Paolo Ballesteros willing to do another gay role: "Bading ulit? Oo naman, bakit ako tatanggi sa trabaho?"

IMAGE 0


Hindi pa raw nagkikita si Gretchen Barretto at Paolo Ballesteros mula nang gampanan niya ang role ni Vodka sa I ♥ You Pare. Marami kasing nagsasabing nakakahawig ni Paolo si Gretchen. "Hindi pa kami nagkikita, natatakot ako... E, kasi mamaya baka sabihin niya, 'Hindi naman kita kamukha, e!' baka ganunin ako, di ba?" the actor says.


Isang napakagandang Paolo Ballesteros in Vodka character ang humarap sa amin sa last taping day ng I ♥ You Pare sa Fernbrook Gardens last Wednesday afternoon sa Alabang, Muntinlupa City.

Agad napansin ng mga press people kasama na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nasa set ng taping ang pagiging slim ni Paolo.

"Wala, diet lang at slimming coffee," ang sagot ni Paolo nang tanungin ang sekreto ng kanyang pagpayat.

Isang uri ng Brazilian coffee na nakakapayat ang regular na iniinom ni Paolo, bukod pa sa pagdidiyeta.

Hindi raw niya alam kung ilang pounds na ang nalu-lose niya.

"Hindi ko alam e, kasi hindi naman ako nagtitimbang, e."

Dahil last day of taping nila that day, Paolo was asked kung sino ang pinakamami-miss niya sa taping.

"Lahat sila! Ang pinaka, siyempre yung ano, nakaka-tent ko, yung lagi kong kasama sa tent, si Joey Paras tsaka si Via Antonio."

Magde-daily na ulit si Paolo sa Eat Bulaga!

"Yes!"

Ang reaksyon niya sa wedding announcement ng kapwa niya EB Dabarkads na si Pia Guanio. Bago ba ang announcement ni Pia na magpapakasal na ito sa boyfriend na si Steve Mago ay alam na ni Paolo?

"Hindi ko kasi alam... napanood ko lang sa TV, sa news, bilang busy lagi sa taping, ganyan, tapos pag nagbu-Bulaga pa kami, sa ano pa kami, sa labas."

Naitanong naman kay Paolo kung ano ang rekasyon niya sa mga magagandang comments sa kanya sa Twitter, na ang ganda niyang "babae" bilang si Vodka na karakter niya sa I ♥ You Pare.

"Actually wala akong Twitter, pero sinasabi nila sa akin yung mga tweets. Meron nga daw na parang "Operation: Get Paolo Ballesteros," parang ganun.

"Sinasabi lang [sa akin] kasi wala po akong Twitter, e.

"Hindi kasi ako mahilig mag-ano e, hanggang FaceBook lang, e recently nga nga kahit yung sa FB ko, hindi ko nabubuksan, ang status ko nga sa FB wala e, hindi ko ma-update."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag may offer na project na bading ulit ang role niya, tatanggapin pa rin ba ni Paolo?

"Go! Siyempre, kailangan mas mataas ang bayad! Joke!

"Bading ulit? Oo naman, bakit ako tatanggi sa trabaho? Kahit anong role, kahit taong grasa, kahit halimaw, go!"

Pabulosa ang mga isinusuot ni Paolo bilang Vodka at ang mga damit ay galing sa production ng GMA 7, pero ang mga sapatos ay si Paolo mismo ang bumibili.

Ngayong tapos na ang taping nila, ano ang gagawin niya sa mga high-heels na binili niya?

"Aba e, di magpa-praktis ako sa bahay!

"Para kapag may offer ulit na ganito ang role, hindi na ako mahihirapan."

Ilang pairs of shoes na ang nabibili niya?

"Siguro mga ano, higit sampu na, mga kinse na, kasi siyempre pag taping dito, iba ang mga damit ko kaya iba rin dapat ang sapatos ko."

Ang size ng paa niya ay...

"Ten sa babae, mga ten-and-a-half, ganyan."

Marunong na rin siyang maglagay ng false eyelashes na signature Vodka look.

"Tinutulungan ko yung make-up artist, siya yung nagme-make-up talaga, ako yung naglalagay ng eyelashes kasi ayoko na hindi dikit na dikit."

Kung lalake ang next role niya, kaya pa niya?

"Oo naman! Kahit ano nga, kahit na basura, sabi ko nga kahit ano. Although parang gusto ko yung mga character roles."

Kahit si Marc Abaya na 'ka-loveteam' niya sa I ♥ You Pare ay gandang-ganda sa kanya.

"Grabe naman siya! Sabi ko na nga ba e, may pagnanasa siya sa akin," at muling napa-halakhak si Paolo.

Hindi pa raw sila nagkikita ni Gretchen Barretto mula nang gampanan niya ang role ni Vodka. Bilang Vodka kasi, maraming nagsasabing nakakahawig ni Paolo si Gretchen.

"Hindi pa e, hindi pa kami nagkikita, natatakot ako.

"E kasi mamaya baka sabihin niya, 'Hindi naman kita kamukha, e!' baka ganunin ako, di ba? Kaya natatakot ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagbiro na pinapahanap na nga raw si Paolo ni Tony Boy Cojuangco, ang partner ni Gretchen.

"O sige okay lang!" at sabay tawa nito.

Wala pang sinasabi ang GMA na next project niya?

"Wala pa, e."

Si Joji Dingcong pa rin ang manager ni Paolo, at siya lang sa mga alaga ni Joji ang nananatiling loyal sa GMA 7.

Paano kapag inilipat siya sa Dos?

"Okay lang. Basta kung saan may trabaho, kahit Channel 13.

"Kung saan may trabaho, pero siyempre, Eat Bulaga! pa rin. Hindi ako aalis doon kahit ano ang mangyari, unless sila na ang magpaalis sa akin.

Ano ang pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa I ♥ You Pare?

"Yung nahirapan ako, yung una, yung nagagalit ako kay Ms. Regine, yung unang-unang ano namin na..."

Bakit siya nahirapan?

"E kasi Regine siya, e. Pinipingut-pingot ko siya, binabatukan, hirap ako kasi nahihiya ako sa kanya.

"At tsaka kasi buong araw na galit tapos pag-uwi sa bahay galit pa rin, ganun. Kaya mahirap.

"Tsaka yung buong araw na nakatakong.

"Kay Iza [Calzado, Regine's replacement], okay naman, pagud na pagod lang kami kahapon [May 17] kasi parang buong araw kaming nagte-taping na nakakapagod, tapos naka-high heels pa buong araw."

Magtatapos na ang I ♥ You Pare sa May 27, Biyernes, at ayon kay Paolo, abangan raw kung tuluy-tuloy na ang pagiging mabait niya kay Tonette (Iza) at kung ano ang mangyayari sa love triangle nina Vodka, Joel (Marc Abaya) at Polly (Via Antonio).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN