Mikee Cojuangco-Jaworski still enjoys acting; gives opinion on RH Bill and PNoy's lovelife

IMAGE 0


Mikee Cojuangco-Jaworski has no plan to enter politics—at least for now. "I'm very blessed na madami akong choices and options. So, kung darating, darating. Pero sa ngayon, wala akong plano," she said during the press event of The Sexy Chef staged in Makati City.


Marami ang nag-akala na babalik sa showbiz si Mikee Cojuangco-Jaworski matapos itong lumabas sa pelikulang You Changed My Life (2009) under Star Cinema at Viva Films, at sa GMA-7 fantasy-comedy series na Magic Palayok (2011).

Bagamat sandali lamang ang naging partisipasyon ni Mikee sa dalawang magkahiwalay na proyekto, marami ang nag-isip na baka dinadahan-dahan lang ng dating equestrienne ang kanyang showbiz comeback bago tuluyang gulatin ang publiko.

Kahapon, May 18, ay hindi na nakaiwas si Mikee sa tanong ng reporters na dumalo sa relaunch ng The Sexy Chef na ginanap sa Filipinas Heritage Library sa Makati City.

Sabi niya, "Natagalan kasi kami sa mga usap-usap. Meron kasi akong upcoming na show din sa Channel 7, and nung nag-usap kami for a possible comeback sa Magic Palayok, medyo nagka-conflict na rin sa kabila.

"Excited nga ako dahil nung napag-usapan yung idea na bumalik ako, parang sabi namin, 'Bakit hindi ba natin naisip 'yon nung umpisa pa lang? Ngayon lang natin naisip yon.'

"Then, after a while, ayun, nag-usap, umupo, ganyan.

"Tapos siyempre, habang wala pa and may pumapasok na schedule sa akin, hindi ko naman masabi na, 'Ay, 'wag muna kasi may hinihintay pa ako.'"

MISSING ACTING. Sinabi ni Mikee na masaya pa rin siya tuwing haharap sa kamera at makikipagbatuhan ng linya sa kapwa artista.

"I enjoy it still," pag-amin ni Mikee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Siyempre, since nawala yung Mikee a long time ago and I've done a few.

"I also had some bad experiences, but I had also some good experiences.

"And siguro kung puwede lang na lahat ng gagawin kong mga ganun is magagandang mga experience, bakit hindi?

"But I also have to prioritize and I really chose, because I have the choice, to prioritize my family."

Hindi naman siya hinihigpitan ng kanyang mister na si former PBA (Philippine Basketball Association) player at dating Pasig Congressman na si Robert "Dodot" Jaworski Jr. sa binabalak sana niyang acting comeback.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aminado si Mikee na dahil may asawa na siya at mga anak ay hindi na puwedeng magbabad pa siya sa set kung sakaling may taping o shooting.

"Siyempre kasi team kami, di ba? So, minsan pag ako yung busy, kailangan siya yung busy sa mga bata 'tsaka sa pamilya.

"Kapag siya yung busy, ako naman sa mga bata. So, palitan kami," paliwanag niya.

OPTIONS OPEN. Sa kabila ng pagiging kilala ng pamilya ni Mikee pagdating sa larangan ng pulitika, wala naman siyang balak na tumakbo para maging isang elected official.

Masaya na raw si Mikee na manilbihan sa publiko sa pamamagitan ng kanyang mga supported advocacies, kagaya ng Plan International, Gawad Kalinga Bayan-Anihan, at Anak TV.

"All of us na may ginagawa para sa ibang tao, hindi lang para sa sarili natin or sa pamilya natin, that's public service.

"We should be proud na nagagawa natin yun, and then we should ask ourselves ano pa ang puwede kong gawin?"

Naniniwala si Mikee na hindi kailangang nasa posisyon ang isang indibidwal para makatulong o makapagbigay ng pag-asa sa iba't ibang sektor ng lipunan.

"Madami naman akong kaibigan na nasa posisyon. Although siyempre, may nagagawa ang isang tao na kapag elected official ka, na hindi mo magagawa kung ordinary citizen ka lang—may mga advantages and disadvantages din siya," paliwanag ni Mikee.

Pero ayaw rin siyempreng magsalita ng tapos ni Mikee dahil nga naman baka dumating ang panahon na magbago ang isip niya at hikayatin siya ng mga tao na tumakbo para sa isang partikular na puwesto.

"We'll see," sambit ni Mikee. "Ako, I never close my doors on anything."

Dagdag pa niya, "I know better than that.

"Madaming beses ko nang sinabi na ayoko or never, tapos doon din ako napupunta.

"Kaya siguro maging handa na lang tayo palagi.

"I'm very blessed na madami akong choices and options.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So kung darating, darating. Pero sa ngayon, wala akong plano."

STAND ON RH BILL. Hindi naman nakaiwas si Mikee na magpahayag ng kanyang posisyon kaugnay pa rin sa mainit sa usapin kaugnay sa Reproductive Health Bill (RH Bill) na kasalukuyang pinagdedebatehan sa Kongreso.

"Ano kasi ako, yung tipo ng tao na segurista," sabi niya.

"Kung titingnan natin yung RH Bill mismo, marami kasi siyang topic na tina-tackle and hindi lang isa.

"Parang sa akin, 'Ito, okay sa akin, pero itong isa, hindi okay sa akin. Ito okay din sa akin 'to, pati ito, pero itong isa, hindi.'

"So, paano 'yon? Susuporta ba ako sa isang bagay dahil yung mga iba type ko, pero yung iba hindi?

"E, paano ang implementation nun? Paano ipapatupad yung mga bagay na nakalagay dun sa batas, lalo na kung merong iba dun na hindi malinaw?

"Di ba, isa sa mga problema ng Pilipinas ngayon, maraming mga batas na hindi natin alam kung paano gagawin...

"Yung ibang mga batas, yung ibang mga services, nai-implement ba nang tama?

"Di ba, meron tayong program na lahat ng mga taong may TB, puwedeng pumunta sa Barangay Health Center nila, tapos bibigyan sila nga gamot for free?

"Yun ba nagagawa ba yun? Hindi rin nagagawa yun.

"Ilang beses yung gamot na 'yon, ibinebenta rin nila.

"Baka naman gawing business din 'to pagdating ng araw.

"Dapat siguro tingnan natin yung capability natin to implement.

"Hindi ko naman sinasabi na dapat acceptable sa lahat.

"Di ba, minsan yung gamot, pangit ang lasa and ayaw nating inumin? Pero alam natin kailangan para gumaling.

"May mga ganung factor din naman siguro about the RH Bill.

"But para sa akin, the intention maybe is good, but the way that we need to implement it—magagawa ba natin o hindi?"

PNOY'S ROMANTIC LIFE. Sa kasalukuyan ay muling may haka-haka kaugnay sa lovelife ng pinsan ni Mikee na si President Benigno "Noynoy" Aquino III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama ni Mikee na si Peping Cojuangco at ang yumaong ina ni PNoy na si dating Pangulong Cory Aquino ay magkapatid.

Nakuhaan kasi ang pangulo na tila ay may ka-date habang nanonood ng reunion concert ng 70s rock-disco band na Hotdog nung Lunes, May 16, sa Dusit Hotel sa Makati City.

Ayon sa impormasyon na lumabas ngayong araw dito sa PEP Alerts, kinilala ang "mystery date" ng pangulo sa pangalang Bunny Calica.

Kung kani-kanino na rin na-link ang pangulo mula nang umupo ito sa puwesto.

Ilan lamang sa mga pangalang idinikit sa binatang pinuno ay sina Valenzuela Councilor Shalani Soledad, stylist Liz Uy, at stock broker na si Len Lopez.

Tinanong ng PEP si Mikee kung umaasa ba siya na maikasal ang kanyang pinsan sa loob ng kanyang anim na taong panununkulan.

"I don't know if I should hope for that," ngiti ni Mikee.

"Well, para sa akin, whatever will make him the best president he can be.

"If it means na makakahanap siya ng mamahalin niya o pakakasalan niya, then sana ganun.

"But kung opposite, e, di sana hindi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN