Nora Aunor reveals her birthday wish to Kuya Germs: "Ang makauwi."

IMAGE 0


In his radio program, Walang Siyesta, German Moreno spoke to the Superstar, Nora Aunor, by phone on May 20, one day before her birthday. Kuya Germs asked how she was. "Wala pa rin akong boses. Yan nga ang hinihintay ko para makauwi ako. Kasi pag babalik ako dyan wala akong boses. Ano naman ang gagawin ko?" Ate Guy revealed on air.


Bumaha ng luha sa loob ng booth ng radio station dzBB nang makausap ni German Moreno sa kanyang programang, Walang Siyesta, ang nag-iisang Superstar, Nora Aunor, by phone kahapon (May 20) isang araw bago sumapit ang kaarawan nito ( May 21 ).

Di naiwasang umiyak ang mga solid Noranians na bumisita sa radio program ni Kuya Germs kasama sina Jana Chu Chu at Mega Ohlala nang marinig nila ang boses ng kanilang idolo at nabigyan sila ng pagkakataong makausap at matanong si Ate Guy.

Tanong nga ng isang Noranian habang lumuluha: "Ate Guy, kailan ka uuwi? Miss na miss ka na namin! Umuwi ka na!"

Mabilis namang sumagot ang Superstar: "Gusto ko na ngang umuwi pero may kailangan pa kasi akong gawin. Hayaan n'yo, kahit anong mangyari uuwi't-uuwi ako."

Kinamusta naman ni Kuya Germs ang kalagayan nito. Ayon kay Nora, wala pa rin siyang boses at patuloy na gumagawa ng paraan para maibalik ito.

"Wala pa rin akong boses. Yan nga ang hinihintay ko para makauwi ako. Kasi pag babalik ako dyan wala akong boses. Ano naman ang gagawin ko?"

Aarte ka na muna, ang suggestion ni Kuya Germs.

"Hindi naman puwedeng ganun. Gusto ko ding kumanta katulad ng ginagawa ko dati," ang sagot ni Nora.

May pag-asa pa bang bumalik ang boses niya? tanong ni Kuya Germs.

"Meron naman pero kailangang operahan, kasi yung sa leeg ko yung binutasan nila. Dumikit doon sa buto sa leeg kaya kapag nababalot doon masakit magsalita.

"Sa vocal chord, wala naman daw diperensya, pero sa ilalim, ewan ko saan, yun ang may deperensiya pero mas grabe yung sa leeg dahil sa pagkabutas," ang sabi ni Nora.

Pero magkakaroon pa rin ng way?

"Sana, sana! Gusto ko na kasi kumanta, naiinggit nga ako pag may nakikita akong kumakanta. Miss na miss ko na ulit yung pagpe-perform sa stage at nagko-concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga lang hindi pa talaga puwede."

At kahit ann man ang mangyari, si Ate Guy pa rin ang nag-iisang Superstar, ayon kay Kuya Germs.

"Naku ibigay na natin sa iba yun, yung bata at deserving naman," ang sagot ni Nora.

Hindi daw ito puwede, sagot ni Kuya Germs, pagkat ang mga fans ang nagbigay kay Nora ng titulong iyon.

"Salamat po!" sagot ni Ate Guy.

Dagdag pa ng master showman, kahit hindi matuloy ang mga kondisyones ng isang TV network, babalik pa rin ito sa bansa.

"Oo naman Kuya Germs, babalik talaga ako," sagot niya.

Paano siya magse-celebrate ng birthday niya?

"Wala dito lang ako nagmumuni-muni, iniisip ko kayo," sagot ni Nora.

Ano ang wish ni Ate Guy?

"Ang wish ko, ang makauwi."

Na-i-inlove pa ba siya?

"Papaano naman ako mai-in love, Kuya Germs, e, sa 'yo na ako.

"Hindi na ako puwedeng ma-in love sa iba."

Ang pabirong sagot naman ni Kuya Germs: "Tama ka na nga dyan. Kung binigyan mo ako ng pansin dati e, di tayo ang nagkatuluyan! Hindi ka naman nagpakita ng motibo, liligawan na sana kita. Papano naman, wala talaga ako nakikitang motibo, kahit konting tingin."

At nagpaalam na si Ate Guy: "Maraming salamat po sa pagkakataon na makausap ko kayo at nang mabati ko rin lahat ng mga nagmamahal sa akin, lalo na yung mga nandyan. Yung mga fans na hanggang ngayon ay talagang nandyan pa rin at hindi nagbabago.

"At kahit anong tsismis na marinig ay hindi naniniwala, yun ang isang nagpapalakas ng loob sa akin."

May message ba siya sa kanyang mga fans?

"Nasa puso't isip ko lang yun, Kuya Germs. Alam na nila yun kung ano. Hindi ako mapasalitang tao, pero mararamdaman mo kung gaano ko sila kamahal, maraming-maraming salamat sa lahat.

"Kuya Germs, bahala ka na sa mga anak ko at kapatid ko ha?" ang sabi ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN