Marian Rivera repays public support of Amaya by participating in roadshow

IMAGE 0


"Lahat naman kami sunud-sunod ang trabaho talaga, lahat kami pagod. Pero pagdating naman sa set ng show namin, nagkakasiyahan din kami. Kahit na naka-costume kami na mabibigat, ginagawa na lang naming masaya ang sitwasyon namin. Pampatanggal pagod din iyon sa aming lahat. Kaya maganda ang bonding namin sa set," says Marian Rivera.


Masayang-masaya ang Primetime Queen ng Kapuso Network na si Marian Rivera dahil sa patuloy na magandang pagtanggap ng mga manonood sa pinagbibidahan niyang epicserye na Amaya.

Ang Amaya na ang nangungunang primetime series, base sa latest ratings ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian sa GMA Network Studio kamakailan, nagpaabot ito ng pasasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanilang programa.

Isinama rin ni Marian sa kanyang pasasalamat ang lahat ng mga tao na pumunta sa kanilang Amaya Roadshow sa Central Luzon noong nakaraang June 4 and 5 sa Rosales at San Fernando, Pampanga; Dagupan, Pangasinan; at Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Natuwa si Marian dahil sa pag-aabala ng mga tao na panoorin sila mula sa kanilang motorcade hanggang sa kanilang shows sa malls.

Aniya, "Nakakapagod yung roadshow, pero nawala lahat ng pagod namin noong makita namin ang dami ng tao sa mga pinuntahan naming mga lugar.

"Nakakatuwa kasi 'Amaya' ang sinisigaw nila na siyempre, ikinatuwa naming lahat na nagpunta.

"Two days kaming nag-tour sa iba't ibang lugar, at tama lang naman na gawin namin dahil ito ang mga lugar na bihira naming mapuntahan.

"Nalaman namin na maraming mga Kapuso natin ang sabik na makita kaming lahat.

"Kaya sobra ang pagmamahal na binigay namin sa kanila noong mag-show na kami.

"Talagang todo-bigay na kami sa pagpapasaya sa kanila dahil alam naming todo rin ang suporta nila sa show naming Amaya mula Lunes hanggang Biyernes."

VISAYAS & MINDANAO. Magkakaroon rin daw ng Amaya Roadshow sa bandang Visayas, at hanggang Mindanao ay makakarating ang cast ng show.

Inaayos lang daw ang schedules nila dahil sa halos araw-araw nilang taping para sa show.

"Nabanggit nga nila na magkakaroon din kami ng show sa Cebu, Iloilo, at Davao. Para mapasaya rin namin ang mga Kapuso namin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero dahil nga sa taping schedule, inaayos pa nila.

"Medyo naantala kasi ang taping namin noong biglang nag-uulan.

"Kaya halos every day na ang taping kasi parating malalaki ang mga eksena.

"Hindi naman puwedeng madaliin ang mga ito kasi ingat na ingat kami sa mga kinukunang eksena.

"Kinukonsulta pa namin sa historians ang mga scenes kaya hindi madali ang lahat.

"Kaya sa mga naghihintay sa aming mga Kapuso sa Visayas at Mindanao, hintayin na lang nila ang confirmed na schedule namin sa pagbisita namin sa inyo.

"Basta patuloy n'yo lang isuporta ang Amaya."

ENJOY AT WORK. Kahit matindi ang taping ni Marian para sa Amaya, nasasamahan pa ito ng iba pa niyang trabaho tulad ng taping niya para sa Show Me Da Manny at shooting ng Temptation Island para sa Regal Entertainment at GMA Films.

Iniiwasan ni Marian na ma-stress kaya kapag nasa set daw siya ng Amaya ay masaya siyang nakikipagkuwentuhan sa mga kasama niya.

"Lahat naman kami sunud-sunod ang trabaho talaga, lahat kami pagod.

"Pero pagdating naman sa set ng show namin, nagkakasiyahan din kami.

"Kahit na naka-costume kami na mabibigat, ginagawa na lang naming masaya ang sitwasyon namin.

"Pampatanggal pagod din iyon sa aming lahat. Kaya maganda ang bonding namin sa set.

"Kahit na inuumaga kami sa taping, happy pa rin kaming lahat," nakangiting sabi ni Marian.

RAYMOND & GINA. Pinagyayabang naman ni Marian ang katrabaho niya sa Amaya katulad ng mahusay na aktor na si Raymond Bagatsing na gumaganap bilang ama niyang si Datu Bugna.

Nakunan na raw ang mabigat na eksena nilang dalawa at kinilabutan siya sa husay umarte ni Raymond.

"Bilib talaga ako kay Kuya Raymond kasi ang husay-husay niya," sambit ni Marian.

"Doon nga sa eksenang kinunan sa amin, mahaba 'yon, e, pero tuluy-tuloy lang kami.

"Doon ko nakita kung gaano siya kahusay na artista. Talagang humanga ako sa galing niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya natuwa ako na nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho siya rito sa Amaya.

"Sana makatrabaho ko pa siya sa ibang projects."

Humanga rin si Marian kay Gina Alajar, na gumaganap naman bilang kontrabida na si Dian Lamitan.

May eksena na hindi sinasadyang nasampal siya nang malakas ni Gina, pero itinuloy pa rin nila ang eksenang 'yon dahil ayaw nilang masira ang "moment."

Kuwento ni Marian, "After naman ng scene na iyon, nag-sorry sa akin si Direk Gina.

"Sabi ko naman na okey lang 'yon. Sanay naman akong nasasampal sa mga drama shows, e!" natatawang sabi ng aktres.

"Si Direk Gina naman, ilang beses ko na siyang nakatrabaho.

"Nadirek na niya ako before, nakasama ko na siya sa movie at nakapag-workshop na ako with her. Kaya gamay ko na si Direk Gina.

"First time kong maging kontrabida si Direk Gina kaya kinakabahan ako kapag may eksena kami.

"Alam ko kung gaano siya kahusay na artista, kaya ayoko ring magpakakampante kapag siya ang kaeksena ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN