Heart Evangelista and Daniel Matsunaga back from their "happy but stressful" vacation in Brazil; Heart wants "to fix" issue with Marian Rivera

IMAGE 0


"Of course, I'm supporting Heart all the way kasi I know the person she is, and we know that God knows and sees everything. So we really just [have to] wait for the right time," says Daniel Matsunaga about the issues involving girlfriend Heart Evangelista.


Dumating na ang magkasintahang Daniel Matsunaga at Heart Evangelista mula sa ilang linggong bakasyon nila sa Brazil.

Namataan sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) sa taping ng Mind Master kahapon, July 13.

Masayang-masayang ikinuwento ng magkasintahan ang kanilang bakasyon sa Brazil kasama ang pamilya ni Daniel.

Medyo tumaba nga raw si Heart dahil wala raw silang ginawa roon kundi ang kumain at magpasyal.

Kuwento ni Heart, "Every day, wala kaming ginawa kundi kumain ng lahat."

Singit naman ni Daniel, "Ang nanay ko, magluto para sa amin."

Dagdag ni Heart, "At never-ending cake na niluluto ng mom niya araw-araw. Pagkagising mo, meron na siya agad cake... para siyang pandesal na keso."

Tuwang-tuwa rin daw ang lolo ni Daniel nang makita si Heart. Kaya lang, medyo nahirapan lang daw sila sa komunikasyon dahil hindi raw talaga ito marunong magsalita ng English kaya kahit papaano'y natuto rin si Heart ng Portuguese.

"Sobrang bait talaga! "Sobrang inalagaan nila ako," sambit ni Heart.

"First time ko kasing nag-travel talagang mag-isa lang ako, without my mom [Cecile Ongpauco].

"So, parang nandun na rin ang mommy ko kasi every day, may pagkain ako.

"Tapos, kasi nalalagas ang buhok ko lately... So, yeah, falling hair ako lately.

"So, lahat ng treatment, lahat ng shampoo, lahat ng klaseng pagkain na I think for fuller hair, binigay niya sa akin—vitamins...

"So, sobrang mabait niya talaga."

Dagdag naman ni Daniel, "They love Heart like the person she is.

"They were helping her with Portuguese and then everything she needed, like she is really love by my family, like lahat—kaibigan ko, my father...

"So, they all try to do everything to make her happy, like to bring her around, wake up every morning so early.

"Like, 'Ano Heart, anong gusto mo?' My Mom, like 'Anong pagkaing gusto mo?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Just to make her really happy in this traveling kasi she really needed, and me too," patuloy ng Brapanese model-actor.

Hindi na nga raw sila nakarating ng Rio de Janeiro dahil nag-e-enjoy na raw si Heart sa pag-iikot sa Sao Paulo.

Ang pinakagusto raw puntahan ni Heart ay ang farm doon nina Daniel, kung saan doon daw sila nagpi-fishing kasama ang buong pamilya.

"We bond with the family, pero yung favorite place ko siguro was the farm, kasi talagang para siyang the simple life, ganun.

"Then, ang dami kong natutunan... Yung mga isda, yung ganyang kalaki, small lang sa kanila ganyan, pero ganyan kataba.

"And muntik na akong tumawid sa tubig na may mga crocodile, may mga ganyan.

"So, experience siya talaga para sa akin, saka nagpakain din kami ng crocodile!" natatawang kuwento niya.

STRESSFUL VACATION. Hindi naman itinatanggi ni Heart na "stressful" din sa kanila ni Daniel ang mga nakakarating sa kanilang mga intriga. Pero mas nanaig daw ang kasiyahang naranasan nila sa bakasyong yun.

Mabuti't nandiyan daw si Daniel na umaalalay sa kanya noong "na-hack" ang kanyang Twitter account at kung anu-anong mga naglabasang tweets laban sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

"Hacker Evangelista na nga ang tawag sa akin!

"Na-hack na yung Twitter ko... Ano pang nangyari sa akin? Madaming nangyari... Oo, masamang tao na pala ako!" natatawang sabi ni Heart.

Dagdag niya, "Terrible yun, na-hack yung Twitter ko, masamang tao na ako sa Twitter ko.

"But now, it's back to normal, although naka-private na yata yung mga tweets ko... ganun na lang."

Hindi napag-usapan ang tungkol sa iba pang isyu, kagaya ng sa kanila ni Marian Rivera, dahil gusto na rin ng GMA-7 na matapos na ito at kalimutan na lang.

"Definitely, I'd like to fix that, but in respect to GMA, there's time and place for me to talk siguro para maayos naman," sabi ni Heart

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Daniel, "Of course, I'm supporting Heart all the way kasi I know the person she is, and we know that God knows and sees everything. So we really just [have to] wait for the right time."

FIRST ANNIVERSARY. Sa susunod na linggo ay isi-celebrate daw nila ang kanilang first anniversary.

Parang hindi raw sila makapaniwalang napakabilis ng panahon, isang taon na pala silang nagmamahalan.

Ano ang plano nila sa kanilang anniversary?

"Siguro we'll be going to Tagaytay na lang," sagot ni Daniel.

"We cannot go far this time, kasi we just came back from Brazil, so Tagaytay puwede."

Sabi naman ni Heart, "Yes, ang bilis pala ng panahon. Masaya naman na ganun na one year na ganyan, and it's okay naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN