Kris Bernal denies she's anorexic, now trying to regain weight

IMAGE 0


Kris Bernal on rumors she has anorexia: "Kasi sinasabi nila anorexic daw ako. Hindi ko naman isinusuka ang kinakain ko."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris Bernal sa GMA-7 Network Center para kumuha ng update tungkol sa bago niyang show sa Kapuso network, ang upcoming danceserye na Time Of My Life.

Dahil maraming dance sequences si Kris sa show, may dance instructor sila sa set.

"Opo, may dance instructor kami. Talagang inaalagaan niya yung bawat galaw namin. Siyempre dapat pulido.

"Tapos siyempre, may mga nanonood din sa aming mga dance teachers, so kailangang maayos at pulido talaga yung galaw.

"Sa set, mero'n kaming dance instructor, tapos may personal trainer din ako para mas tutok sa akin," kuwento ni Kris.

Ang ilan pa sa mga produkto ng StarStruck na kasama sa show ay sina Mark Herras (na kapareha dito ni Kris), at sina LJ Reyes at Ryza Cenon.

"Kami ni LJ kami yung madalas na nagkakabanggaan. Kami yung madalas magka-showdown. Ganun. Si Ryza, best friend ko siya."

Unang primetime show ito ni Kris na hindi si Aljur Abrenica ang kapareha niya.

"Yes! Ay, first ko nga... Tama, kasi sa The Last Prince, si Aljur doon," sabi ni Kris.

May pressure?

"Oo naman, grabe! As in pressured talaga ako, kasi pinangarap ko talagang magkaroon ng primetime, e.

"Tapos ito, hindi lang drama. Although heavy drama din ito, pero may kasamang sayaw. Minsan umiiyak ako, sumasayaw.

"At ito yung first primetime ko na wala si Aljur. Na wala yung loveteam namin at iba ang loveteam ko.

"Kinakabahan ako siyempre. 'Tsaka nung nalaman ko nga na sa akin mapupunta yung show, nag-aral talaga ako ng dancing.

"Kumbaga, nag-training talaga ako. As in halos every day umiiyak talaga ako. Iniiyakan ko talaga.

"Kasi siyempre, ang dami nilang pinapagawa sa aking stunts na kailangan kong matutunan.

"Umiiyak talaga ako sa mga stunts. Kunyari sabihin na nating yung pag-split, na iba-ibang split. Mga tumbling, ganyan. So, pinag-aralan ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, okay lang kasi yung effort naman, nakikita naman nila pag pinapasayaw na ako. Kasi nag-improve naman po talaga.

"Ang hirap talaga. Hindi ko akalain na ganun kabigat yun sa akin. Pero siyempre, tina-try ko talaga yung best ko talaga.

"Alam mo yun? Kahit masakit na yung katawan ko. Araw-araw halos nagte-taping pa kami. Almost every day, kinakaya ko talaga.

"And happy naman ako kasi nakikita naman nila na nag-i-improve talaga ako.

"Kinakarir ko naman talaga ang pagsasayaw. Kahit na sa Party Pilipinas. Kahit alam kong nasa likod lang ako, tinotodo ko na."

GETTING THIN. Napag-usapan din ang tungkol sa biglaan niyang pagpayat.

"Pumayat ako kasi nag-diet talaga ako. Nag-no rice diet ako for two months."

Kahit brown rice ay hindi siya kumakain.

"Wala."

Ano ang pang-substitute niya?

"A, fruits, ulam. Pero ulam puwede, kahit baboy. Ulam puwede talaga. Tapos yun, pero wala akong sakit, hindi ako anorexic.

"Kasi sinasabi nila anorexic daw ako. Hindi ko naman isinusuka ang kinakain ko."

Ngayon daw ay kumakain na ulit si Kris ng kanin.

"Pero siyempre, hindi mo naman makikita agad ang effect nun.

"Na pag kumain ka ng isang buong araw, e, ang taba mo na agad. Hindi naman ganun agad yun, di ba?"

Bakit siya nag-decide magpapayat?

"For danseserye din. Kasi nung wala pa yung danseserye, sa Koreana at Machete, matiyan ako.

"Malaki braso ko. Mapisngi ako. So, sabi ko, siguro para iba naman ang makita ng mga tao.

"Na parang medyo nag-mature din ako. Kasi pag mataba ako, mas bata akong tingnan, e.

"Pag payat ako, mas mature. Ngayon naman, ina-advise sa akin magpataba na daw ako. Ginagawa ko naman.

"Ang labo, di ba? Sabi ko nga sa kanila, baka mamaya pag sinita ninyo ako, ang taba-taba ko, papapayatin ninyo ulit ako. Nakakaloka!" ang natatawang sinabi ni Kris.

FHM. Hindi naman raw preparation for an FHM magazine sexy pictorial ang pagpapayat niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman."

In-offer-an na siya?

"Opo. Nung early June?" banggit niya.

"Sabi ko, tanungin muna nila yung [GMA] Artist Center. So tinanong nila yung Artist Center. Pumayag po yung Artist Centre.

"Tapos nung parents ko na, hindi na po pumayag. Ayaw po.

"Ako din naman, kung ano ang desisyon ng parents ko, doon ako."

Bakit siya mismo ay ayaw niya?

"Ayoko. Feeling ko hindi pa ito yung time, e. May oras dun, e.

"Kasi ngayon, kumbaga, sa danseserye nga, yung role ko hindi rin naman sexy.

"'Tsaka maganda yung nakikita lang nila akong sexy sa Party Pilipinas. Yung paminsan-minsan lang. Ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN