Iza Calzado explains for the first and last time why she backed out from Sentensyada

IMAGE 0


"I wish that we would give Bianca King the respect that she deserves. Because she was already given this opportunity, and I hope the people do not... Kasi bibigyan pa siya ng pressure, that's why I feel bad nga, e. Parang in my opinion nga, hindi ko alam bakit nakalabas ito, e. Na tinanggihan ko, tapos... Kasi it's not good that, you know, you're playing something that people know that... Parang people would think na, 'E, hindi naman para sa kanya yun!' It's not good


Napabalitang kay Iza Calzado unang inalok ang female lead role sa upcoming afternoon series ng GMA-7 na Sentensayada, pero tinanggihan ito umano ng aktres kaya napunta kay Bianca King.

Para malinawan ang mga bagay-bagay, ito ang itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Iza nang nakausap namin siya sa farewell presscon ng I ♥ You Pare sa 17th floor ng GMA Network Center last Friday, May 20.

"Kasi, this came in two weeks ago," simula ng aktres.

"Of course, kami ng handler ko, before pa, tanggap kami, di ba?

"Yun bang 'O, Jun, kailangan kahit papaano may mga gagawin.'

"Tapos, Myra E (Iza's endorsement) kasi, I have to shoot something for them, so naka-plot out 'yan.

"And then, I have two more shoots for the next two weeks.

"So, the only day I can give them next week is one day, Wednesday, and then the week after, two days.

"E, June 6 na po ang airing [ng Sentensyada], so what am I gonna do? So, that's one thing.

"Second thing is I told Noel [Ferrer, Iza's manager], 'Noel, remember when I talked to Sir [Tony] Tuviera, I told him after I ♥ You Pare, I'll give Eat Bulaga! more time.'

"So, parang nahihiya naman ako na... He's a decent man, parang giving me a job...

"Not that the other thing is not a job, pero 'yon yun, e, it's my word kasi, e. Parang... it's one of the reasons.

"And then, sabi ko, kapag ganun kasi, you take it as, 'Okay, it's not for me, it's not for me.'

"And it was too quick na parang, maybe, sabi namin ni Noel, maybe there's something better. If not in the next month or two, it will happen.

"Kasi katulad nitong I ♥ You Pare, parang biglaan din, di ba? Hindi ko in-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsaka sabi ko nga, then I will take this time to focus on other things, so that I can be a better artist also.

"There are a lot of things kasi I wish to improve on and work on," mahaba niyang paliwanag.

GIVE IT TO BIANCA. Wala siyang regret na hindi niya tinanggap ang Sentensyada?

"Never, never," mabilis na sagot ni Iza.

"You know, when I make a decision, I always have to stick by it.

"And you know, honestly, I hope this is the last time I'm going to answer questions about Sentensyada.

"Because I wish that we would give Bianca King the respect that she deserves.

"Because she was already given this opportunity, and I hope the people do not...

"Kasi bibigyan pa siya ng pressure, that's why I feel bad nga, e.

"Parang in my opinion nga, hindi ko alam bakit nakalabas ito, e. Na tinanggihan ko, tapos...

"Kasi it's not good that, you know, you're playing something that people know that...

"Parang people would think na, 'E, hindi naman para sa kanya yun!'

"It's not good, so I hope that we give her a break.

"Give her a chance to show whatever skills and acting ability she has.

"She's a smart woman, she's focused...

"Pinakitaan naman niya tayo na she has been working so hard, she graduated from film school...

"You know, all these things, and you know... Just give her a wonderful opportunity talaga. Give it to her!

"So, that's why last na po ito," deklara pa niya.

IWA-MICKEY FIGHT. Ang isa pang isyu na itinanong ng PEP kay Iza ay ang tungkol sa eskandalo sa pagitan nina Iwa Moto at ng ex-boyfriend nito na si Mickey Ablan.

Magkasama sa upcoming comedy series na Andres de Saya sina Iza at Iwa.

Unang nagkaroon ng engkuwentro sina Iwa at Mickey sa set ng taping ng Andres de Saya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba ni Iza ay nagkaroon ito ng negative effect sa show nila?

"Bakit naman, ano naman ang kinalaman namin dun sa...

"Andun ako [nang nangyari ang insidente], pero wala po akong alam dun, e.

"Tsaka yung sa personal niyang buhay, sana huwag namang... di ba, huwag idawit sa show.

"And, on the other hand naman, we also do not think badly of [Iwa], kasi personal na, e. Nagkataon lang.

"Ang hindi lang talaga ano dun is it was during work.

"Kaya lang siguro, na parang, you know, it was not pleasure but it was a personal thing that got mixed up with work.

"Pero I cannot ano, e, I cannot say anything about that. That's her life. Labas kami doon."

I ♥ YOU PARE. Tungkol naman sa I ♥ You Pare na magtatapos na sa Friday, May 27, hiningan namin ng komento si Iza sa obserbasyon ng iba na mas bumagay pa raw sa kanya ang papel na Tonya/Tonette kesa sa original na gumanap dito na si Regine Velasquez-Alcasid.

"Mas bakla ako?" ang natatawang reaksiyon ni Iza.

"A, hindi ko na po aanuhin 'yan, hindi ko na po... wala na po akong masasabi tungkol diyan.

"Si Ate Reg, I saw her performances, although hindi ko naman kasi napanood talaga, na na-review lahat.

"We both have our own interpretation of the role, and sana hindi na lang iko-compare kasi magkaiba talaga.

"Sa akin po, wala akong masasabi dun. Kanya-kanya ng opinion.

"I also get tweets na 'Bakit ka ipinalit?' ganyan-ganyan.

"May mga tao lang na talagang ganun, tapos meron din namang very supportive.

"Actually, may mga fans din si Ate Reg na ganito, nagtu-tweet sila na, 'Sad ako na hindi na si Ate Regine, pero masaya naman kami na ikaw yung pumalit.'

"Yung supportive sila," saad ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN