Will Devaughn says the new design of his tattoo symbolizes the "new beginning" in his life

IMAGE 0


"It added another character to the panther na instead of just being the animal itself, parang it's a new beginning for something new also. So, since I had a new beginning, I added that to my panther," says Will.


Noong Sabado, Agosto 27, dumalo ang aktor na si Will Devaughn sa Dutdutan Philippine Tattoo Expo sa World Trade Center, Pasay City.

Meron nang tattoo si Will na nasa kanyang kanang braso, na may desenyong panther.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Will noong Martes, Setyembre 6, sa isang coffee shop sa Ayala, Makati City ay naikuwento niya kung bakit panther ang design ng kanyang tattoo.

"Nakita ko 'yan sa magazine," saad niya.

"Sabi ko, ang angas naman, parang astig, parang lalaki talaga, so yun.

"I asked my mom, sabi ko mom can I get a tattoo? I was seventeen and my mom said, 'Yeah, why not, go ahead.'

"Una, totoo ba? E, seventeen years old ako tapos pumayag, so yun.

"And, believe it or not, years and years and years and years and years later, I got this one."

Gayunman, hindi naman daw big fan ng tattoos si Will.

"It's everything in moderation, even tattoos.

"'Pag yung buong katawan or buong braso medyo... I mean depende naman sa tao, pero ako, keep it simple."

SYMBOL OF "BIG CHANGE." Sa naturang tattoo expo ay pinagdagdagan ni Will ng Krus ang panther-tattoo niya.

Kaya naman ang kinalabasan nito, tila nakayakap ang panther sa naturang Krus.

"Tattoo is an art, additional lang na bead to what's already there," wika niya.

Pero, ang pinaka dahilan daw niya sa pagpapalagay ng naturang Krus, ay upang maging tanda ng "new beginning" sa kanyang buhay.

"It added another character to the panther na instead of just being the animal itself, parang it's a new beginning for something new also.

"So, since I had a new beginning, I added that to my panther."

At nang tanungin kung anong "new beginning" ba ito sa kanyang buhay, nakangiting sumagot si Will na, "I was born again, being Born Again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN