Fabio Ide is out to prove he's more than a pretty face and a great body

IMAGE 0


"At the beginning, they just look na, 'A, he's just goodlooking, nice body.' Pero I think now, after I've done many shows, people started to appreciate my work and say, 'Maybe this guy has talent,'" says Fabio Ide.


Bukod sa pagiging bagong Regal Baby ng Spanish-Japanese hunk na si Fabio Ide, isa rin siya sa maituturing na busiest Kapuso stars.

Tatlo ang regular shows ni Fabio sa GMA-7: ang weekly gag show na Comedy Bar, ang showbiz talk show sa GMA News TV na Tweetbiz Insiders, at ang upcoming comedy series na Andres de Saya.

REGAL'S DESIRABLE MEN. Ngayon ay isa pa siya sa "Regal's Desirable Men," bagay na ikinasisiya ni Fabio, sabi nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Masaya. Siyempre, masaya," sabi ng half-Spanish, half-Japanese model na ipinanganak sa Brazil.

"Kasi nabigyan ako ng bagong opportunity. I feel very blessed, very honor to be part of the Regal Films right now.

"Maraming magagaling na artista dito sa Pilipinas, and why me, right?

"I think, di ba? It seems that people appreciate my work, my talent.

"I think, at the beginning, they just look na, 'A, he's just goodlooking, nice body.'

"Pero I think now, after I've done many shows, people started to appreciate my work and say, 'Maybe this guy has talent.'

"And I think, it also happened in Regal Films.

"Movies is completely different thing...totally different thing from TV."

Nakagawa na ng dalawang pelikula si Fabio—ang D' Survivors at You To Me Are Everything.

Bilang contract artist ng Regal, ano ang mga gagawin niyang roles? Ready na ba siyang magpa-sexy?

"Hindi ko pa alam ang plan niya [Mother Lily Monteverde].

"For the beginning, I think, medyo vulgar for the beginning, topless.

"But I think, it's Jonas Gaffud [his manager] who can decide, and Mother Lily, what's best for me.

"But I think, it's okay to accept sexy roles.

"For the beginning, I think, topless, okay naman," sabi niya.

FIVE HUNKS. Bukod kay Fabio, kasama ring pumirma ng kontrata sa Regal Films ang model-actors na sina Daniel Matsunaga, JC Tiuseco, Ian Batherson, at Ervic Vijandre. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat sila ay pawang models sa Mercator Talent Agency ni Jonas Gaffud.

Bagamat nasa iisang management team sila, hindi maiwasan na maikumpara sila sa isa't isa.

Tanong ng PEP, ano ang masasabi ni Fabio rito?

"Sa tingin ko, iba-iba ang opportunity na ibinibigay sa amin.

"So, we are just trying to really maximize all the opportunity that we are having right now.

"Siyempre, everybody needs to work. Everybody needs to make money.

"Everybody needs to help their family. We have to pay bills.

"The only thing you need to do is not to compete with others.

"Pero, I have to do what I really have to do.

"Kailangan kong pag-aralan ang Tagalog.

"Kailangan kong mag-workout para maganda ang katawan ko.

"I need to do acting workshop, singing lessons.

"Really, at this moment, I don't bother about other people.

"I just do my own thing. The only pressure is myself, not them."

RUFA MAE QUINTO. Muli namang itinanggi ni Fabio na ang pagkaka-link sa kanila ni Rufa Mae Quinto ay umabot na sa isang romantic relationship.

Ayon kay Fabio, wala siyang time sa lovelife ngayon.

"Of course, she's a very, very pretty woman. Super sexy siya at saka nakakatawa.

"But, I just came from a relationship na four years. Sobrang tagal.

"So, it's just almost four months since we broke up.

"Mas marami akong time na mag-focus sa trabaho ko.

"Hindi ko po siya [Rufa Mae] niligawan or any other girls.

"As I've told you, super busy sa mga shows, walang time for anything.

"The only time I have, I have my teachers to come because I have to learn Tagalog, singing, and acting workshop.

"I don't have anymore time for myself. So, I can't really be committed to anyone at this moment," sabi niya.

IWA MOTO. Kasama si Fabio sa upcoming sitcom na Andres de Saya, at nagulat daw siya nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang co-star na si Iwa Moto at ang boyfriend nitong si Mickey Ablan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho raw kasi niyang kaibigan ang mga ito.

"Actually, I wasn't there at the taping when it happened," sabi niya.

"But I'm a friend of Iwa and Mickey.

"Actually, everytime I see them, they are both masayahin lang.

"So, I was shocked.

"But, I really hope they'll get back together again."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN