Piolo Pascual on his relationship with KC Concepcion: "Gusto kong i-keep private whatever we have kasi pareho kaming public properties."

IMAGE 0


Now that Piolo Pascual has KC Concepcion in his life, is she worth the wait? "More than worth it. Lahat ng bagay may oras, lahat ng bagay pinaghahandaan, when it's time, it's time. Hindi naman ako papasok sa relationship if it's not for the long haul. But just the same, ayoko nang magsalita kasi sasabihin na naman na nagsasalita ka, you're flaunting it so I'd rather keep quiet. Nakakasakit minsan ang sinasabi ng tao so let's leave it at that," he sa


Bago pa man pumutok ang balita na nakauwi na sila Piolo Pascual at KC Concepcion at naklaro na rin ang relasyon nilang dalawa, lumabas ang mga kuwento na si KC daw ang mas nagmamahal kaysa kay Piolo at ang kawalan daw ng oras ng aktor ang madalas na issue ng magkasintahan.

When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Piolo last Sunday on ASAP XV, agad naming kinumusta ang ilang buwan na rin nilang relasyon ng girlfriend.

"Masaya ako at steady lang tayo. I think ang importante is what's going in between us, hindi yung sinasabi ng ibang tao. Medyo parang napaso na rin ako, parang sala sa init, sala sa lamig ang mga tao," ang sabi ni Piolo.

"I must admit nasasaktan din ako, sobra. As much as possible umiiwas nga ako sa mga interviews kasi like what was shown on TV Patrol nung isang araw, sinabi ko, busy pa siya... but I said it na parang nagdyu-joke lang ako pero the way it was handled, parang seryoso ako na medyo galit.

"Medyo ang dami ko nang naikuwento pero yun lang ang lumabas sa TV so nakakahiya sa tao kasi ang dating, parang nagku-complain ako. I'm not like that, hindi naman ako ang tipo na sasabihin on national TV yung nangyayari sa amin.

"Gusto kong i-keep private whatever we have kasi pareho kaming public properties. Ayokong nagsasalita kasi naiiba ang interpretation. Sometimes, things are taken out of context and nagkakaroon ng misunderstanding pag hindi mo nasabi nang maayos especially pag ipinapalabas na-edit pa, nakaka-frustrate lang."

Agad naming pinaklaro kay Piolo kung ano ang madalas na maging tampuhan nila ni KC.

"I think importante na may oras kayo sa isa't-isa. Natutuwa rin ako sa kanya kasi ako raw ang nagturo sa kanya na maging busy. Whetever we do naman, we're grateful especially now that she's coming out with a movie, mahal niya rin ang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's a workaholic, she's hosting, she just did Bb. Pilipinas, so talagang alam kong mahal niya ang ginagawa niya.

"She's very passionate, very talented, she has to use whatever talent she has because talaga namang magaling siyang performer hindi lang as an actress but also in hosting," ang sabi ni Piolo.

Nagbigay-pahayag din ang aktor sa obserbasyon ng marami, na sa kanilang relasyon, mukhang mas matimbang daw ang pagmamahal sa kanya ni KC.

"E ang babae naman kasi mas verbal. Siguro lugi siya dahil siya ang nasa The Buzz, siya ang napapanood. Ako naman, umiiwas ako kasi nga nakakasakit minsan the way people take things. So sabi ko sa kanya, mag-adjust ka sa akin kasi as much as possible, ayaw naming magsalita. Kaya lang, she's put on the spot kasi siya ang nagho-host.

"Whatever people say, whatever people do as long as I know we are okay, hindi ko na sasabihin ang iisipin ng ibang tao.

"She's very sweet. What I like about Kristina, she doesn't go half-baked, talagang all out so nakakataba ng puso."

Sa loob ng matagal na panahon ay hindi umamin si Piolo na nagka-girlfriend siya. Now that he has KC in his life, masasabi daw kaya ng aktor that she's worth the wait?

"More than worth it. Lahat ng bagay may oras, lahat ng bagay pinaghahandaan, when it's time, it's time. Hindi naman ako papasok sa relationship if it's not for the long haul, but just the same, ayoko nang magsalita kasi sasabihin na naman na nagsasalita ka, you're flaunting it so I'd rather keep quiet. Nakakasakit minsan ang sinasabi ng tao so let's leave it at that."

Naggaling sa America si Piolo para sa kanyang solo concert tour along with Pokwang. Agad din naming kinumusta sa aktor ang anak na si IƱigo at kung bukas na ba siyang pag-artistahin ito gaya ng gusto naman daw talaga ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn't get to see him because I was mostly in New York, nag-travel ako to New York, to LA, but mostly for training so hindi ako nagkaroon ng chance na makita yung bata pero hopefully this vacation, makakauwi siya.

"Ayoko talaga, ayoko siyang mag-artista pero bahala na if he wants to pursue acting. He's musically inclined, natutuwa ako, andami niyang alam i-play na instrument. Wala nga akong alam na tugtugin pero siya, he plays piano, he plays the guitar, he sings, he dances," ang sabi ni Piolo.

"He's really talented, I'm really excited for him pero tapusin na muna niya ang pag-aaral niya, yun naman ang deal namin.

"Hindi naman madaling trabaho ang showbiz, e, so sana lang just make sure he has a fallback. Kasi kapag hindi mo natapos ang pag-aaral mo, nakakatakot yun, nakakatakot naman kung wala kang babalikan. Education lang ang dadalhin mo pagtanda mo."

Nabalita before na gagawa si Piolo ng pelikula with Kim Chiu pero hindi ito natuloy. Instead, he is shooting a movie with Angelica Panganiban.

May isyung lumabas na hindi raw natuloy ang movie nila ni Kim dahil may mga sexy scenes daw na dapat gawin na hindi pa raw kasi kayang gawin sa ngayon ng young actress kaya nga siya pinalitan ni Angel.

"Nagkaroon lang ng kaunting problema sa schedule but definitely, I'm gonna be doing a movie with Kim. Hintay lang tayo ng oras kung kailan mag-swak ang schedule namin, pero I started shooting the movie with Angelica already.

"Of course it's under Star Cinema pa rin and I'm excited. It's been more than three years since last akong gumawa ng pelikula kaya every time I go to the set, I look forward to working. Ilang linggo rin akong nabakante dahil nagbakasyon tapos nagpunta pa ako ng America.

"Itong pagbalik ko, hirap lang talagang mag-adjust sa puyat but I'm excited because yung katrabaho ko yung bagong blockbuster director, si Direk Mae Cruz at siyempre si Angelica, na last kong nakatrabaho sa Mangarap Ka for TV. She was barely 18 [then], ngayon sobrang dalagang-dalaga na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"[But] it's a different concept; hindi parehong pelikula yun. Iba yung kay Kim, iba yung kay Angelica," ang sabi ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN