Vina Morales on being a mom: "It's the toughest job in the world."

IMAGE 0


"For now, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko, with whom will I end up with. Basta ang pine-pray ko lang, whoever he is, I know na mamahalin niya si Ceana," says Vina Morales on finding a partner in life.


Aminado ang celebrity mom na si Vina Morales na nararanasan na niya ang sinasabing "terrible twos" sa kanyang two-year-old daughter na si Ceana.

Ang "terrible twos" ay isang developmental stage sa mga bata kung saan mas napapadalas ang kanilang "mood swings at temper tantrums," ayon sa artikulo ni Vincent Iannelli, M.D., sa website na About.com.

Bukod dito, 'dinagdag pa ni Vina na mas naging malikot ang kanyang unica hija.

"Totoo talaga 'yon. Dati sabi ko, 'Totoo talaga 'yan?' It's so true.

"She's very active now and it's so hard to cope up with her.

"Kasi, ang likot-likot na niya, she runs around," sabi ng singer-actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa "Pampers Salutes Moms" event kaninang tanghali, May 17, sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas, Pasig City.

At bukod sa mga natutunan niya mula sa kanyang mga nararansan, sinabi ni Vina na nakatutulong din ang mga payo ng kanyang ina at mga kapatid niyang mga ina na rin.

Sabi pa niya, "You know, being a mom, it's the toughest job in the world.

"At times, it may require assistance from your mommy.

"I'm just so happy that my mommy is always there for me.

"After I gave birth, my friends were there, na mga mommies din.

"My sisters also are mommies na, except si Shaina [Magdayao]. Siyempre, hindi pa siya nakaka-relate.

"You know, it really requires assistance. Like this kind of events din, mas marami kang matututunan.

"I mean, di ba, you grow more? You become a better mom for your kid."

GIVING HER BEST FOR CEANA. Higit sa pag-iintindi ng sinasabing "terrible twos" sa mga toddler tulad ni Ceana, nais din umano ni Vina na maibigay ang best para sa kanyang anak.

"I'm determined to give my best to my daughter. I want to be the mom for her," nakangiting sabi ni Vina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Katulad ng sinabi ko, hindi ako magiging perpekto, but I want to give the best for her.

"I think any parent, any mom naman would agree to say na gusto nating maibigay ang lahat-lahat ng best for our kids."

Ito marahil ang isang dahilan kung bakit nasabi ni Vina na mas gusto na muna niyang makatapos ng pag-aaral ang kanyang anak sa halip na pumasok agad sa showbiz.

Sabi ng 35-year-old mom, "Being a mom, parang gusto ko munang i-enjoy niya ang childhood niya kasi hindi ko na-enjoy 'yon.

"Di ba, I started so young, I started early working for myself and for my family?

"So, I don't want her to experience that stress. Batang-bata pa ako nagtratrabaho na ako.

"I want her to enjoy. I want her to finish school, her education.

"I didn't finish mine. 'Yon lang, I want her to finish school and enjoy life talaga."

Kung sakaling dumating naman daw ang panahon na gustuhin ni Ceana na pasukin ang mundo ng showbiz, hindi naman daw pipigilan ni Vina ang anak.

Gusto lang siguruhin ni Vina na, "Hilig niya talaga. I can see talaga na mahilig siyang kumanta. She loves music.

"But for now, we'll see."

SINGLE PARENT. Samantala, sa naturang panayam, nabanggit ni Vina na nandoon din sa event ang ama ng kanyang anak na si Cedric Lee.

Patuloy pa rin si Cedric sa pagtulong sa pagpapalaki ng kanilang anak kahit hiwalay na sila.

Si Cedric ay may asawang iba.

Nabanggit na noon ni Vina na hindi naman kailangan ng partner para maging mabuting ina. (CLICK HERE to read related article)

Tila ito pa rin ang kanyang pananaw dahil hanggang sa ngayon ay hindi naman naghahanap si Vina ng panibagong karelasyon.

"Gusto ko for now, ang priority ko for now is Ceana and then myself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From there siguro, that's the time I'd say, kapag medyo buong-buo na ang sarili ko, I'm ready to date and find the right person for me."

Kung sakali mang dumating umano ang makakatuwang niya sa buhay, nais niya na mamahalin din nito nang buong-puso si Ceana.

"For now, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko, with whom will I end up with.

"Basta ang pine-pray ko lang, whoever he is, I know na mamahalin niya si Ceana.

"I don't know. I mean, hindi natin malaman kung sino ang makakatuluyan ko talaga, e—past ba, future, o present.

"Ang hangad ko lang talaga is 'yong anak ko."

ON SISTER SHAINA. Samantala, napag-usapan din sa interview ang nakababatang kapatid ni Vina, ang young actress na si Shaina Magdayao.

Paano kung maging ina na rin tulad niya ang kanyang kapatid?

"She's too young!" natatawang sabi ni Vina.

"I mean, for me, siyempre naman may sariling buhay na siya.

"I'm just here to support her in any decisions.

"But for now, I think she has to concentrate on her career muna."

Hindi naman ikinaila ni Vina na nananatiling masaya si Shaina sa relasyon nito kay John Lloyd Cruz.

Kuwento pa niya, "Lovelife, suwerte siya because John Lloyd talaga is treating her well.

"Alam mo 'yon—mabuti siya sa amin, hindi lang kay Shaina.

"I'm just hoping for the best sa kanilang dalawa."

Pero bago matapos ang usapan tungkol kay Shaina, muling sinabi ni Vina, "For now, huwag na munang baby.

"Huwag na muna, not to get married yet.

"There's so many things na dapat pa nilang pagdaanan together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN