Lovi Poe gives vague answer to real status of relationship with Ronald Singson; insists Richard Gutierrez is just a "good friend"

IMAGE 0


"Ngayon kasi, now that I'm 22, I'm living my life. I haven't made any decision. I may be meeting other people and exploring a lot, but it doesn't mean na I've decided things that I wanna do in my life," says Lovi Poe.


Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ilocos Governor Chavit Singson sa binyag ng anak ni Direk Mike Tuviera nung nakaraang linggo.

Sinabi nitong nakatakda na raw lumabas ng kulungan ang kanyang anak na si Ronald Singson sa January 14, 2012.

Kasalukuyang nakakulong si Ronald sa Hong Kong dahil sa kasong illegal possession of drugs. (CLICK HERE to read related story.)

"Pero puwede pang mapaaga yun kasi maganda naman ang record niya dun. Sana mapaaga pa," dagdag na pahayag ni Gov. Chavit.

Regular nga raw nilang nadadalaw si Ronald sa kulungan, pero limitado lang ito dahil dalawang beses sa loob ng isang buwan lang daw puwedeng dalawin ang anak.

Tinanong ng PEP si Gov. Chavit kung nakadalaw din ba minsan ang aktres na si Lovi Poe, na sinasabing ex-girlfriend diumano ni Ronald.

"Oo naman," kaswal nitong sagot sa amin.

"THIS IS REALITY." Sa presscon ng My Neighbor's Wife kagabi, August 22, tinanong ng PEP kay Lovi kung totoong nakadalaw na siya kay Ronald habang nakapiit ito sa kulungan sa Hong Kong.

"You know, it's been so long. I've been very busy but then, wala pang time ngayon," sagot niya.

"Of course, I'm still here to show my support to him and his family. Hindi naman mawawala yun, e.

"Nandun pa rin yung respeto, andun yung respeto ko sa kanila."

Sinundan namin ito ng tanong kung sila pa rin ba ni Ronald, dahil base sa mga sagot ni Gov. Chavit, mukhang wala namang breakup na nangyari at patuloy pa rin ang kanilang relasyon.

"You know what, so many months na nagdaan, so many things na nangyari.

"Whatever it is, hindi ka puwede makapagsalita nang diretso... na straight na sagot about these things because...

"Ano naman 'to, e, this is reality. Parang fairy tale wherein you can answer straight to the point on how you really feel about it," medyo malabo niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RICHARD GUTIERREZ. Nakadagdag pa sa isyu ang pagkaka-link ni Lovi kay Richard Gutierrez.

Ang nakarating na kuwento sa PEP, medyo nagtatampo raw ang pamilya ni Ronald kay Lovi dahil dito.

Mariin namang itinatanggi ito ni Lovi.

"Si Richard, nagkasama kami sa [Captain] Barbell and he's a good friend of mine. Yun lang naman ang masasabi ko.

"Isa yun sa mga lalaking masasabi ko na totoong tao na talagang mabait.

"Isa siyang tunay na kaibigan, yun lang ang masasabi ko," sabi niya.

Sa pagkakaalam ni Lovi, hindi ito isyu sa kanila ni Ronald dahil wala naman daw talagang namamagitan sa kanila ni Richard.

"You know what? With me and Richard naman, and with Ron, first of all, I never let anyone naman interfere with my personal life.

"Wala. There's no problem with me and Richard and with Ron.

"He [Richard] was really a good friend talaga. Yun lang talaga ang masasabi ko kay Chard, [he] never took advantage of the situation.

"We're good friends. It's really nice to see guy who's like that na parang na nakikita mo ang respeto ng isang tao," sabi nito.

Mas naka-focus daw siya ngayon sa trabaho at sa kanyang career. Dahil sa dami raw ng pinagdaanan niya, mabuting i-enjoy na niya ngayon ang kanyang buhay na wala munang karelasyon.

"Ngayon kasi, now that I'm 22, I'm living my life," sabi ni Lovi.

"I haven't made any decision. I may be meeting other people and exploring a lot, but it doesn't mean na I've decided things that I wanna do in my life.

"Kumbaga, napagdaanan ko na yung mga ano... Naisip ko after a while, napakabata ko pala para mapagdaanan ko ang mga bagay na yun.

"But then, so ngayon, sarili ko muna ang iisipin ko," pahayag ni Lovi, na medyo nangangapa pa kung ano ang gusto niyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN