Iwa Moto is now safe after suspected suicide attempt

IMAGE 0


"Pagbukas namin ng ilaw, nakadapa na siya [Iwa] dun sa kama. Tapos ang daming suka! Tapos, wala na kaming alam gawin kundi dalhin na talaga sa ospital... Namumutla tapos nangingitim yung labi, tapos nangingitim yung sa mata niya," Justine Ferrer describes the condition of Iwa Moto (in a file photo) when they found her in her room.


Pagkatapos kalampagin ni Iwa Moto ang mundo ng showbiz noong Huwebes, May 12, dahil sa ipinakitang galit sa dating boyfriend na si Mickey Ablan, kagabi, May 15, naman ay isinugod siya sa ospital dahil sa umano'y tangkang pagsu-suicide. (CLICK HERE to read related story.)

Si Iwa ay GMA-7 Kapuso talent; si Mickey ay isang mixed-martial artist at hindi tiga-showbiz.

Lumabas nga sa PEP Alerts kahapon ng umaga, May 16, na: "Kalat na ang balitang nagtangka diumanong magpakamatay si Iwa Moto kagabi, May 15, sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso. Nakaligtas naman daw ang young actress at kasalukuyang naka-confine sa isang ospital. Marami ang naniniwalang ang pagtatangkang ito ni Iwa sa kanyang sariling buhay ay may kinalaman sa insidenteng nangyari sa kanila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Mickey Ablan."

Pero kagabi, sa Tweetbiz Insiders ng GMA News TV Channel 11, nilinaw ni Justine Ferrer, ang isa sa mga hosts ng show at dating Survivor Philippines castaway, ang nangyari kay Iwa.

Si Justine ay kaibigan at kasama sa bahay ni Iwa. Nakatira sila sa isang three-storey townhouse na katabi lang ng GMA-7.

Si Justine ang nakatira sa third floor, sa pangalawang palapag naman si Iwa, at sa ground floor naman tumutuloy ang personal assistant (P.A.) ni Justine.

THE DISCOVERY. Base sa kuwento ni Justine sa Tweetbiz Insiders, lumalabas na hindi naglaslas ng pulso si Iwa.

Pagbabalita ni Justine tungkol sa gabi ng May 15, nang pumasok siya at dalawang kasamahan sa kuwarto ni Iwa:

"Bale po kagabi, pinatawag ako ng P.A. ko kasi medyo meron daw commotion sa second floor.

"Tapos, nandun yung parang friend ni Iwa at kababata, na parang anak-anakan daw niya.

"Tapos, nagpunta kami sa room. Sabi ng kaibigan ni Iwa, wala raw doon si Iwa.

"Tapos sabi naman nung friend, 'Hindi, nandito siya. Alam ko nandito siya.'

"Tapos, naririnig niya raw na parang may umuungol... 'Ummm,' na parang ganyan yung boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, nai-stress na siya na kailangan mabuksan yung pinto kasi naka-lock yung pinto.

"So, tinawag namin yung guard para buksan yung pinto—as in, winasak yung doorknob.

"Pagbukas namin ng ilaw, nakadapa na siya dun sa kama. Tapos ang daming suka!

"Tapos, wala na kaming alam gawin kundi dalhin na talaga sa ospital."

Ano ang hitsura ni Iwa bago nila dalhin sa ospital?

"Namumutla, tapos nangingitim yung labi, tapos nangingitim yung sa mata niya," sabi ni Justine.

Unconscious ba si Iwa?

"Hindi na siya nakakausap. Parang unconscious, pero yung mata niya parang nakaganun," ani Justine, na ang ibig niyang sabihin ay nakamulat konti.

IWA IS NOW SAFE. Ayon pa kay Justine, safe na raw si Iwa ngayon.

Nakalabas na raw ito sa ospital at nakauwi na sa bahay.

"Doon po sa mga pamilya ni Iwa at saka sa mga kakilala ni Iwa, ngayon po okay na po si Iwa.

"Nagpapahinga siya, nagpapalakas na."

Ano naman ang reaksiyon ng pamilya ni Iwa sa nangyari sa aktres, lalo na ng mommy nito?

"Yung mother niya po talaga yung unang-unang nag-aalala sa kanya," sabi ni Justine.

"Kaya lang, medyo hindi rin makapunta yung mommy kasi medyo nerbiyosa. So, medyo delikado rin dun sa nanay."

May pakiusap din si Justine sa mga tao.

"Konting pag-intindi lang po sana kay Iwa at dasal. Sana maging maayos na rin ang lahat."

Naitanong din kay Justine kung nakuha na ba ulit ni Iwa ang cell phone niyang inagaw umano ng kanyang boyfriend noong May 12.

"Hindi na nakuha yung cell phone niya.

"Hanggang ngayon nga po hindi malinaw kung nasaan yung cell phone," sagot niya.

Ayaw pa raw magpa-interview ni Iwa kaya hindi pa makumpirma kung suicide attempt nga ba ang nangyari sa aktres.

THE ROOT OF THE PROBLEM. Matatandaang una nang naospital si Iwa para ipagamot ang mga sugat na tinamo matapos nilang gumawa ng eksena ni Mickey sa GMA Network compound noong May 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula ito nang dumating si Mickey sa set ng upcoming sitcom ng GMA-7 na Andres de Saya, kung saan isa sa cast si Iwa.

Ang intindi ng ibang naroon ay dumadalaw si Mickey kay Iwa na girlfriend niya. Ang magulo lang dito ay sinasabi ngayon ni Iwa na hindi na niya boyfriend ito mula Disyembre pa.

Ano't anupaman, nagulat na lang daw ang lahat nang biglang sumigaw at magwala si Iwa dahil inagaw raw at itinakbo ni Mickey ang cell phone niya.

Meron daw kasing lalaking pinagseselosan si Mickey kaya gusto nitong makita ang cell phone ng Kapuso actress.

Sa paghabol nga ni Iwa kay Mickey ay nadapa ito at nagkasugat sa kaliwang tuhod.

Pero nang hindi na makita ni Iwa ang ex-boyfriend ay binalingan nito ang kotse ni Mickey na nakaparada sa labas ng townhouse ng dalaga, katabi lang ng GMA Network.

Binasag ni Iwa ang salamin sa harap at likod ng kotse.

Nang madaanan ng GMA News reporter na si Nelson Canlas si Iwa ay tinulungan niya ang aktres makapasok sa townhouse nito, kung saan din nakatira si Justine.

Nang malinis ang sugat nito ay isinugod na nila si Iwa sa ospital.

Pero hindi pa rito natatapos ang lahat dahil muli ngang isinugod sa ospital si Iwa noong gabi ng May 15, Linggo, matapos matagpuang nakabulagta ang aktres sa kuwarto nito.

HAPPY & BITTER HIGHLIGHTS OF THE RELATIONSHIP. Upang mas maintindihan kung bakit humantong sa ganitong klaseng gulo ang relasyon nina Iwa at Mickey, binalikan ng Tweetbiz Insiders ang "happy and bitter highlights" ng kanilang relasyon.

Nakilala ng half-Filipino, half-Japanese beauty na si Iwa Moto si Mickey Ablan, isang Filipino na ang field ay mixed-martial arts, sa isang bar through a common friend.

Apat na taon ding tumagal ang relasyon nila.

Matatandaang ipina-tattoo pa ng aktres ang pangalan ni Mickey sa kanyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last year, napabalitang sikreto raw silang nagpakasal sa Silang, Cavite. Isang diumano'y marriage certificate nina Iwa at Mickey ang inilantad ng press. (CLICK HERE to read related story.)

Pero kasunod nito ay inamin naman ni Iwa sa Startalk na nag-break na sila ni Mickey. (CLICK HERE to read related story.)

Third party diumano ang dahilan ng breakup ng dalawa.

Sari-saring pangalan ang naglitawan at pawang talents ng ABS-CBN ang naugnay sa issue—sina Jodi Sta. Maria at Bangs Garcia.

In a separate interview, inabsuwelto naman ni Iwa ang dalawang aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Kahit hiwalay na, lubhang naging malapit ang loob ni Iwa sa anak ni Mickey.

Kaya nitong Holy Week lang, sinamahan ng aktres ang mag-ama sa kanilang bakasyon sa Boracay.

Pero magkahiwalay raw sila ng tinuluyang hotel.

SWEET NA NAMAN. Kasunod ng kanilang awayan at habulan sa compound ng GMA this weekend, saksi naman ang kanilang followers sa Twitter sa tila masayang palitan ng dalawa ng tweets:

MICKEY: "I've come to realize that we never stop loving the people who leave. We just stop needing them like we used to."

IWA: "@MickeyAblan like q ung tweet mo from the notebook. Super J"

Kaya naman ang inakala ng marami ay nagkabati na rin ang dalawa.

Ang sumunod nga na mga pangyayari ay ang mga ikinuwento ni Justine sa Tweetbiz Insiders, na inilathala naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN