Angeline Quinto defends Sarah Geronimo's decision not to appear together in a production number: "Si Sarah, hindi ko nakikita na insecure siya. Sobrang natutuwa pa nga yung tao kung nasaan ako ngayon."

IMAGE 0


Angeline Quinto on being compared to Regine Velasquez: "Idol ko talaga si Ms. Regine... pero pinipilit kong gumawa ng sarili kong style."


Lumikha ng kontrobersiya ang naging tapat na sagot ni Sarah Geronimo na ayaw na niya munang magkasama sila ni Angeline Quinto sa isang production number sa ASAP XV dahil na rin sa pagkukumpara na ginagawa sa kanila ng Star Power Grand Winner.

Kasabay nito ang paglabas ng mga balita na na-i-insecure at mukhang may malalim na kumpetisyon daw sa pagitan nila Sarah at Angeli.

When PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) interviewed Angeli last Sunday on ASAP XV, aminado naman ang singer na nanghihinayang siya na di muna sila magkakakasama sa isang production number ng Pop Princess pero naiintindihan din naman niya ang pinupunto ni Sarah. Dinepensahan niya rin si Sarah sa patuloy na intriga na insecure daw sa kanya ang singer/actress.

"Ako talaga, hindi ko iniisip na kalaban ko si Sarah Geronimo, siyempre nag-umpisa ako Sarah Geronimo na 'yan saka alam naman nila na ini-idolo ko si Sarah.

"Kung nakakahinayang, hindi naman masyado pero naiintindihan ko ang side ni Sarah kasi kahit ako mas okay na sa akin yung magkasama kami sa ASAP na hindi kami pinagsyu-showdown para wala nang issues," ang sabi ni Angeli.

"Si Sarah, hindi ko nakikita sa kanya na insecure siya. Sobrang natutuwa pa nga yung tao kung nasaan ako ngayon. Okay si Sarah at sobrang supportive niya sa akin," dagdag pa niya.

Hindi rin itinago sa amin ni Angeline na kahit aprubado siya sa idea na hindi muna sila magsama sa isang production number ng Pop Princess, nandun pa rin ang kagustuhan niyang magkasama sila.

"Nagkasama na kami sa production number dati pero yun ang una at feeling ko huli nang pagsyu-showdown sa amin. Oo naman, gusto ko, kapag halimbawa, kanta niya kasi gusto ko rin yung mga kanta niya.

"Yung mga nakaraan, mayroon din kaming pinagsamahang production sa ASAP, launching ng album niya. Okay naman, sobrang ganda ng kanta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Klinaro din sa amin ni Angeline na magkaibigan sila ni Sarah at bukas ang komunikasyon sa kanilang dalawa. Hindi nga lang nila pinag-usapan pa ang pagsasabong na ginagawa sa kanila ng ibang tao.

"Magkaibigan kami ngayon talaga. Nung nagsimula akong pumasok sa ASAP, nagkaka-text kami. Ayoko nang pag-usapan pa yun, wala kaming pag-uusap na ganyan.

"Basta lagi lang kaming nagkukuwentuhan kung saan ka galing, anong ginawa mo ngayong araw. Ganun lang tapos good luck lagi."

Matagal nang issue ang malaking pagkakahawig raw nito kay Regine Velasquez kung saan naparatangan pa nga si Angeline na sinasadyang ginagaya raw talaga niya ang Asia's Songbird.

Dahil ba sa sinasabing ito ay naisip na niyang may baguhin sa kanya para sabihing di siya nanggagaya?

"Wala akong balak na ipabago sa itsura ko pero pinipilit ko talagang baguhin sa ngayon ay yung pagkanta ko ng medyo nakakunot ang noo. Bata pa lang ako ganun na ko kumanta, e, ngayon parang mas nabigyan pa ng issue na mas nagiging kamukha ko si Ms. Regine, e, pareho lang sigurong malungkot ang mga mata namin.

"Idol ko talaga si Ms. Regine pero gaya ng sinabi ko, mas gusto kong makilala ng tao bilang Angeline Quinto pero alam nila na idol ko si Ms. Regine pero pinipilit kong gumawa ng sarili kong style. Sinasabi nila na kamukha ko, wala tayong magagawa diyan."

Natanong din namin kay Angeline yung isang artista daw na nang-isnab sa kanya.

"Binully siguro, hindi ako feel ng tao pero okay naman sa akin yun. Hindi ko naman ugali na magtanim ng galit, kahit sa pamilya ko, hindi ko ginawa yun. Palabati naman ako sa mga tao kahit di ko kilala, nasa kanya na lang yun kung babatiin niya ako."

Mawawala ng bansa si Angeline dahil may US tour siya kasama ang Megastar na si Ms. Sharon Cuneta. Si Mega pa raw ang nagdesisyon na isama sa shows niya si Angeline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This June na 'yan. First time ko sa ibang bansa kaya thank you talaga kay Ma'am Sharon kasi isasama niya ako sa U.S. tour niya, six shows siya bale.

"Excited ako, sobrang natatakot din sa biyahe kasi malayo siya, e. Ang pinakamalayo ko lang na napuntahan ay Davao.

"Sobrang excited ako kasi pangarap ko talaga na makapunta ng America. Kasama ko pa ang Megastar. Magbebenta talaga ako ng CDs dun para dollars ang kikitain ko!" ang pagbibirong sabi ni Angeline.

"Nung una kong nalaman na ininvite ako ni Ma'am Sharon sa U.S. tour niya, parang sobrang naiyak ako sa sobrang tuwa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN