Chynna Ortaleza reveals position on the RH Bill debate

IMAGE 0


"Dapat yung reyalidad, nakikita mo rin. Hindi yung okay, ito ang itinuro, therefore dito na lang din ako. Nag-iiba kasi ang panahon," says Chynna Ortaleza about the hotly-contested RH Bill.


Laging tinitiyak ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza na ginagamit niya ang kanyang oras productively.

Kung wala raw siyang taping o naghihintay pa ng susunod na regular shows, sinisigurado niyang may iba pa siyang pinagkakaabalahan o pinagkakakitaan.

"Nagbi-business ako. Tinutuloy ko yung online sites ko.

"Kapag hindi ako busy, nagbebenta ako ng mga accessories, used clothes, marami...dinidiskartehan ko siya.

"Kumikita naman. Lalo na kapag December, kasi may mga bazaar, di ba?

"Sabihin na nating wala akong project during that time, yun ang aasikasuhin ko.

"Okay naman po. Nakakatuwa rin," sabi ni Chynna nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magic Palayok last May 13.

MAGIC PALAYOK. Kung may isang show man si Chynna na sobrang nag-enjoy raw siya sa paggawa, ito ay ang early primetime series ng GMA-7 na Magic Palayok.

Ginagampanan niya rito ang papel ng kontrabidang si Natasha.

"Ay, naku, sobrang saya ko na naging part ako ng Magic Palayok!" bulalas niya.

"At masaya ako sa role ko kasi napaglalaruan ko lahat ng childhood fantasies ko.

"Mahilig talaga ako sa kontrabida. Ako ang tipong bata na umiidolo ng kontrabida, hindi prinsesa.

"Katulad noong bata ako, favorite ko si Maleficent, yung villain ng Disney sa Sleeping Beauty.

"Kaya noong sinabi nila na mala-Disney ito, at ini-allow nilang talaga, ni Direk Joel Lamangan at lahat ng production staff, na paglaruan namin ang hitsura namin—ang saya lang!

"Plus the fact that I get to work with him [Direk Joel] and Tita Cherie [Gil].

"I am so happy. I didn't expect that we would hit it off.

"I've always dreamed of working with her before because she's my idol—Tita Cherie, di ba?

"I didn't know na magde-develop yung relationship into something else, na puwede ko siyang i-text, puwede kaming lumabas minsan.

"After taping lalabas, kakain kami sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya lang ako kasi marami talaga siyang naituturo sa akin. Hindi lang sa pag-arte ha, pati sa ibang bagay rin.

"We talk about a lot of things."

Lalo pang masaya si Chynna dahil ang show nila ay consistent toprater sa timeslot nito, base sa AGB Nielsen Phils. ratings.

"Successful, so masaya kami. Siyempre, kinagat, e.

"Masaya kami na maraming bata ang natutuwa," sabi ni Chynna, na nagsimula sa showbiz bilang partner ni Richard Gutierrez.

PRO-RH BILL. Very vocal naman si Chynna nang tanungin siya ng PEP kung ano ang opinyon niya sa pinagdedebatehan ngayong Reproductive Health Bill o RH Bill.

Pro-RH Bill si Chynna.

Nagpaliwanag naman siya kung bakit ito ang stand niya.

"Ano, puwede yung condom, puwede rin yung birth control pills. Depende kasi 'yan sa hiyang-hiyang.

"Basta ako, yung fact lang na iniisip mo yung future ng magiging family mo, that's very important.

"C'mon, let's not be hypocrites."

Roman Catholic si Chynna, pero ayon sa kanya, "Dapat yung reyalidad, nakikita mo rin.

"Hindi yung okay, ito ang itinuro, therefore dito na lang din ako.

"Nag-iiba kasi ang panahon."

Dugtong pa niya, "Of course, I know that [the] Catholic [church] is against the RH Bill. It's definitely against their teachings.

"Sinasabi nga nila, if you want to do something outside of marriage and stuff like that, you might as well not do anything.

"But, does that really happen in real life? That's just my point.

"It's been happening since 19... let's not kids ourselves."

Binigyan si Chynna ng sitwasyon: Paano kung magkaroon ng ibang babae ang asawa, halimbawa, in the future? Di ba magiging malakas ang loob ng asawa kapag naaprubahan ang RH Bill?

"Because I am in favor of RH Bill, I will tolerate my husband's cheating? Of course not!" mariin niyang sagot.

Matatas na argumento ni Chynna, "That's a different story in itself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Just because you're pro-RH bill doesn't mean, 'Okay, I have the license to cheat.'

"That's different!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN