Indie director Dante Garcia wishes to uplift rural kids, who are caught in poverty and crime, through his films

IMAGE 0


"Kaming mga industry practitioners na walang ginagawa, at some point, puwede kaming mag-reach out sa mga bata na nasa mga probinsiya," says Dante Garcia about his iCanTOIL, which stands for "Truth and Objective Imitation of Life."


"Meron akong tinuturuang mga bagets sa Palawan para sa Foundation pa rin all these years. Tapos may mga bagets ako na magpi-film [course]," ang bungad na kuwento ng direktor na si Dante "GA" Garcia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap namin kamakailan si Direk GA sa White House resturant sa Timog Ave., Q.C., kung saan nagkaroon ng re-launch ang Lyrics & Sheets Foundation at ang Panoramanila, na siyang producer ng Ploning na pinagbidahan ni Judy Ann Santos, at kanyang idinerek.

Tubong Cuyo, Palawan ang direktor kaya malapit ang puso niya sa lugar, kung saan din kinunan ang pelikula ni Juday.

THE PROJECT. Very passionate si Direk GA tungkol sa kanyang pinagkakaabalahan.

"iCanTOIL ang pangalan nun [mentoring program ng Lyrics & Sheets]. Mga bata na...dating children with a conflict with the law, mga dating gunrunner, mga snatcher, 'tapos wala silang access para maikuwento yung mga buhay nila. Mga snatcher...So may 15 ako na in-adopt para i- encourage sila to tell their own stories sa pamamagitan ng pelikula.

"So yung TOIL, acronym siya ng Truth and Objective Imitation of Life through film."

Subalit, nalilimitahan siya ng kakulangan sa pinansiya lalo pa't nag-iisa na lamang siya sa Panoramanila.

"So iyon, e, wala na kaming pondo, wala na kaming... I mean ang design kasi ng course, every other weekend. Nagdadala ako ng industry practitioner sa Palawan para magturo, hindi ako necessarily.

"So nung patapos na ang first sem na lecture-lecture, ano na kami post-production na may editing machine na dapat at sound recording. Wala sa Palawan nun so I need to raise funds for that.

"E, wala naman akong alam na ibang gawin pang paraan kundi pelikula so nag-decide ako na i-reactivate yung Panoramanila since three years na siyang hindi active.

"Ang nakakatakot lang, ako na lang kasi yung naiwan sa Panoramanila. Yung lahat ng partners ko nung ginawa yung Ploning, may nag-Unitel na, may bumalik sa... akala namin iyon yung last namin, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWO FILMS. Dalawang pelikula ang kanyang tatapusin bago matapos ang taon.

"E, since ito na yung may available na papel and may available na mga taong nagtiwala, ginagamit ko na lang siya ulit. Ire- reactivate ko siya and I'm doing two films before the end of the year."

Ang layunin daw niya ay ma-inspire ang mga bata, kaya gusto niyang abutin ang "mga communities, para sa mga schools."

Ito rin ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na matuto kahit pa malayo sila sa Manila.

"Kaming mga industry practitioners na walang ginagawa, at some point, puwede kaming mag-reach out sa mga bata na nasa mga probinsiya," aniya.

Bilang panghuli, nais niyang dumami pa ang mahilig sa paggawa ng pelikula. "Kasi ang daming interesado sa film e, kasi usung-uso siya ngayon, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN