Iza Calzado will miss her "gayness" as I You Pare concludes on May 27

I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg">

I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg">

IMAGE 0


"Hindi po talaga ako prim and proper. I know myself. Kalog talaga ako pero siguro hindi ko lang talaga naipapakita. Kasi, hindi talaga ako nabibigyan ng pagkakataon. I've been doing serious stuff since day one. So, dito siguro kahit papaano, nabigyan ako ng kaunting pagkakataon," says Iza Calzado about the opportunity of playing the role of Tonette in I ♥ You Pare, which will end on Friday, May 27.


Isa sa mga hindi makakalimutang role ni Iza Calzado ang pagganap niya bilang Tonette sa comedy series na I ♥ You Pare, na magtatapos na sa darating na Biyernes, Mayo 27.

Ayon kay Iza, sa pamamagitan ng programang ito, naipakita niya kung gaano siya talaga kakalog sa totoong buhay.

"Hindi po talaga ako prim and proper," natatawang pahayag ng dalagang aktres nang makapanayam siya ng media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ang thanksgiving Mass na inihanda para sa I ♥ You Pare kagabi, Mayo 20, sa Skyline Executive Lounge ng GMA-7 sa Quezon City.

Dagdag pa niya, "I know myself. Kalog talaga ako pero siguro hindi ko lang talaga naipapakita. Kasi, hindi talaga ako nabibigyan ng pagkakataon.

"I've been doing serious stuff since day one. So, dito siguro kahit papaano, nabigyan ako ng kaunting pagkakataon. Bakla talaga ako. There's a little bit of gayness in me, meron talaga, e."

Bukod dito, natutuwa din si Iza at siya ang napiling humalili kay Regine Velasquez, ang orihinal na gumanap bilang Tonette. Kinailangang magpaalam ng Asia's Songbird sa programa dahil sa kanyang maselan na pagbubuntis.

Para kay Iza isang pagsubok sa kanyang kakayahan bilang aktres ang karakter ni Tonette.

Kwento niya, "It was so much fun for me. And it was such a challenge kasi talagang nakakapagod.

"Like, sa pilikmata, umaabot na hindi ko na mabuksan ang mata ko kasi talagang mabigat siya.

"'Tapos nakakapagod especially kapag medyo late na, nakakapagod siya sa mata."

Agad naman daw napapawi ang pagod dahil sa kanyang mga kasama sa show.

"Kahit na gano'ng nakakapagod minsan nawawala sa isip mo dahil sa makukulit na drag queens sa set namin. 'Tapos si Direk Andoy mahilig din magbiro. Alam mo 'yon, parang ang gaan, magaan sa set," pahayag ni Iza.

Ngayong matatapos na ang I ♥ You Pare, ano naman ang mami-miss ni Iza?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, "Ako kasi, parang halfway through na ako [pumasok], e. Pero, kumbaga, napalapit na rin sa akin yung mga tao. Parang noong dumating ako talagang sunud-sunod na.

"Usually kapag nag-uumpisa pa lang, ano pa kayo. Pero mami-miss ko nga yong warehouse, yung Club Love, yung samahan ng mga tao, at mami-miss ko yung makeup. Pero hindi ko siya gagawin sa tunay na buhay."

ANDRES DE SAYA.Pagkatapos ng I ♥ You Pare, simula namang mapapanood sa weekly sitcom si Iza na Andres de Saya, na magsisimula sa Sabado, Mayo 28.

Hindi para raw gano'n katagal ang pakikipagsalamuha niya sa iba pang bahagi ng programa, katulad ng main actor nito na si Cesar Montano, dahil dalawang beses pa lang silang nagte-taping.

Gayunman, sabi ni Iza, "So far, masaya naman ako. Masaya din naman sila, masaya kaming lahat. Magaan yung taping."

Dagdag na kwento pa niya, "Medyo nangangapa-ngapa pa kami sa studio. Minsan inuulit pa namin, dinadagdagan pa, nire-review kung okay ba. So, parang may mga feelers."

Nabanggit din ni Iza na natutuwa siya dahil nabigyan siya ng pagkakataong makasama sa trabaho ang multi-awarded actor na si Cesar Montano.

Aniya, "Ano kasi, e, mabait si Kuya Buboy [palayaw ni Cesar]. 'Tapos I like the way he thinks, the way he works. So, I appreciate that I was actually paired up with someone who really knows this stuff."

Bukod sa Andres de Saya, magiging regular na muli ang pagho-host ni Iza sa longest-running noontime show na Eat Bulaga!

I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg">


I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg"> I ♥ You Pare concludes on May 27" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25640/iza-calzado-will-miss-her-gayness-as-iyou-pare-concludes-on-may-27" data-desc="Iza Calzado will be paired with Cesar Montano in her next TV project Andres de Saya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/8839cc65c.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN