MTRCB Chair Mary Grace Poe-Llamanzares says dad FPJ was cheated in the 2004 presidential elections but she will fight for democracy more than for that issue alone

IMAGE 0


The MTRCB Chair describes her father Fernando Poe Jr. as a man of principle both in real life and in his movies: "Unang-una, gustung-gusto niya ang pagtatamo ng hustisya. Ang pagwawagi ng mabuti sa masama. Ang pagkakaroon ng prinsipyo. Ang pagmamahal sa bayan. Ang pagiging magiting at ang pagiging matulungin sa kapwa. "'Yun ang ilan sa mga bagay-bagay na lumalaro [at nagiging sangkap] talaga ng kanyang mga pelikula."


Memorable occasion ang invitational gala opening night ng Ronwaldo Reyes Retrospective, kagabi, July 18, sa Tanghalang Manuel Conde (Dream Theater) ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ang National Artist na si Fernando Poe Jr., bilang direktor Ronwaldo Reyes, ang honoree ng nasabing tribute, na isinasagawa kaugnay ng ongoing Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, sa CCP.

Bilang natatanging okasyon para sa yumaong aktor at direktor, dumalo sa pagbubukas ng retrospective series ang 1960's movie queen, Susan Roces at ang kanyang unica hija, Ms. Mary Grace Poe Llamanzares, kasalukuyang Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at iba pang taga-media, si Mary Grace, pagkatapos ng formal opening ceremonies at screening ng opening film, ang Matimbang Ang Dugo Sa Tubig (1967) na pinagbidahan ng magkapatid na FPJ at Andy Poe (siya ang may totoong pangalang Fernando Poe Jr.).

Sa nasabing panayam ay naipahayag ng pinuno ng MTRCB ang naging ambag ng kanyang yumaong amang aktor at direktor-prodyuser sa mga naunang pagpapasulong ng "indie" o independent cinema sa industriya ng pelikulang Pilipino.

FPJ was considered an indie producer-filmmaker at the time of the Big Studios (Sampaguita Pictures, Premiere Productions, LVN Pictures, among others), in the 1960's. O, hanggang sa pagsapit ng bagong milenyo (2000's) no'ng ginawa niya ang mga huling pelikula ng FPJ Productions, tulad ng Alamat ng Lawin noong 2002 at Pakners, kasama ang Billiard King, Efren "Bata" Reyes, in 2003.

Hanggang sa huling sandali, may pagnanais si FPJ na maisulong ang pelikulang Pilipino, sa pamamagitan ng pelikulang ayon sa nais niyang pagtalakay at tema.

"Kaya siguro mensahe rin ito sa mga batang film makers ngayon, na gumagawa ng pelikula. Na huwag silang mawawalan ng lakas ng loob.

"Dapat ipagpatuloy nila kung ano ang kanilang mga pangarap, at buhayin pa nila ang pelikulang Pilipino," sabi ni Mary Grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Cinemalaya Retrospective ay ilang interesanteng pelikula ni FPJ, bilang aktor at direktor, ang mapapanood ng publiko hanggang July 23, 2011.

Kabilang dito, bukod sa nasabing opening film, ang mga sumusunod: Ang Panday (1980), San Bernardo (1966), Baril Sa Aking Kamay (1966), Tatlong Hari (1968), Alupihang Dagat (1975), Ang Padrino (1984), Isang Bala Ka Lang (1983), at ang closing film na Langit At Lupa (1967), kung saan leading lady ni FPJ si Susan Roces.

Sa kalipunan ng mga pelikula ni FPJ, sabi rin ni Mary Grace, ay mapupulot ang mga aral at kahalagahan na nais ibahagi ng yumaong National Artist sa kanyang movie going public.

"Unang-una, gustung-gusto niya ang pagtatamo ng hustisya. Ang pagwawagi ng mabuti sa masama. Ang pagkakaroon ng prinsipyo. Ang pagmamahal sa bayan. Ang pagiging magiting at ang pagiging matulungin sa kapwa.

"'Yun ang ilan sa mga bagay-bagay na lumalaro [at nagiging sangkap] talaga ng kanyang mga pelikula."

REAL-LIFE JUSTICE? Ugnay sa kahalagahan ng pagkakamit ng hustisya, nauungkat muli sa kasalukuyan ang nangyaring election fraud noong 2004, na kung saa'y sinasabing natalo sa kanyang kandidatura bilang Presidente si FPJ.

Nababanggit ang nasabing dayaan diumano, dahil sa nangyaring Ampatuan massacre sa Maguindanao, na ang dinirinig na kaso sa korte ay nagdidiin sa mga pangalang sangkot din daw sa magulong halalan noong 2004.

"Actually, ganito 'yon, e. Hindi naman natin sinasadyang hanapin ito," sabi ni Mary Grace. "Pero huwag nating kalilimutan na nangyari talaga ang Maguindanao massacre.

"At hindi natin dapat kalimutan 'yon; na bigyan ng hustisya ang mga naging biktima diyan.

"Ngayon, naging 'bonus' nga, na sinasabi na nila 'yung katotohanan tungkol sa [election fraud ng] 2004.

"At kaya naman naging 'brazen', o lumakas masyado ang loob ng mga 'yan, dahil nga sila ang ginamit para mandaya nung 2004.

"Kaya nga naging 'ganyan na sila kayabang'. Hanggang sa nangyari na nga yung Maguindanao massacre," sabi pa ni Mary Grace, na maingat sa pagbanggit ng mga pangalang sangkot, sa nililitis na kaso, at sa sinasabing "mga sangkot sa dayaan sa 2004 national elections".

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maglalakas-loob ba sila [na magbulgar] kung hindi sila pinagkakautangan ng loob nung mga nakaupo sa puwesto noon?"

May nais bang gawing hakbang si Ms. Mary Grace at ang pamilya nila, ugnay sa lumitaw na katotohanan, sa puntong ito?

"Alam mo, hindi na natin siguro mahahanap lahat ng ebidensiya dahil ang iba'y sinunog na nila. At yung iba'y ninakaw na nila.

"Hindi ko na pinapangarap na sabihin nila, 'Si FPJ [ang] nanalo!' Sa puso ko, siya ang nanalo. Sa puso ng marami, siya ang nanalo.

"Pero, ang gusto ko ay hustisya kung sino man ang mga nagkamit ng pagkakasala. Dahil nga, kung hindi natin sila hahatulan, maglalakas-loob na naman ang mga 'yan na gawin muli [ang krimen].

"Tingnan mo, kung natapos na 'yan noong 2005, hindi na sana mangyayari ang 2007, di ba?" pag-analisa pa rin ni Mary Grace.

"So, masuwerte na lang talaga tayo ngayon, na ang presidente natin ay may tunay na mandato," wika pa ng MTRCB Chair, tungkol kay Pangulong Noynoy Aquino, na nag-appoint sa kanya sa kasalukuyang posisyon

Otherwise, sabi rin ni Mary Grace, "Papa'no kung hindi natin aayusin [ang sistema ng halalan], balang araw, uulit na naman ang 2004. Kawawa naman tayo."

HOT SEAT. Kumbaga sa imbestigasyon, si Mary Grace pa ang nalagay sa tila "hot seat" sa isang punto ng panayam, nang tanungin siya point blank kung sino ang kanyang tinutukoy sa mga ipinahayag. But, politely, she answered the question very carefully.

"Sino ba ang sinabi nila na nag-utos sa kanila?" aniya, ayon din sa mga kasalukuyang pag-uulat.

"Sila na mismo. Nanggaling na sa bibig nila, na sinabi ng mga Ampatuan na mismong yung taong 'yun' ang nag-utos sa kanila, sa pamamagitan din ng 'asawa ng taong 'yun'.

"I mean, lahat 'yan, sana lumabas na sa korte. Sana ay mapag-ukulan na ng pagkakataon.

"Hindi po natin gustong sabihin na paatras tayo. Hindi tayo susulong kung hindi natin aayusin ang hustisya. At kung hindi natin bibigyan ng hustisya ang mga nangyari nung nakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, para sa iba na nagsasabing, 'Ano ba 'yan? Kalimutan na 'yan! Wala na si FPJ, patay na, wala nang mangyayari!'

"Hindi naman nating ginagawa ito para [lang sa alaala ni] FPJ. Ginagawa natin ito, higit sa lahat, para protektahan ang demokrasya natin.

"Para bigyan ng importansiya ang sagradong boto ng bawat Pilipino."

PLANS. Sa kabila ng mga nangyari noong 2004 at ayon din sa naiulat na posible niyang pagtakbo sa Kongreso, mayroon pa rin ba siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksiyon ng 2016?

"Alam mo, ngayon, masaya ako sa pagkakataon na ibinigay sa akin ng ating Pangulo, Dahil nasa showbiz pa rin ang mundo,di ba?

"Iba ang Ratings-Classification Board. Kasi kahit papa'no, natutulungan natin ang industriya.

"At ito ang industriya na minahal ng aking ama, na nagtaguyod sa akin," pangwakas na sambit ni Ms. Mary Grace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN