Paul Soriano on marrying Toni Gonzaga: "She said three years, then I'll wait three years."

IMAGE 0


"I pray every night that she's the one, that I spend the rest of my life with her. I think we've invested four years of our lives together through the tough times and the good times and we're still here, happy as ever," says movie and TV commercial director Paul Soriano on the possibility of marrying girlfriend of four years, Toni Gonzaga.


Bagamat wala pang pormal na wedding proposal ang movie and commercial director na si Paul Soriano kay Toni Gonzaga, marami na ang lumabas na report ng umano'y plano ng kanilang kasal.

Sa huling interbyu ng TV host-actress, sinabi niya na kung magpapakasal siya, maaaring pagkatapos pa ng tatlong taon. (CLICK HERE to read related article.)

Tila wala naman itong problema para sa kanyang boyfriend.

"She said three years, then I'll wait three years," sabi ni Direk Paul sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa shooting ng bagong Star Magic Station ID sa Abracadabra Studio sa Makati City.

Si Paul ay apo ng yumaong veteran actor na si Nestor de Villa.

Nabanggit din niya na may plano naman sila tungkol sa kasalan ngunit wala pang tiyak na detalye.

"Of course, we have plans. I pray every night that she's the one, that I spend the rest of my life with her.

"I think we've invested four years of our lives together through the tough times and the good times and we're still here, happy as ever," pahayag ng guwapong direktor.

Sa nakaraang panayam din ni Toni, nabanggit niya na kung sakali ay gusto niyang maganap ang kasalan sa kanyang hometown sa Taytay, Rizal.

Ito naman ang naging tugon ni Direk Paul tungkol dito: "I'll leave the wedding to her.

"Just tell me what time and where, I'll show up.

"I mean, for me, the wedding talaga is about her. It's about the lady.

"It's about Toni, what she wants and what she wants to do.

"Of course, me, I'll just be there.

"Just tell me what time and what to wear, I'll be there."

Sinabi rin ni Direk Paul na naging pamilyar na siya sa Taytay dahil pinupuntahan niya ang girlfriend doon tuwing may libre silang oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, I've grown to fall in love with Taytay because I'm always there, every other day.

"Whenever I see her, I'm in Taytay. I go to that same church where she goes.

"She showed me where she used to live, she showed me where she used to go to school and hang out.

"You know, Taytay is like a second home to me already.

"If she wants to get married in Taytay, then we'll all go to Taytay."

NOT BUILDING A HOUSE YET. Samantala, napag-usapan din ang bali-balitang nagpapagawa na raw ngayon ng bahay ang direktor para kay Toni.

Bahagyang napangiti si Direk Paul nang subukan naming kumpirmahin ito.

Pero aniya, "Am I building a house for her? No, not yet.

"Am I gonna build a house for myself? Yes, definitely, I wanna build a house for myself."

Para kay Direk Paul, ang pagpapagawa ng sariling bahay ay isang katuparan ng pangarap para sa lahat.

"I'm definitely saving to build a house.

"That's something I really wanna do, something, you know, that's kind of a goal or a dream.

"You know, you worked so hard and you save your money and you always wanna build your own house, a sort of accomplishment."

Kung sakali, sabi ni Direk Paul, "If she's with me when it's built, maybe it will be her house also.

"We'll see. We just take it day by day.

"Right now, I'm not building a house.

"I'd like to. That's something that's definitely in my plan.

"Maybe I'll take it more seriously. I'll look around before the year ends."

Sinabi rin ni Direk Paul na kung mangyayari na ang pagpapatayo ng kanyang bahay, sisiguraduhin niyang humingi ng tulong kay Toni.

"She built her own house a couple of years ago.

"You know, you see that through her hard work, she was able to build her own home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definitely, when I start looking at that direction of building my own house, I'll ask her.

"Marami na siyang contacts already. If I wanna get a good deal here and a good deal there, I think she knows that."

ED'S NOTE: Makikita ang bahay na ipinagawa ni Toni Gonzaga sa YES!magazine May 2011 issue, kunsaan kasama ni Toni sa cover ang kanyang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga.

Masayang tour ang nangyari sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay—mula sa mga kuwarto at closets ng magkapatid, hanggang sa living, dining, kitchen, at pagkatapos ay sa maaliwalas na garden at swimming pool.

Ang pinakamaganda sa experience ng staff ng YES! ay ang pakikitungo ng pamilya Gonzaga, mula sa magulang, katulong, at mga aso! Kitang-kitang may joy, harmony and good vibes sa Gonzaga home.

Nang araw na dumating ang YES! sa bahay nina Toni, naroon si direktor Paul Soriano. Tahimik lang siyang tumitipa sa kanyang laptop sa dining room ng mga Gonzaga. Paminsan-minsan binibiro siya ng YES! team at ni Toni, all smiles naman ang binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN