Cesar Montano admits being "ander de saya" once in a while to wife Sunshine Cruz

IMAGE 0

"'Ganito lang ang pagplantsa niyan. 'Ayan, kaya matulis 'yan, yung manggas ng polo, ipapasok mo 'yan.' Hanggang sa matapos ko na yung pamamalantsa, siya naman, 'A...ganun." "Later ko na lang na-realize, 'Teka muna. Ako na nagplantsa, ah. Wala nang ginawa 'to, ah.' So, ayun. Naaander na pala ako, hindi ko alam," relates Cesar Montano on how he unwittingly became an "ander de saya" husband to Sunshine Cruz in one of their t


Maging sa mga artista, hati ang opinyon hinggil sa pinagdedebatehang RH (Reproductive Health) Bill.

Ito ay ang ang ipinanukalang batas ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na naglalayong magpatindi ng pagpo-promote ng mga paraan ng birth control at pag-aalaga sa kalusugan ng ina at sanggol.

Sa batas na ito, habang patuloy sa pagkakalat ng impormasyon ang gobyerno kung paano gamitin mga paraan ng birth control at pag-aalaga sa kalusugan ng ina at sanggol, ire-require din ang mga private companies, public at private schools, sa pamamahagi rin ng mga produkto para sa birth control at impormasyon kung paano gamitin ang mga ito.

Mainit ang mga debate sa panukalang batas na ito sa pagitan ng mga Anti-RH at Pro-RH supporters.

Sa grand presscon ng bagong weekend comedy show ng GMA-7 na Andres de Saya kagabi, May 19, sa Studio 6 ng GMA Network Center, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng showbiz press kung anti- o pro-RH Bill ang isa sa bida ng show na si Cesar Montano.

Ipinahayag na kasi ng katambal niya sa show na si Iza Calzado na pro-RH ito.

"Ako, sa pamilya ko kasi, hindi pa ako nagkakaroon ng... Sana ay maunawaan n'yo ako dahil wala pa akong anak na lalaki," buwelo muna ni Cesar.

Saka niya sinabing, "Anti!"

"Anti-yin n'yo muna akong magkaanak ng lalaki saka ako magpo-pro. Antayin niyo akong mag-pro!" natatawang biro nito pagkatapos na ikinatawa rin ng mga kausap nitong press people.

"Pag may anak na po akong lalaki kay Sunshine, saka na po tayo magsama-sama!" tumatawang sambit pa ni Cesar muli.

"Try nang try" raw sila ni Sunshine sa kagustuhang magkaanak ng lalaki. Kaya wala muna sa kanila ang pagko-control.

"Patawarin n'yo po ako. Pero anti po muna talaga ako. Pag may lalaki na, pro na tayo! Ha-ha-ha!"

Actually, may dalawa nang anak na lalaki si Cesar .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Christian Angelo (pumanaw sa edad na 23) mula sa una niyang asawa na si Marilyn Polinga, at ang showbiz newcomer na si Diego Loyzaga (15) mula naman sa dating aktres na si Teresa Loyzaga.

Tatlong babae naman ang anak ni Cesar sa kasalukuyang asawa na si Sunshine Cruz. Sina Angeline Isabelle (9), Samantha Isabelle (6), at Angel Francheska (5).

May isa pang anak na babae si Cesar sa una niyang asawa, si Angela.

REAL-LIFE "ANDRES DE SAYA"? Sa Andres de Saya, na remake ng classic Carlo Caparas komiks novel na isinapelikula nung 1980 starring Gloria Diaz and Vic Vargas, isang tigasing bar bouncer na ikinasal sa gimikerang character ni Iza na si Matilde Golpe de Oro, ang papel ni Cesar.

"Shotgun wedding" ang nangyari sa pagitan nila, nang abutan ng lola ni Matilde na si Lola Corrine (played by Gloria Romero) na natutulog si Matilde sa kama ni Andres.

Dahil may gusto rin naman si Andres kay Matilde, at gusto nitong mapaamo ang babae sa kanya, naging "under de saya" o kaya-kayanan ni Matilde si Andres.

Pero sa totoong buhay, nangyari na bang naging "Andres de saya" si Cesar sa asawang si Sunshine?

"Partly, sa amin ni Sunshine, may ganun, e," pag-amin ni Cesar.

"Kasi, hindi nahahalata. Parang after a while, mare-realize ko, 'Teka, parang inaander na 'ko, a!"

Nagbigay ng halimbawa si Cesar.

"Nung nag-abroad kami... Hindi naman namamalantsa si Sunshine, kasi pagpaplantsahin mo, nakakatakot pagplantsahin.

"Ang liliit ng mga kamay nun, kutis-porselana, pag nasunog yun, perpetual yung guilt mo.

"So, ako naman, sabi ko, 'Dadalawa lang tayo rito!' Siyempre, galit ako nun.

"'Ganito lang ang pagplantsa niyan. 'Ayan, kaya matulis 'yan, yung manggas ng polo, ipapasok mo 'yan,'" kuwento ni Cesar kung paano niya tinuruang magplantsa si Sunshine.

"Hanggang sa matapos ko na yung pamamalantsa, siya naman, 'A...ganun."

"'Ganun!' Galit pa 'ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Later ko na lang na-realize, 'Teka muna. Ako na nagplantsa, a. Wala nang ginawa 'to, a.'

"So, ayun. Naaander na pala ako, hindi ko alam!" ani Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN