Sarah Geronimo says rivalry with Angeline Quinto is "inevitable"; hopes collaboration with Charice pushes through

IMAGE 0


"Lagi namang may ganun na pinagko-compare. Pero ang importante ay name-maintain namin yung friendship namin. At saka professional lang yung bawat isa. Kumbaga, hindi naman tayo nandito sa business na ito para i-outshine ang bawat isa, e. Nagtutulungan tayo dito para mabigyan ng magandang entertainment ang mga tao," says Sarah Geronimo about showbiz rivalries.


Aware si Sarah Geronimo sa pag-usbong ng isyu ng rivalry sa pagitan nila ng Star Power champion na si Angeline Quinto.

May mga nagsasabi kasing si Angeline ang pumalit kay Rachelle Ann Go bilang ka-showdown niya sa ASAP Rocks nang lumipat ang huli sa kalabang programa na Party Pilipinas.

Isa raw sa isyu sa kanila ni Angeline ay may kaugnayan sa pagpili ng kanta nila sa ASAP. Gaano ito katotoo?

"Hindi naman," tanggi ni Sarah.

"May isang beses lang na parang nagsabi ako sa ASAP.

"Nag-open up ako na parang hindi po ako kumportable, na parang laging may showdown kami ni Angeline at nagbibiritan kami.

"Kasi ako, I admit naman po yung limitations ko naman as a singer. Hindi naman po talaga ako biritera.

"Kumbaga, ito kasi yung gusto nating mga Pinoy, e—yung birit nang birit.

"Kumbaga, naano lang ako...kailangan lang talaga, e.

"So, yun nga, I'm so blessed and grateful sa ASAP family ko kasi nabibigyan nila ako ng chance na gawin kung ano talaga yung genre ko, kung saan talaga ako kumportable.

"Yung sa 'SOS' (segment ni Sarah sa ASAP), nagagawa kong mag-sing and dance.

"Hindi po talaga ako biritera," diin ni Sarah.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Sarah sa shoot ng bagong TV commercial niya for Belo Essentials kahapon, May 25, sa ProVill Studio sa Saint Paul Road, San Antonio Village, Makati City.

Kasama niya sa naturang TVC shoot si Angeline at ang isa pang Star Power finalist na si Akiko Solon.

Ano ang feeling na magkasama sila ni Angeline sa commercial?

"Happy na magkasama kami, hindi lang sa Kapamilya station kundi sa Belo family din," sagot niya.

CLOSE FRIENDS. Nakikiusap nga si Sarah na sana ay huwag na raw silang intrigahin ni Angeline.

Magkaibigan na raw silang dalawa bago pa sila sumali at naging magkalaban sa Star For A Night, kung saan naging champion si Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, bago pa Star For A Night. Schoolmates kami noon sa Dominican [College].

"So, matagal na talaga kaming magkakilala ni Angeline.

"Pero dahil sobrang busy, hindi pa kami nagkakaroon ng time...na magkaroon ng bonding time together.

"Pero nagkakausap naman kami minsan. Nagkukumustahan sa text."

Ayon kay Angeline, isa raw si Sarah sa mga nagpa-feel sa kanya na welcome siya sa ASAP Rocks.

Ano ang masasabi ni Sarah dito?

"Oo, mahal ko yun. Mahal namin si Angeline," sabi ng Pop Princess.

"Noong unang beses nga na nagkita kami ulit after a long time...huling kita pa namin yung Star For A Night.

"Nagkita kami ulit sa ASAP, so yun, ang saya lang nung pakiramdam na nagre-reunite.

"Tapos, nanalo siya. Parang kumbaga, kanya-kanya kaming time, e.

"Yung mga nasa batch namin sa Star For A Night, kami nina Mark [Bautista], si Ate Mau Marcelo ng Philippine Idol..."

Nalulungkot ba siya na sila ang pinagsasabong ngayon ni Angeline?

"Hindi naman sad. Pero parang inevitable na, e.

"Lagi namang may ganun na pinagko-compare.

"Pero ang importante ay name-maintain namin yung friendship namin. At saka professional lang yung bawat isa.

"Kumbaga, hindi naman tayo nandito sa business na ito para i-outshine ang bawat isa, e.

"Nagtutulungan tayo dito para mabigyan ng magandang entertainment ang mga tao," saad ni Sarah.

Sabi naman ni Angeline, hindi na niya pinapansin ang pagsasabong sa kanila ni Sarah.

Malaki raw kasi ang respeto niya kay Sarah, lalo na't isa pa raw ang Pop Princess sa nagbibigay ng advice sa kanya.

Ano na bang mga advice ang naibigay ni Sarah kay Angeline?

Ani Sarah, "Ang sinasabi ko lang sa kanya lagi, wala namang masamang magtrabaho, as in hard work talaga.

"Pero napakaimportante lang na alagaan niya yung health niya, lalung-lalo na yung boses niya.

"Siyempre ako, nung nag-uumpisa ako, talagang sagad, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya medyo na-sacrifice din yung boses ko. Na-compromise din. Na-damage din ng konti.

"So, importante talaga yung health niya. Para magtagal pa siya sa business na ito."

Tama ba na isa raw sa naging advice niya kay Angeline ay huwag munang mag-boyfriend?

"Ha? Meron bang ganun? Ha?" sabay tawa ni Sarah.

"Hindi, wala naman ako sa posisyon na mag-advice kay Angeline ng ganun.

"May sariling pag-iisip 'yan, may sariling puso 'yan.

"Bakit natin siya a-advise-an ng ganun? Siyempre, malaki na rin naman siya, e, di ba?"

CHARICE. Kinumusta rin ng PEP kay Sarah ang napabalitang collaboration nila ni Charice.

"Yun naman po ay nasa planning stage pa lang," sabi niya.

"I'm hoping na matuloy talaga.

"Kasi siyempre, international pop sensation kasi si Charice and it will be an honor to have a collaboration with her."

Ano ba ang balak nilang pagsamahan—concert ba o album o isang kanta lang?

"Parang single yata ang gagawin. Sana, sana matuloy."

Para ba sa album niya 'yon o sa album ni Charice?

"Yun po ang inaayos pa. Depende po sa both sides kung saan mag-a-agree."

Ano ang feeling niya sa collaboration na ito?

"Siyempre excited po and looking forward sa collaboration na yun.

"Maganda yun. Sana nga, sana talaga matuloy," asam ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN