Marian Rivera about "Primetime Queen of GMA-7" tag: "Feeling ko, wala namang kokontra!"

IMAGE 0


Marian Rivera currently leads the FHM Sexiest Women in the World 2011 poll, which brings us to this question: Is she now ready to do a cover pictorial for the No. 1 men's magazine in the Philippines?


Sa latest poll ng FHM para Sexiest Women in the World 2011 ay nangunguna pa rin si Marian Rivera pagkatapos ng apat na linggo. (CLICK HERE to read related story.)

Ikinatataba naman ng puso ng Marian ang suportang nakukuha niya mula sa mga tao, sa kabila ng katotohanang hindi pa siya nagku-cover para sa nangungunang men's magazine sa bansa.

Noong 2008 ay si Marian ang itinanghal na Sexiest Woman in the World.

Kung sakali bang siya muli ang manalo this year ay papayag na siyang mag-pose para sa FHM?

"Tanungin n'yo na lang si Popoy," banggit ni Marian sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.

Sabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian, kung sa Temptation Island ay pumayag na siyang magpa-sexy, sa FHM kaya ay mapapayag na rin siya?

"Iba naman yung magazine, iba naman yung movie.

"Pero tingnan natin, bakit hindi?" nakangiti niyang sagot.

Pero sa palagay niya ba ay handa na siya sa sexy pictorial?

"Ay, ano ba yun, naka-bathing suit?" tawa niya.

"Ay, siguro si Popoy na lang tanungin n'yo diyan.

"Kasi sabi niya, pagdating sa FHM, sabihin ko na lang daw, siya na lang [ang tanungin].

"'Tsaka kasi may mga endorsements din ako na... Madami din akong kontrata na pinapangalagaan na kahit papaano, na dapat wholesome pa din—sexy pero wholesome pa din.

"Kaya nga yung Temptation, sexy siya, pero ginawa kong nakakatawa, e.

"So, kahit papaano, may value, hindi all the way sexy ka.

"So, may value ka na nakakatawa," saad niya.

(Ang FHM ay isang Summit Media publication.)

PRIMETIME QUEEN. Hindi maipagkakaila na isa si Marian sa pinakasikat na artistang babae sa Pilipinas.

Patunay nga nito ang madalas niyang pangunguna sa mga botohan, gaya ng FHM Sexiest Women in the World.

Pero sino ang masasabi niyang katapat niyang artistang babae pagdating sa kasikatan?

"Ang hirap—basta alam ko masaya ako kung anong meron ako ngayon," sagot ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos na po akong makipagsabungan sa ibang artista.

"Dati pa po yun, time ng Marimar 'yan, at marami talagang nangyari ng time ng Marimar.

"Pero naniniwala ako mao-overcome mo din, e, as long as napatunayan mo sa sarili mo na kaya mo naman dalhin yung sarili mo, o mag-stand alone."

"Primetime Queen" ang bansag ng GMA-7 kay Marian.

Sa tingin niya ba ay walang kokontra sa ibang mga artista ng Kapuso network sa pagbibigay sa kanya ng titulong ito?

"Feeling ko, wala namang kokontra!" natatawang sagot ni Marian.

"Walang kokontra, naniniwala ako diyan."

Paliwanag niya, "Dahil lahat ng trabaho, ginawa ko nang tama.

"Ginawa ko nang buong-puso ko.

"Binigay ko ang 100 percent ko nang walang pag-aalinlangan.

"Kahit sinong direktor ang makatrabaho ko, naniniwala ako na walang masamang masasabi sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN