapan po yun, pero wala pang plano."

At para sa mga nagkakalat na hiwalay na sila ni John, ito lang ang masasabi ni Rachelle:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po talaga totoo. Sana po ay wala ng...

"Sana po ay hindi na po lumaki pa yung issue na yun.

"Masaya po kami. Sobra."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN