Wife and kids remember seconddeath anniversary of Nomar Pardo, Richard Gutierrez's P.A., with a Mass

IMAGE 0


Nagdalawang-isip na sumama sa larawang ito si Lorayne Pardo (gitna). "Sila na lang," ang sabi niya sa PEP.ph. Ang dalawang batang kasama niya ay mga anak nila ni Nomar (inset), ang personal assistant ni Richard Gutierrez na namatay noong 2009. Si Don Enrique (right) ay 7 years old, habang si Ezekiel (left) ay 5 years old. Parehong namana ng dalawa ang kutis ng ama.


Second death anniversary ni Nomar Pardo, ang yumaong personal assistant ni Richard Gutierrez, noong Linggo, Mayo 22.

Nasawi si Nomar noong 2009 nang ang sports car na minamaneho ng aktor ay lumihis sa highway, bumangga sa isang poste ng kuryente at sa dalawang puno ng niyog, bago tuluyang nahulog sa isang open field sa Silang, Cavite.

Tumilapon nang ilang metro mula sa kotse si Nomar. Patay na ito nang umabot sa Adventist University Hospital. (CLICK HERE to read related article)

Kaugnay nito, nagkaroon ng pagkakataong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang biyuda ni Nomar na si Lorayne Pardo kaninang hapon, Mayo 24, sa isang fast food chain sa Maynila.

Aniya, simple lang daw ang ginawa nilang pag-alala sa death anniversary ni Nomar, "Nagpa-Mass lang kami at nagsimba kasama ang mga anak ko."

Bitbit nito ang dalawang anak na sina Don Enrique, 7, at Ezekiel, 5, sa Church of Our Lady Monte Maria, sa Barangay Amuyong, Alfonso, Cavite.

Malalaki na ang mga bata, na parehong kahawig ng yumao nilang ama.

Minsan daw, hinahanap pa rin nila ang kanilang Papa.

"Itong bunso, tatanungin niya, 'What happened to Papa again? Why did he die?'" kuwento ni Lorayne.

Si King (ang palayaw ni Enrique) naman, lagi raw sinasabi, "Sana buhay pa si Papa para masaya kami."

"RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO HOMICIDE" CASE VS. RICHARD. Nadako ang usapan sa kasong isinampa niya laban sa GMA-7 Captain Barbell lead actor.

Dito ay tikom ang bibig ni Lorayne. Tumanggi itong magbigay ng pahayag.

"Tanungin niyo na lang ang lawyers ko," aniya.

Matatandaan na dalawang buwan matapos ang insidente, Hulyo 23, 2009, nagpasya si Lorayne na sampahan ng kasong "Reckless Imprudence Resulting to Homicide" ang binatang aktor. (CLICK HERE to read related article)

Subalit noong Marso 1, 2010, na-dismiss ito ng Department of Justice (DOJ), sa ilalim ng pamumuno ng dating Justice Secretary Agnes Devenadera, dahil umano sa "lack of probable cause."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Marso 22, 2010, nag-file ng Motion for Reconsideration si Lorayne sa DOJ. Muli, hindi ito umayon sa kanya.

Sa resolusyon na ipinalabas ng dating Justice Secretary Alberto Agra, na siyang sumunod sa puwesto ni Devenadera, nakasaad: "no cogent reason to alter or modify, much less reverse, our findings."

Dagdag pa rito: "The ground raised in the instant Motion were duly considered and passed upon." (CLICK HERE to read related article)

Dahil dito, itinaas na ni Lorayne ang kaso sa Court of Appeals (CA).

Noong June 21, 2010, nag-file siya ng Petition for Certiorari. (CLICK HERE to read related article)

Ayon sa dictionary.com, ang "certiorari" ay isang "writ issuing from a superior court calling up the record of a proceeding in an inferior court for review."

CASE UPDATE. Sa ngayon, parehong "pending" ang mga kaso laban kay Richard Gutierrez sa Silang Regional Trial Court at sa Court of Appeals.

Kinontak ng PEP ang korte ng Silang, subalit iginiit ng babaeng nakasagot na hindi niya alam ang tungkol sa kaso ng aktor at maaaring hindi raw ito under sa kanila.

Nang tanungin ng PEP ang pangalan nito, tumanggi siya at matapos ay ibinaba na lamang ang telepono.

Paulit-ulit na tinawagan namin ang parehong number sa kahabaan ng 30 minuto, ngunit busy tone na lang ang naririnig.

Sa panayam naman ng PEP kay Atty. Firdausi Abbas, na siyang may-ari ng law firm na humahawak sa kaso ni Lorayne, hindi nito maitago sa kanyang tono ang pagkainip.

"Ang tagal-tagal!" ang nasambit nito.

Nag-file na raw sila ng Motion for Reconsideration sa Court of Appeals tungkol sa naging desisyon nina Agra at Devanadera.

Ang pahayag ni Atty. Abbas: "It's pending... Sa Court of Appeals, they [Richard's camp] filed a motion to dismiss, pero it was not given due course because they were asked to submit their comments to answer our petition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The CA denied it [Richard's motion]. Pero more than one month na, wala pang action...

"'Tapos, dun sa judge sa Bagong Silang, meron kaming hearing, and we moved for immediate trial."

Sa dalawang kaso, ayon kay Atty. Abbas: "We're waiting for the decision."

Pero sa kabila ng mabagal na pag-usad ng kaso, nananatiling positibo ang pananaw ni Atty. Abbas.

"There's no way na itong si Lorayne can't win the case.

"There's no way the judge won't see the probable cause.

"Kung wala pang decision next week, we're going to file a motion for immediate resolution."

LORAYNE'S SENTIMENTS. Sa parte naman ni Lorayne, naniniwala pa rin daw siya sa hustisya.

Ngunit inaamin niyang hindi niya alam kung kailan ito makakamit.

"Ipinagpapasa-Diyos ko na lang," ani Lorayne.

Sa ngayon, malaki raw ang pasasalamat ng biyuda ni Nomar dahil nabubuhay niya ang mga anak kahit nawala ang haligi ng kanilang tahanan.

Sabi ni Lorayne sa PEP, "Araw-araw, nakaka-survive naman kami. Araw-araw, may blessing na di mo ini-expect."

Dagdag nito, "Hindi ko alam kung papaano namin kinakaya.

"Wala akong trabaho. Hindi natuloy ang trabaho ko dun sana sa bakery ng kamag-anak namin, sinara niya kasi.

"Hindi ko alam kung paano ko nagagawa, pero nakakaraos kami ng mga anak ko."

Isang abugado ng BGE-PAL o Belo Gozon Elma-Parel Asuncion Lucila Law Office ang kinontak ng PEP para mahingi ang update sa panig ni Richard Gutierrez. Bukas ang PEP sa anumang pahayag nila.

Click here to view more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN