Luis Manzano on Jennylyn Mercado: "We are definitely dating."

IMAGE 0


Luis Manzano responds to allegations that Jennylyn Mercado is using him to gain popularity: "Para malinaw po, ako po nagyayaya and Jen is definitely not a user."


Matapos ang matagal na pananahimik ni Luis Manzano tungkol sa pagkaka-link nito kay Jennylyn Mercado, finally ay nagsalita na siya noong Sabado, May 21, sa Entertainment Live sa tunay na estado ng relasyon nila ng Kapuso actress.

Matatandaang lumabas ang report na nakita raw silang magkasabay na namimili sa isang grocery. Bago pa dito ay nakita rin daw ang dalawa na sabay na nagbakasyon sa Boracay.

Pero tuwing tatanungin ng media si Luis tungkol dito ay laging tikom ang kanyang bibig.

Ngunit nang tanungin siya ng co-hosts niya sa E-Live na sina Nikki Gil, Ogie Diaz, at K Brosas tungkol dito kahapon, umamin na rin si Luis.

"Yes, we are," diretsong sagot ni Luis nang tanungin kung exclusively dating na sila ni Jennylyn.

FROM AFAR. Paano sila nagkakilala ni Jennylyn?

"Dati na kaming nagkakasama sa mga out-of-town shows, mga raket. Pero nagkasama talaga kami ni Jen when we started training together.

"Prior to training rarely, text has something to do with trabaho. Kumbaga, isang tanong, isang sagot, ganun lang.

"Kumbaga, everything started when we started training together—Muay Thai saka Jujitsu."

Hindi rin daw naging hadlang ang pagkakaiba nila ng pinagtatrabahuhang network.

"Kahit nasa kabila [GMA-7] si Jen, I've always been a fan of her beauty.

"Kahit nung nakita ko siya, sa Lepazpi pa yun, e, I was hosting a pageant. Sabi ko sa kasama ko, 'Ang ganda niya, 'no?'"

So, may crush na siya kay Jennylyn even before?

"Yes, I believe so," sagot ni Luis.

"Hindi ako sure kung meron nga talaga, pero I believe meron.

"Ang ganda niya, napakasimple ng beauty niya."

What made him decide to change from being an admirer to a suitor?

"Siguro nung nagkakasama kami, parang hinahanap-hanap ko yung tawa niya.

"Nagkakasama kami sa rolling, sa Jujitsu...

"Hindi nga biro yung ginagawa namin, e. Bagsakan yun, kung anu-ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero still, you look forward to that kahit medyo alam mo na sakit ng katawan ang ending para sa hapon na yun."

Bakit nagte-training si Jennylyn ng Muay Thai?

"Si Jen naman kasi, I can't speak on her behalf kung bakit talaga siya nag-start mag-training.

"Pero alam ko, sobrang big big fan si Jen ng UFC. Sobra!

"Alam niya lahat ng nangyayari sa UFC."

Ang UFC o Ultimate Fighting Championship ay isang promotion company na nagtatampok ng mga laban ng mixed martial arts fighters.

BORACAY SIGHTING. Totoo bang sinundan niya si Jennylyn sa Boracay noong nakita na magkasama raw sila?

"Once and for all, klaro ito, I think before Holy Week, nag-Boracay siya with her son and kanyang mommy.

"Tapos nakabalik na siya, kami [refering to Nikki Gil and Iya Villania] naman, nag-Bora for MYX, wala si Jen dun.

"Pero siguro after two days, bumalik si Jen dun with her family, kasama niya mga tita niya," paglilinaw ni Luis.

EXCLUSIVELY DATING. So, aminado siyang exclusively dating na sila ni Jennylyn?

"Yung exclusively dating, hindi pa fully tackled 'yan sa aming dalawa, hindi pa namin talaga nauupuan 'yan at napag-uusapan.

"Pero siguro sa puntong ito, so far, eveything has fallen into place.

"So siguro, yung pagiging exclusive—whether it be unspoken na lang sa amin or kailangan pag-usapan—isa na lang yun sa mga hakbang na kailangan namin pagdaanan kung ano man ang namamagitan sa amin."

For the record, ano na talaga ang status nila ni Jennylyn ngayon?

"We are definitely dating." sagot ni Luis.

Is he dating anyone else?

"No!" mabilis niyang sagot.

May kilig factor ba?

"Oo naman!

"Sabi ko nga, di ba, bubugbugin mo yung katawan mo sa Jujitsu, pero still, you are looking forward to it...

"Naggugulungan kayo, nagbabalian kayo ng buto, pero happy pa rin."

SINGLE MOM. Alam naman ng publiko ang pagkakaroon ng anak ni Jennylyn sa pagkadalaga. Hindi ba natatakot si Luis sa sasabihin ng ibang tao tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't take it as a bad thing," sabi niya.

"Definitely, any child is a blessing sa mga buhay-buhay.

"And for some na nababasa na napaka-negative na tao, na ini-insinuate na napakasama naman niyang ina at her age, at mahirap makipagrelasyon sa taong may anak na, ang masasabi ko lang sa ganun, e, di sana para na ring hinusgahan ang mommy ko [Vilma Santos].

"Dahil nung pumasok si Tito Ralph [Recto] sa buhay namin, my mom had me na.

"So, parang kung hinuhusgahan n'yo si Jen for having a son, at nagkataon na may papasok na sa buhay niya, di parang hinusgahan n'yo ang mommy ko, which is very very unfair.

"Siguro naman my mom raised me well. Siguro hindi ako naging pabigat.

"Kung nakita n'yo naman si Mommy at Tito Ralph ngayon, so far so good.

"Sana naman hindi gamitin yun because it is a very, very stupid logic," saad ni Luis.

Na-meet niya na ba ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz? At kilala na rin ba siya ng anak ni Jen?

"Yes, na-meet ko na siya," banggit ni Luis. "Dumadalaw siya sa training namin ni Jennylyn.

"I really doubt na alam niya ang name ko, kung kilala niya talaga ako. Definitely not yet.

"Siguro mas magugulat ako kung umabot na kami sa aspeto na ganun."

MEETING GOVERNOR VI. Ipinakilala na ba ni Luis si Jennylyn sa kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos?

"Yes," pagkumpirma ni Luis.

"Well, I guess it went really, really well.

"Nagkakilala sila sa Batangas, it was Holy Week.

"Wala rin naman ibang nasabi si Mommy. My mom likes Jen."

Sa palagay niya, boto ba ang mommy niya kay Jennylyn?

"Kahit naman siguro sino magugustuhan si Jen... As I told you kanina, my mom likes Jen," sagot ni Luis.

MOVING ON. Does it mean na pareho na silang naka move-on ni Jen sa mga past love life nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Luis used to be with Angel Locsin, while Jennylyn just came from a bitter breakup with Dennis Trillo.

"I think it will be very unfair naman kung ilalagay ko si Jen sa isang situation na hindi ready, na hindi pa pala ako ready.

"It will be very, very unfair for the lady," sabi ng TV host-actor.

Sino naman ang non-showbiz girl na, according to Toni Gonzaga, ay binilhan daw ni Luis ng HD Box?

"Sabi ko nga sa aking Twitter, yung sa non-showbiz girl na nililigawan ko—apparently, girlfriend ko daw...

"Ang story kasi ng HD Box... Sabi nga ni Toni, iisa pinagkukuhaan namin, may mga ni-refer na ako.

"Whether it be a normal, daily friend, girl friend, ang dami ko nang ni-refer.

"Ang sa akin is wala akong binabayaran para sa iba, definitely may ni-refer ako dahil gusto kong makuha yung free HD Box ko."

USER ISSUE. Ang tanong ng lahat: Luis, masaya ka ba ngayon?

"I am very, very happy," sambit niya.

Bakit pinili niyang magsalita regarding this issue about Jennylyn?

"Kung napapansin n'yo sa mga past interviews, laging sinasagot ko zip-mouth.

"Sabi ko nga, for 2011, tahimik lang ako.

"The only reason why nagsasalita po ako ngayon, dahil may mga lumalabas na 'user' issue.

"Unang-unang lumabas na ginagamit daw ako ni Jen.

"Unang-una po, kung si Jen ang gumagamit sa akin, then bakit po ako ang nagyayaya palagi?

"So, para malinaw po, ako po nagyayaya, and Jen is definitely not a user.

"Second is, ako pa ang nanggagamit kay Jen.

"Kaya nga po ganun ako (zip-mouth), kasi ayoko pag-usapan, ayaw din naman pag-usapan ni Jen.

"Yung iba lang po ang gumagawa ng issue.

"Ayaw namin pag-usapan, ayaw namin magpagamit.

"Sino ba naman ako para gamitin, as if ako ang pinakasikat na star?

"Sa akin po, ang kasikatan, napakadali lang niyan. Isang araw sikat ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas gusto kong magtagal sa industriya."

Pabiro namang tanong ni Ogie Diaz: "Masasabi mo bang si Jennylyn ang isang angel na bumaba mula sa langit para paligayahin ang puso mo ngayon?"

"Kung ibabase mo sa tanong na 'yan, ang sagot ko—yes, Jen is a blessing!" sagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN