Governor Vilma Santos airs opinion on blossoming romance between son Luis Manzano and Jennylyn Mercado

IMAGE 0


"Unang-una, single si Lucky. Pangalawa, sa pagkakaalam ko, wala namang commitment si Jen ngayon. So, they're just having a nice time together, so sana pabayaan na lang natin siyang masaya... But again, at the end of the day, wala siyang sinasaktan, wala siyang inaapakan, wala siyang sinisiraan, gusto lang niyang lumigaya, then let it be," says Batangas governor and Star for All Seasons Vilma Santos about rumored romance between her son Luis Manzano and Jennyl


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang namumuong relasyon sa pagitan ng Kapamilya host-actor na si Luis Manzano at ng Kapuso actress-singer na si Jennylyn Mercado.

Although may dalawang buwan pa lang silang magkakilala at lumalabas, may mga naghuhusga na at merong lantarang inaayawan ang sinasabing pagkakaroon ng relasyon nina Luis at Jennylyn.

May nagsasabi na hindi bagay ang dalawa, lalo pa't may anak sa pagkadalaga si Jennylyn at kabi-break lang nito sa dati niyang boyfriend na si Dennis Trillo.

Matapos magsalita ang dalawa sa magkahiwalay na pagkakataon, marami naman ang naghihintay sa pahayag ng ina ni Luis—ang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos.

Personal na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gov. Vi kahapon, May 25, sa governor's mansion sa Batangas.

Dito ay isiniwalat niya ang kanyang damdamin sa pagkakamabutihan ng kanyang panganay na anak at ni Jennylyn.

"Alam n'yo, mahirap tayong manghusga," umpisa niya.

"In the first place, nagiging isyu lang ito at napapalaki kasi may kanya-kanya nang interpretasyon.

"Pero sa totoo lang, bago pa lang naman ito.

"Siguro mga dalawang buwan pa lang nagkakakilala at nagdi-date ang anak ko at si Jennylyn.

"Hindi ako nagsasalita ngayon to meddle, nanay lang ako," paglilinaw ng actress-politician.

"Buhay ng anak ko 'yan, mature na si Lucky [palayaw ni Luis] to do and decide sa dapat niyang gawin.

"Ako, bilang nanay niya, naka-guide lang.

"Isa lang ang sinasabi ko sa anak ko at gusto kong ipaalam sa kanya.

"Sabi ko, 'As long, Anak, na wala kang iniisahan, wala kang tinatapakan, at wala kang inaapi, then go on with your life.'

"Unang-una, single si Lucky.

"Pangalawa, sa pagkakaalam ko, wala namang commitment si Jen ngayon.

"So, they're just having a nice time together, so sana pabayaan na lang natin siyang masaya.

"Yun lang naman ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But again," patuloy ng Star for All Seasons, "at the end of the day, wala siyang sinasaktan, wala siyang inaapakan, wala siyang sinisiraan, gusto lang niyang lumigaya, then let it be."

THE COMPARISON. May mga paliwanag si Luis sa hiwalay na interview, kunsaan ikinumpara niya si Jennylyn sa kanyang ina pagdating sa pagkakaroon ng anak at pagdating ng bagong pag-ibig. (CLICK HERE to read related story.)

Umani ito ng batikos sa ilang nagmamalasakit kay Gov. Vi. Ayon kasi sa mga ito, iba raw naman ang estado ng ina ni Luis kaysa kay Jennylyn.

Ano ang komento ni Ate Vi tungkol dito?

"Pero who are we to judge?" sambit niya.

"In the first place, kung nasabi 'yan ng anak ko, nagpakatotoo lang.

"Siya kasi ang involve dun.

"Kasi yung bata dun na sinasabing may anak na, siya yung anak.

"Nagkataon lang sa akin, na nagkaroon ako ng mga biyenan na hindi mapanghusga.

"Kasi when I got married [again], I had a baby already."

Ang tinutukoy ni Ate Vi rito ay si Luis nga na anak niya sa kanyang first husband na si Edu Manzano.

Dagdag niya, "Masuwerte ako sa biyenan ko at hindi ako hinusgahan.

"At ngayon nga, magtu-25 years na ang relasyon namin ni Ralph [Recto].

"So, it doesn't matter kung may anak ka—yun ang gusto niyang [Luis] sabihin.

"Kaya ako ang ibinigay niyang ehemplo, kasi siya yung bata.

"And look at him... Now, he is a happy boy, he is a productive boy.

"Hindi apektado para sabihin, 'Sino 'yan? May anak 'yan.'

"Siya kasi yun at binigyan niya ng ehemplo ang sarili niya.

"Nagtatrabaho lang naman ang anak ko, at wala siyang sinasaktan.

"Gusto lang niyang sumaya at masaya siya ngayon, so let it be."

Sabi pa ni Ate Vi, "Sa totoo lang, nagsalita lang ako sa inyo tungkol dito, hindi naman sa ako ang nakialam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil hindi naman talaga ako nakikialam sa lovelife ng anak ko. I am just here to guide

"But then, ang huli nito, desisyon ng anak ko. Kasi nasa edad na si Lucky para magdesisyon para sa kanyang sarili."

Humihingi pa rin ba ng advice sa kanya si Luis?

"Oo naman, pero bibihira," sagot ng Batangas Governor.

"Basta ang concern ko lang sa kanya na, 'Anak, masaya ka, happy ka, anything to do about that, may mga pabor at meron din talagang hindi. Anak, sanay ka ba?'

"Sabi niya sa akin, 'I can carry at kaya ko naman, Mom.' Kaya tahimik na ako rin.'"

MEETING JENNYLYN. Although hindi pa raw niya ganun kakilala si Jennylyn, pawang mga magagandang salita ang masasabi ni Governor Vi tungkol sa Kapuso star.

Kailan niya unang na-meet si Jennylyn?

"Yun naman, e, birthday ng anak ko. Nagkataong Holy Week.

"So, si Lucky, sa Batangas, sa Punta Fuego gumawa ng kanyang birthday party with his friends.

"So, inimbitahan niya si Jen.

"And that was the time I met Jen. She was very pleasant."

"Tita Vi" raw ang tawag sa kanya nito.

"Maganda at mabait siya," sabi pa ni Ate Vi tungkol kay Jennylyn.

"Bago lang nga ito, e. Kasi pag pinag-usapan, parang anim o isang taon na.

"Si Jen came from a relationship, nagne-nurse pa kanyang puso.

"Yung anak ko naman, e, single, gusto rin maging masaya.

"Wala namang commitment pareho ang dalawa, so huwag na nating husgahan.

"Alam n'yo, ang buhay namin, bukas sa madla.

"Hindi tayo pwedeng magsabi kung sinong tama o sino ang hindi.

"So, public property kami, may mga taong maglalabas ng kanilang opinion. So, okey lang.

"Basta malinis ang intensiyon at walang sinisiraan, then go ahead, okey lang sa akin yun.

"Basta uulitin ko, ang importante lang, masaya ang anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinasalamatan naman ni Ate Vi si Jennylyn dahil sa magagandang sinabi raw nito tungkol kay Luis. (CLICK HERE to read related story.)

"I thank Jen sa magandang adjectives na sinabi niya sa anak ko—'very gentleman' at iba pang tunay nga namang nakakataba ng puso. Salamat sa kanya.

"Siyempre lahat ng magagandang sinabi niya sa anak ko, doble ang saya ko.

"Lahat ng gagawin nila sa anak ko, doble ang epekto sa akin nun being the mother," sabi ni Ate Vi.

HIGH-PROFILE RELATIONSHIP. Sa previous relationships ni Luis ay walang masyadong ingay.

Nakailang karelasyon na rin naman si Luis, pero ang sa kanila ni Jennylyn ngayon ang tila pinagpipiyestahan nang husto.

Ano ang masasabi ni Gov. Vi tungkol dito?

"E, kasi, may mga nagsasabi kasi na hindi bagay, naggagamitan, parang kesyo wala sa tono...

"Pero hindi nila buhay 'to, buhay ng anak ko ito.

"Masaya siya, e.

"Sabi ko, wala namang naaapakan.

"Pero ang gusto ko, masaya ang anak ko.

"Hindi naman puwedeng ako ang kausapin, o kausapin ko si Lucky.

"Ganun talaga, tanggap ko na 'yan. Being a public property, pag-uusapan talaga.

"Atsaka merong pabor at hindi.

"At matitigil lang naman siguro 'yan kung magdesisyon na ang anak ko na mag-asawa.

"Binata pa ang anak ko, hayaan na lang muna natin siyang maging masaya," pakiusap pa ng Star for All Seasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN