Showbiz and politics converge at Manny Pacquiao's victory party

IMAGE 0


Scenes at Manny Pacquiao's victory party last Sunday night: (top) Manny pours some wine into Willie Revillame's glass while host Chavit Singson looks on; (bottom) the Sarangani representative is flanked by former President Joseph Estrada and Vice President Jejomar Binay. CLICK HERE to view more phot


Isang victory party ang inihanda ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson para sa Pambansang Kamao at Sarangani Representative Manny Pacquiao para sa panalo nito kontra kay Shane Mosley.

Ginanap ang pagdiriwang sa clubhouse ng Corinthian Gardens noong Linggo, May 22.

Dinaluhan ito ng ilan sa pinakamalalaking pangalan sa pulitika at showbiz, sa pangunguna nina Vice President Jejomar Binay, Ilocos Norte Representative at dating First Lady Imelda Marcos, at si dating Presidente Joseph "Erap" Estrada.

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan noon sina Erap at Chavit dahil naging state witness ang gobernador sa impeachment case ng dating Pangulo noong 2001. Dahil dito ay napatalsik sa MalacaƱang si President Estrada.

Pero pagkalipas ng maraming taon ay nagkapatawaran din ang dalawa at sinasabing nanumbalik ang kanilang pagkakaibigan.

Ilan naman sa showbiz personalities na dumalo sa pagtitipon ay ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, kasama ang anak nilang si Richard Gutierrez at mga kapatid nitong sina Elvis, Rocky, at Ritchie Paul.

Namataan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga alaga ni Annabelle na sina Michelle at Ehra Madrigal, Bubbles Paraiso, at Miriam Quiambao.

Agaw-eksena naman ang pagdating ni Lovi Poe na pinagkaguluhan ng media nang lumapit ito kay Governor Singson para bumati.

Si Lovi ang sinasabing girlfriend ng anak ng gobernador na si Ronald Singson, nang ang dating congressman ay mahulihan ng droga sa Hong Kong. Kasalukuyang nakakulong ang huli sa Hong Kong.

Ilan naman sa mga nag-perform ay ang bandang True Faith at ang singers na sina Faith Cuneta, Tom Rodriguez, at Aiza Seguerra.

Dumating din ang controversial host na si Willie Revillame upang maki-celebrate kay Pacman.

Halatang nag-iwasan sina Willie at Aiza Seguerra sa naturang pagdiriwang.

Kung matatandaan, nagkaroon ng "word war" ang dalawa sanhi ng kontrobersiyal March 12-episode ng dating show ni Willie na Willing Willie.

Isa si Aiza sa naghayag ng kanyang opinion sa Twitter tungkol sa pagsasayaw ng isang batang contestant na parang macho dancer sa isang segment ng programa ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, kitang-kita naman ang kasiyahan ng maybahay ni Manny na si Jinkee Pacquiao.

Marami ang nagsabi na blooming si Jinkee sa kanyang suot na black cocktail dress.

MINI-CONCERT. Pagkatapos mag-perform ng mga banda at ilang singers, hindi rin nagpatalo ang Pambansang Kamao sa kanyang "mini-concert."

Kinanta ni Pacman ang ilang OPM songs at love songs na inialay niya sa kanyang asawa na si kay Jinkee.

Kaya naman walang tigil ang hiyawan ng mga bisita sa pagkanta ng champion boxer. Lalo na nang hilingin ng guests na mag-duet sila ni Jinkee.

Nahihiya man ay pinagbigyan ni Jinkee ang kahilingan ng mga bisita. Nakipag-duet siya kay Manny sa kantang "Sometimes When We Touch."

Kitang sweet na sweet ang mag-asawa habang kumakanta sila.

Nakipag-duet din si Concert Queen Pops Fernandez kay Pacman sa awiting "Bakit Ngayon Ka Lang?".

Kaya lang, halatang umiiwas ang dalawa sa intriga dahil magkalayo sila habang kumakanta.

Bukod pa rito, kasama ni Pops noong gabing yun ang bago niyang non-showbiz boyfriend.

Kapansin-pansin din ang pagiging sweet ng kakambal ni Jinkee na si Janet at ng singer na si Duncan Ramos.

ANOTHER VICTORY. During the event ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP makausap sina Manny at Jinkee kahit sandali lamang.

Ano ang masasabi ni Manny na marami ang nakiisa sa kanyang victory party?

"Maraming salamat kay Governor Chavit Singson na nag-organize ng victory party na ito.

"Maraming salamat din sa lahat ng mga kaibigan at fans ko na nagpunta rito para maki-celebrate sa aking tagumpay," sabi ng Pambansang Kamao.

Proud na proud naman si Jinkee sa bagong tagumpay na ito ng kanyang mister.

"Siyempre, masaya ako dahil nakapagbigay na naman ng karangalan sa mga Filipino si Manny.

"Proud tayong mga Filipino, salamat sa patuloy pa ring pagsuporta nila kay Manny.

"Hinihiling ko pa rin yung pagdarasal nila para manalo uli si Manny laban kay [Juan Manuel] Marquez this November."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkomento rin si Jinkee tungkol sa hiling ni Mommy Dionisia na mag-retire na si Manny sa pagbo-boxing, lalo na't nakatakda na ang ikatlong laban nito kay Marquez sa November.

"Puwede naman nang mag-retire ni Manny anytime, kasi okay naman na siya.

"Pero gusto niya pa rin lumaban, e. So, masusunod pa rin yung kanyang kagustuhan," sabi ni Jinkee.

GLEE GUESTING. Sinagot din ni Jinkee ang napapabalitang pagge-guest ni Manny sa sikat na U.S. TV series na Glee, lalo na't nagpahayag ang isa sa cast member nito na si Darren Criss na gusto niyang makasama si Pacman sa isang episode.

"Di pa po sigurado, e. Pagdating ni Michael Koncz, yung adviser ni Manny, nasa U.S. pa siya, e.

"Pagdating niya rito, malalaman namin kung tuloy ang pagge-guest ni Manny sa Glee.

"Magge-guest lang naman sya kung sakali, parang kakanta lang siya sa isang episode.

"So, sana matuloy, para makita rin naman namin paano ginagawa yung Glee at para makasama namin sila," sabi ni Jinkee.

CLICK HERE to view more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN