Angeline Quinto denies using Sarah Geronimo; answers all intrigues

IMAGE 0


Barely four months after winning ABS-CBN's Star Power, Angeline Quinto has now become a favorite subject of intrigue and gossip. But the young singer just shrugs it off as part of being a celebrity.


Ang singer na si Angeline Quinto ang guest kahapon, June 5, ni Toni Gonzaga sa segment nito sa The Buzz na "Toni Gonzaga Intriga Statement."

Si Angeline ang sinasabing susunod o pilit na itinatapat kay Sarah Geronimo.

Hirit nga ni Toni, na-confuse daw siya dahil inisip niyang sina Angeline at Sarah ang iinterbyuhin niya dahil kalahati ng VTR kay Angeline ay tungkol kay Sarah.

Ayon kay Toni, may kasabihan na kapag hitik sa bunga ang isang puno, ay madalas ay binabato. At ito nga ang nangyayari ngayon sa Star Power winner.

Nasasanay na ba si Angeline sa mga intriga sa kanya?

"Sa ngayon po, medyo nasasanay na rin po ako kaya medyo nagugulat na rin po ako sa mga naririnig ko po," nakangiting tugon naman ng singer.

Pagkatapos nito ay sinagot na ni Angeline ang Intriga Statements sa kanya.

First Intriga Statement: "Si Angeline Quinto, ginagamit si Sarah para sumikat."

"Hala! Hindi naman ako sikat, a!" ang natatawang reaksiyon ni Angeline.

"Sikat ka na," sagot naman ni Toni.

Saka ito tinanong kung ano ba ang batayan ni Angeline ng pagiging sikat.

"Parang ikaw," sabi naman ng baguhang singer.

Tungkol naman sa statement, ayon kay Angeline, "Hindi ko naman po ginagamit si Sarah.

"Siyempre, talagang ginagawa ko naman po lahat ng makakaya ko para makilala ng tao."

Ayon naman kay Toni, nagtataka nga raw siya kung bakit si Angeline ay kinukumpara kay Sarah gayong noong mapanood daw niya itong mag-perform, ang pagbirit at nuances niya ay mas kahawig kay Regine Velasquez.

Kaya ang tanong niya, may conscious effort ba si Angeline na gayahin si Regine?

"Hindi ko naman po sinasadya yun," sagot ni Angeline.

"Siguro lang po, idol ko lang po talaga si Ms. Regine, bata pa lang po ako."

Yung kay Sarah, hindi totoo?

"Hindi po talaga. At saka, hindi naman po ako nanggagamit ng kahit na sino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Second Intriga Statement: "Angeline Quinto alagang-alaga ng Dos. Sarah Geronimo, insecure."

"Hindi naman," sambit ni Angeline.

"Sobrang okay naman po kami ni Sarah talaga.

"Kung tutuusin nga po, minsan, nagkaka-text kami kahit hanggang madaling-araw."

Twenty-one years old pa lang si Angeline kaya sila siguro ni Sarah ang pinagtatapat.

Dugtong pa niya, "At saka kasi, di ba, nagkasama na rin kami noong bata pa kami sa Star For A Night?"

Ang tinutukoy ni Angeline ay ang talent search ng Viva Entertainment noon sa IBC-13 kung saan nanalo si Sarah at finalist naman siya.

Ayon kay Toni, si Sarah naman kahit noon, ay parang wala sa attitude nito ang competition. Nakikita pa nga raw niya ang dalawa sa ASAP na nagtutulungan sa isa't isa.

Pero totoo ba yung sinabi ni Sarah na ayaw muna nito na pagsabayin sila ni Angeline sa isang production number?

"Opo," pagkumpirma ni Angeline.

Dahil ba sa mga fans?

"Hindi naman po," sagot niya.

"I think po, ilang beses na rin po kaming nagsama sa mga production number po.

"Sa mga fans po, yun din po ang una niyang sinasabi sa akin."

Okay lang ba sa kanya yun?

"Okay lang din po para wala na lang din pong masyadong intriga," sabi ni Angeline.

Wala sila iringan?

"Wala po, sobrang wala po. At sobrang bait po ni Sarah."

Third Intriga Statement. "Jericho Rosales and Angeline Quinto, nagkapikunan sa ASAP Rocks Cebu."

Totoo ba yun?

"Hindi po, pero may naririnig nga po akong ganyan.

"Hindi naman po totoo 'yan. Kasi yung sa ASAP Rocks Cebu po..."

Si Toni, na kasama rin sa ASAP Rocks, ang nagkuwento kung paano nagsimula ang isyu.

Diumano, dahil si Angeline ang kumanta ng theme song ng Green Rose sa ASAP Rocks Cebu, yung kay Jericho ang ginamit na version. May nakakita raw na nag-react si Angeline at hindi raw niya ito nagustuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po totoo yun," tanggi ni Angeline.

"Si Kuya Jericho naman po talaga ang kumanta no'n. Ang gulo, di po ba?

"Pero sa ASAP Rocks Cebu, sabay-sabay kami nila Sir Gary [Valenciano].

"Nagkamali lang ng pasok si Kuya Jericho kasi part ko na, kaya sumabay na lang kaming dalawa.

"Pero wala po akong tampo. Walang ganyan."

Hindi sila nagkapikunan?

"Hindi! Wala po talaga."

Fourth Intriga Statement: "Has success gone to Angeline Quinto's head?" na headline sa isang artikulo na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). (CLICK HERE to read related story.)

"Noong kinabit po ang extension ko, humaba ang buhok ko, pero hindi naman lumaki ang ulo ko.

"Batang Maynila ako, e. Charing!" biro niya.

Ano yung naririnig na diva na raw siya at may attitude problem?

"Paanong attitude problem, e, palagi akong tulog," sabi niya.

Hindi ba masama yun lalo na kung kakanta ka, tapos tulog ka?

"Yun po, pero mga ilang minuto po, nagpapagising na po ako sa kasama ko bago kumanta."

Dahil ba sobrang busy ng schedules niya?

"Hindi naman...konti," nakangiti niyang sabi.

Ano nga ba ang nabago sa buhay since she won in Star Power?

"Ngayon po, sobrang daming pagbabago po.

"Totoo po dati, hindi po ako marunong mag-ayos sa sarili ko. Sobrang simple lang akong tao.

"Ngayon, bigla na lang akong papagalitan ng kasama ko, yung RM [road manager] ko po, 'Ano ba 'yang suot mo?'"

Given the chance na mag-acting, gusto niya rin?

"Opo naman."

Sino ang gusto niyang makapareha, si Jericho?

"Opo, isa rin si Kuya Jericho, at saka si Coco Martin po," sagot ni Angeline.

Makakasama si Angeline sa U.S. concert tour ni Sharon Cuneta after her first major concert.

First time daw niyang makakarating sa Amerika. Pinakamalayo na raw niyang napuntahan ay Iloilo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN