Lolit Solis celebrates 64th birthday on Startalk;gives updates on her alagas

IMAGE 0


Lolit Solis wants to throw a party in honor of the late talent manager Douglas Quijano. Problem is, his ashes are scattered among his former talents who can't seem to get together for the occasion. "Tama nga yung desisyon ni Anjo [Yllana], 'Can we just put together all the ashes and let's bury it na lang?'"Lolit says. "Si Anjo ang nag-suggest, kasi wala kaming madalaw na... Douglas and his ashes were scattered among [all] his alaga! E, ewan ko kung


Special edition ng showbiz-oriented talk show na Startalk, sa GMA-7, ang isinahimpapawid kahapon, May 21, dahil ipinagdiwang dito ang kaarawan ng isa sa mga regular host ng programa, si "Manay" Lolit Solis.

Last Thursday, May 19, ang totoong birthday ni Manay Lolit. She turned 64 years old.

Sa selebrasyon ng kilalang talent manager ay namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ang isa sa mga alaga niyang aktor, si Paolo Contis, na bumati at sandaling tsumika; at pag-uwi ay bitbit na rin ang isang kahon ng regalong para sana sa birthday celebrator.

"Naku, siya ang naka-harbatey ng regalo ni Ate Lolit, o!" banggit ng isang taga-produksiyon. (Ang "harbatey" ay kumuha o humarbat.)

Balewala naman ito sa manager ng aktor. Nang lapitan namin si Manay Lolit para batiin at kumustahin, nagkataong nag-uusap sila nina Paolo at isa pang aktor, si Dingdong Dantes.

Ang susunod na bahagi ng programa ay ang interview ni Butch Francisco (co-host) kay Dingdong.

Ang topic ay ang tungkol sa pag-atras ni Paolo sa Amaya, diumano, dahil ayaw nitong makatrabaho ang actress-girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera, na bida sa isasahimpapawid na epicserye ng GMA-7.

May naiulat na dahilang hindi tinanggap ni Paolo ang epicserye dahil nainip ito sa paghihintay na magsimula ang kanyang taping, matapos ang isa pang tinampukang teleserye.

Kaya nag-back out daw si Paolo sa advice na rin ng kayang manager.

"Aminin mo na, na sasamahan mo sa Amerika si Lian [Paz, Paolo's girlfriend] dahil libre. Actually, yun naman ang dahilan talaga, e, di ba?" birong-totoo ni Lolit sa alaga niyang aktor.

"Anong sasabihin ko?" tanong naman ni Dingdong. "Mag-iimbento ako..."

"Eklay niya lang 'yon, anak, na mataba siya whatever," pambubuko pa ni Lolit kay Paolo, as told to Dingdong.

"Actually, ang rason niya talaga, libre papuntang Amerika..."

Birong suggestion pa ni Paolo kay Dingdong: "Sabihin mo na lang ano, nagkagalit tayo sandali, tapos okey na 'yon..." Sabay-ngiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga siniseryoso nina Lolit at Paolo ang tungkol sa tatalakaying "issue."

Maging nang mag-interbyu si Butch kay Dingdong sa mismong segment ng show ay hindi na sila nakinig. May iba silang pinag-uusapan.

From what PEP heard, maraming lakad si Paolo, out-of-town at yun ngang sinasabi ni Lolit na pagpunta nito sa Amerika, kasama ang girlfriend na si Lian Paz na kapapanganak pa lamang sa kanilang second baby.

Next week, ayon din kay Paolo, pupunta siya ng General Santos City. Pero makakabalik in time for the silver wedding anniversary of Senator Bong Revilla and Rep. Lani Mercado on May 28, kung kailan gaganapin ang renewal of vows ng mag-asawa.

Si Lolit din ang manager nina Senator Bong at Lani, kaya isa siya sa magiging ninang sa kasal ng mga ito.

ULIRANG ARTISTA. Ang isa pang mina-manage na aktor ni Lolit, si Christopher de Leon, ay nasa New Zealand daw ngayon, ugnay sa pagdiriwang ng 18th birthday (debut) ng dalagang anak nila ni Sandy Andolong.

Ang kanilang dalaga, nicknamed Mariel (Maria Angelica), ay pang-apat na anak nina Boyet at Sandy; ang iba pa ay sina Santino, Miguel, Gabriel, at Michaela.

"Kasi naawa sila sa anak nila," banggit ni Manay Lolit tungkol sa mag-asawang Boyet at Sandy.

"Last year kasi, yung anak ni Amy Austria, nag-debut din. Nagpunta si Amy [sa New Zealand] para sa anak niya.

"So, ngayon, nandoon din sila [Sandy at Boyet] for two weeks.

"They'll be back, mga May 28."

Next month ay tatanggap ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award si Christopher sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang awards night ay gaganapin sa June 20 sa Resorts World Hotel sa Pasay City.

"A-attend siya," pagkumpirma ni Manay Lolit.

Incidentally, ang unang tagapagbigay ng nasabing parangal ay ang Nora Aunor Foundation, Inc. That was in the '80s and '90s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Boyet ay naging unang asawa ni Nora Aunor. May isang anak sila ng superstar, si Kristoffer "Ian" de Leon, na ngayo'y kapiling din ni Boyet.

Nora has since moved to the U.S. at hindi pa tiyak kung kailan uuwi sa bansa.

Nataon din sa kaarawan ni Nora (May 21) ang belated birthday celebration ni Lolit sa Startalk.

Ano ang mensahe niya kay Nora sa kaarawan nito?

"Sana mag-focus na siya. Focus. Sayang kasi, e," sabi ni Lolit, na wala namang anumang sama ng loob kay Ate Guy.

DEATH ANNIVERSARIES. On June 7 ay ikatlong taon ng paggunita ni Lolit at mga kapamilya't iba pang mahal sa buhay sa kamatayan ng action star na si Rudy Fernandez.

Sa June 13 naman ay ang ikalawang taon ng kamatayan ng kaibigang talent manager ni Lolit na si Douglas Quijano.

"Si Rudy, meron naman siyang...[puntod]," sabi ni Lolit, who's looking forward na dalawin ito, kasama ang isa pa niyang alagang aktres, si Lorna Tolentino, Rudy's actress-wife.

Sa kaso naman ng namayapang si Douglas—o Tito Dougs sa mga nagmamahal na taga-showbiz—sabi ni Ate Lolit, "I don't want to ano... kasi, baka desisyon ni Douglas...

"Pero galit na galit ako, kasi, di ba, yung mga abo ni Douglas, it's all around sa mga alaga niya?" banggit ni Lolit, na kabilang sa mga tinutukoy na naiwang mga alaga ni Douglas ay sina Richard Gomez at asawang Lucy Torres-Gomez, Janice de Belen, John Estrada, Gelli de Belen, at Anjo and Jomari Yllana.

"Wala ka man lang madalaw...galit ako. Kasi, last year, talagang tinawagan ko pa sina Lucy, sabi ko, 'Hoy, let's have ano, let's give Douglas a big party!'

"Nag-plano ang PAMI [Professional Artists Management, Inc.] na magkaroon ng [memorial mass and celebration], at pumayag na si Mother Lily [Monteverde].

"All of a sudden, biglang hindi daw puwede dahil hindi daw puwede yung ibang alaga!" bulalas ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'who's important ba? Yung alaga o si Douglas?" tanong din ni Lolit, na natatawa na lang.

"Whoever decided na yung mga ashes, e... scattered around?"

This year, who knows, baka matupad ang gustong mangyari ni Lolit.

"I hope. Ayun nga, nag-promise sa akin si Lucy, 'O, Tita, ano, let's make it ano...'" sabi raw ng misis ni Richard Gomez.

"Tama nga yung desisyon ni Anjo, 'Can we just put together all the ashes and let's bury it na lang?'

"Si Anjo ang nag-suggest, kasi wala kaming madalaw na... Douglas and his ashes were scattered among his alaga!

"E, ewan ko kung sino...who decided [on it], baka naman desisyon ni Douglas 'yon?" naisip din ni Lolit.

PHONE CHAT WITH MOTHER LILY. Sa huling bahagi ng Startalk, binati si Lolit ng kanyang co-hosts na sina Butch Francisco, Ricky Lo, at Joey de Leon.

May birthday cake ang programa para sa celebrator.

After the show, nang palabas na ng studio si Ate Lolit, may tawag sa cell phone na mula naman sa producer na si Mother Lily Monteverde. Iniabot kay Lolit ang cell phone ng kolumnistang si Gorgy Rula.

"Bah, Mother, ha! Yung tsekeng ireregalo mo sa akin?" mabilis ang pagsasalita ni Lolit habang palabas ng studio. "Kailangan, ano, regalo!

"Hindi, i-blowout n'yo 'ko, Mother, at bigyan mo ako ng datung!" natural na pananalita ng talent manager sa kausap sa kabilang linya.

"Sixty-four years old na ako..." sabi pa ni Lolit, na tila nakikipag-bargain kay Mother Lily ng gusto niyang regalo sa birthday niya.

"O, sige, sige, Mother... ay, hindi, Mother... sabi ko, ayoko ng party-party, 'no!

"Gurang na ako! Ayoko niyan, ano! Ayoko ng party-party!... bigyan mo na lang ako ng pera!" at doon natapos ang usapan nina Mother Lily at Lolit Solis, na na-reveal din sa PEP kung gaano kabilis ang pagsasalita at pagpapalit ng mood niya, ayon sa hinihingi ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN