Is Bea Alonzo in love? Her answer: "I'm getting there and I would love to say 'definitely yes' one day."

IMAGE 0


"Alam n'yo, mahirap talagang magpatawad, lalo na kung nasaktan ka, di ba? But, parang sa ngayon, kung nasaan ako ngayon sa lahat ng blessing na nakukuha ko, parang wala ako sa posisyon para hindi ako magpatawad," says Bea Alonzo.


Ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang live na nag-guest sa segment ni Boy Abunda sa The Buzz na "The Abunda Challenge" kahapon, May 22.

Pero bago ang mabibigat na questions ay pinag-usapan muna nina Boy at Bea ang nalalapit nang pag-ere ng bagong primetime series ni Bea, ang Guns and Roses, kunsaan kasama niya rito si Robin Padilla.

"Kasama ko po rito si Mr. Robin Padilla, Diether Ocampo, sila Empress, Ejay [Falcon], at marami pa pong iba, "banggit ng young actress.

Anong klaseng Bea ang makikita ng kanyang mga tagahanga sa bago niyang serye?

"Ibang klaseng Bea naman," sambit ng young actress.

"Ito yung side ko na mas astig na hindi nakikita ng mga tao. Mas walang pakialam sa mundo."

BEST YOUNG ACTRESSES. Si Bea, ayon kay Boy, ang isa sa maituturing na brilliant actresses sa henerasyon ngayon.

Nagbanggit ng tatlong pangalan si Boy ay ipina-rank niya kay Bea kung sino sa palagay niya ang una, ikalawa, at ikatlong pinakamahusay umarte: Angel Locsin, Anne Curtis, at Bea Alonzo.

"Si Angelica Panganiban ang number one!" sagot ni Bea.

"Tingin ko, wala sa choices.

"Alam mo, Tito Boy, meron kasing iba-ibang genre na magaling kami.

"Merong project na 'eto ang weakness ko, ang galing-galing naman nina Angel at Anne.

"Pero right now, sa mga ipinakita namin, sa tingin ko, si Angel Locsin, si Anne Curtis, at siguro ako.

"Kasi, hindi pa napapanood ang Guns and Roses!" natawa niyang sabi.

Bilang babae, ano sa tingin ni Bea ang pinaka-seksing bahagi ng katawan ni Robin Padilla?

"Yung mata niya," sagot niya.

Sa mga eksenang nagkakatitigan silang dalawa, from her heart, ano ang nararamdaman niya?

"Kinikilig ako!" pag-amin ni Bea.

"Kinikilig ako kasi iba talaga, may misteryo ang mata niya.

"I think, hindi siya magiging Robin Padilla kung hindi siya ganoon ka-intense.

"At tingin ko, kaya rin nadadala yung leading ladies sa pag-arte sa mga eksena, dahil din sa mata niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag tiningnan mo siya, you will really melt."

Hypothetically, kung single kaya si Robin, may possibility kayang ma-in love si Bea sa aktor?

"Baka... siguro. Pero hindi yun ang iniisip ko right now."

Ano ang iniisip niya right now?

"Ano iniisip ko right now? Right now, kinakabahan ako!" natatawa niyang sabi.

What is she thinking of right now?

"I'm thinking na sana, malagpasan ko ang moment na ito na walang magagalit at walang magre-react," sagot ni Bea.

Will she ever fall in love with a married man?

"No," nailing niyang tugon.

Aside from the fact that it's wrong, bakit?

"Kasi, malaking factor that it's wrong and I come from a broken family.

"And I know how it feels like na masira ang isang pamilya.

"And I wouldn't do that to anyone else."

May mga nagsasabi na tila hirap si Bea na maging open, maging bukas ang damdamin niya. Kung totoo ang perception na ito, bakit?

"Totoo... totoo," pag-amin naman niya.

"Siguro kasi, sa dami rin ng pinagdaanan.

"I think naman, kahit na sino, magpu-put ng wall somehow, to protect themselves. Parang self-preservation.

"I think it's not bad. It's about protecting yourself."

Sa totoong buhay, kailan siya huling umiyak dahil sa pag-ibig?

"Eto na!" natawang sabi ni Bea.

"Recently... " pag-amin niya

Dahil?

"Dahil? Dahil nasaktan ako."

Nagtaksil na ba siya sa pag-ibig?

"Hindi."

May nagtaksil na ba sa kanya sa pag-ibig?

"Siguro," nakangiti niyang sabi.

Oo o hindi?

"Hindi ko alam."

Umibig na ba si Bea sa dalawang lalaki na magkasabay?

"Hindi."

Nagpatawad na ba siya, oo o hindi, sa lalaking nanakit ng loob niya?

"Alam n'yo, mahirap talagang magpatawad, lalo na kung nasaktan ka, di ba?

"But, parang sa ngayon, kung nasaan ako ngayon sa lahat ng blessing na nakukuha ko, parang wala ako sa posisyon para hindi ako magpatawad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, nagpatawad ako."

Sa buhay ni Bea at pagdating sa pag-ibig, sino ang isang taong napatawad na niya or hindi pa niya napatawad?

"Bakit gano'n?" ang natawa, pero halatang kinakabahan din na reaksiyon ng dalaga.

"Tito Boy naman, huwag gano'n... huwag na natin siyang pag-usapan."

Puso sa puso, mata sa mata, in love ba si Bea Alonzo, oo o hindi?

"I'm getting there and I would love to say 'definitely yes' one day."

Boy repeated the question: Is she in love, yes or no?

"Soon, yes," nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN