Iwa Moto: Fully recovered from intrigues and ready to work

IMAGE 0


Naka-move on na raw si Iwa Moto at balita pang ipinabura nito ang pangalan ng dating boyfriend na si Mickey Ablan na naka-tattoo daw sa kanya. Kinlaro naman ng aktres na ang tattoo niya ay "Miki," her sister's name at Yza, the name of Mickey's daughter.


Fully recovered na sa mga intriga at ready to work na si Iwa Moto, ayon sa report ng StarTalk TX kahapon.

Nitong Huwebes, sumalang sa [taping ng] Family Feud si Iwa kasama ang kanyang buong pamilya.

"Kasi na-realize ko na ang daming taong nagmamahal sa akin," saad ni Iwa.

Ayon sa ina niyang si Precy Bazar...

"Eto, naapektuhan kami nung ano, pero kahit papaano ay nakayanan namin dahil alam ko naman na hindi kami pababayaan sa Itaas dahil every time, tumatawag kami sa Itaas para sa kabutihan ng aking anak, yun lang naman.

"So okay na siya, wala na siyang... nakapag-move on na siya, wala na siyang... hindi ko na nga nakikitang umiiyak, e."

Ito naman ang pahayag ng stepfather ni Iwa na si Gerry Bazar...

"Kailangan pangaral kasi medyo bata pa yan at kailangan niyang makinig sa pangaral namin bilang mga magulang niya."

Nang hingan naman ng reaksyon si Ginoong Bazar tungkol sa hiwalayan nina Iwa at Mickey Ablan...

"Hindi hindi naman kami nakapag-usap [tungkol doon], pero ang sa akin lang e kung ano ang makakabuti para sa kanilang dalawa.

"Kaya ang sabi ng bata [Iwa], 'Ma, Pa, eto ako ngayon, focused ako sa trabaho ko. Career muna para makabawi naman ako sa pamilya ko at sa GMA network.'"

Naka-move on na nga raw si Iwa at balita pang ipinabura nito ang pangalan ni Mickey na naka-tattoo daw sa kanya?

"Tattoo? My sisters name... wala, pangalan po ng kapatid ko, mga kapatid ko at tsaka pangalan ni Yza (Mickey's daughter).

"My sister's name is Miki."

So hindi name ni Mickey ang nasa tattoo ni Iwa...

"Ay hindi po, si Miki po kapatid ko po, pareho po sila ng nickname."

Ipinakita pa nga ni Iwa sa StarTalk TX ang tattoo niya na "Miki" nga ang nakalagay at hindi "Mickey" at "Yza."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw niya ipabubura ang pangalan ng anak ni Mickey.

"Hindi ko po buburahin si Yza sa buhay ko."

Muli ang pasasalamat ni Iwa sa mga taong tumulong sa kanyang mabilisang pagbangon sa mga pagsubok.

"Thankful ako sa mga taong nasa paligid ko rin, siyempre my family, yung handler ko, Artist Center, ang GMA. Yung anak-anakan ko, lalo na si Camille na mula nung umpisa talaga na stressed na stressed ako, nandiyan lang siya sa tabi ko.

"At siyempre si tatay Rommel (Gacho), na papatayin ako kapag nagloko pa ako, at si kuya Cris Ojeda (a GMA 7 handler)."

Abangan bukas Lunes, June 6 ang pamilya ni Iwa versus Pauleen Luna's family sa Family Feud.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN