Julia Montes on rumored relationship with Enchong Dee: "Ni text or tawag, wala po."

IMAGE 0


Lumaking walang ama si Julia Montes. Two months old pa lang daw ito nang huling bisitahin ng kanyang deaf-mute father. Ang kanyang Lola Flory ang halos nagpalaki sa kanya. Julia's mom is also a deaf-mute.


Sa maraming tagasubaybay ng Mara Clara, siguradong kilalang-kilala na nila ang Kapamilya young actress na si Julia Montes.

Si Julia, sa serye, ay ang kontrabida, mapang-api at kinaiinisan ng karamihan. Pero in real life, lalo't-higit sa kanyang pamilya, masasabing inspirasyon sa kanila ang young actress na marami na ring pinagdaanan bago nabigyan ng pagkakataon sa naturang serye.

Bago ang live interview ni Toni Gonzaga kay Julia sa The Buzz, yesterday, May 22, ipinakita muna ang VTR interview sa lola at kapatid niya.

Kaya naman teary-eyed na halos si Julia nang i-welcome ni Toni, who asked her why she was crying.

"Mixed emotions po, e. Happy at saka, yun nga po, super blessed sa nangyayari sa akin ngayon."

Lumaking walang ama si Julia. Two months old pa lang daw ito nang huling bisitahin ng kanyang deaf-mute father. Ang kanyang Lola Flory ang halos nagpalaki sa kanya. Julia's mom is also a deaf-mute.

What's it like to grow up with a father?

"Yung totoo po, mahirap. Pero yun po ang naging way para maging strong ako," naiiyak na sagot niya.

"Nasa bahay rin naman po si Mama, since ano... Pero yung nakakasama ko all the time, yung lola ko, since nag-start ako sa showbiz, sa school, siya talaga. Iba pa rin talaga ang lola ko."

Ayon sa kuwento ni Lola Flory, marami na nga raw silang auditions na pinagdaanan. Minsan ay hindi raw ito natatanggap. Madalas ay nagdyi-jeep lang sila lalo na kung walang pang-taxi ang mag-lola.

Kaya ang tanong ni Toni, ano ang nagpu-push kay Julia noon na magtuloy-tuloy pa rin sa showbiz?

"Nagpi-pray lang ako kay God every time na may VTR. Sabi ko, Lord, kung para sa akin 'to, tatanggapin ko, malaking tulong sa akin kahit magkano lang ang matatanggap ko for that project. Siyempre lola ko lang ang nagtataguyod sa akin. Kung makukuha ko, malaking tulong para sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Toni, nakaka-relate siya sa kuwento or experiences ng young actress dahil sa ganoong paraan din daw siya nagsimula. On the other hand, nasabi rin ng lola ni Julia na dati raw, nagkakanda-utang-utang sila.

Bakit?

Ayon naman kay Julia, "Kasi po siyempre, sinasamahan niya akong mag-VTR. Siyempre po, kapit sa patalim, wala naman pong kasiguraduhan kung makukuha ako. Wala pong nagbabantay sa parlor. May maliit po kaming parlor. So, kapag sinasamahan niya ko, wala talagang kita. Nagkakanda-utang-utang kami para mag-try talagang mag-audition."

Noong nagsimula nang makilala at sumikat si Julia, ilang lalaki naman ang naiugnay sa kanya. Una na rito si Sam Concepcion.

Pero ayon kay Julia, "Friends po talaga kami ni Sam since Shout-Out. Doon po talaga nabuo ang bonding namin. Kasi before, nagkikita naman po sa ASAP, nagkaka-pareho ng prod."

Nanligaw ba si Sam?

"Ay, hindi po."

Idinaan naman ni Toni sa biro ang pagkakalink ni Julia kay Sam Milby. Sixteen years old pa lang si Julia pero bakit daw ito na-link kay Sam? Ayon pa kay Toni, ka-age raw niya si Sam Milby na 27 na.

Natatawang sagot naman ni Julia, "Yun nga po, kaya nga po nagugulat ako. Kasi, si Sam po, nandoon na siya. Tapos ako, nandito. Parang oh!"

Hirit ni Toni, may feeling daw siyang nagte-text si Sam kay Julia?

"Hindi po."

E, bakit sila na-link?

"Yun nga po ang nakakagulat. Kasi, nakikita ko lang po siya sa ASAP. Kapag dumadaan siya, naghe-hello lang, nagbibigay-pugay, pero, wala naman po talaga."

May balita naman na two months na raw sila ni Enchong Dee?

"Hindi po. Friends kami."

Hirit naman ni Toni, hindi na raw basta pinapaniwalaan ngayon kapag sinasabing friends sa showbiz. Meron na raw mga labels na exclusively dating, exclusively tweeting, exclusively texting. Ano raw status nila ni Enchong?

Natatawang sagot naman ni Julia, "Kasi, hindi ko po masasabi na nagte-text po kami. Ni text or tawag, wala po. Yung Shout-Out po talaga, friends lang po talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanligaw ba sa kanya?

"Hindi po, wala po talaga."

Kung manligaw si Enchong sa kanya, may pag-asa kaya?

"Guwapo naman po talaga si Enchong, pero, ayoko muna pong magsalita. Kasi, work muna po talaga ako ngayon. Sayang naman po ang mga opportunity na ibinibigay sa akin, ayoko naman pong sayangin."

So, wala talagang chance si Enchong?

"Mahirap pong magsalita ng tapos, pero, work muna po, work."

Silang dalawa naman daw ni Kathryn Bernardo, Goin' Bulili pa lang ay magkaibigan na sila, hanggang mag-bida nga sila sa Mara Clara. Madalas daw ay pareho ang outfits nila.

Ayon kay Julia, pareho sila ng taste.

"Kapag nagsa-shopping, pareho kami ng tinitingnan. Minsan magkatinginan lang kami, alam na namin na yun ang gusto namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN