Marian Rivera and Heart Evangelista have reportedly patched things up

IMAGE 0


"We're not really too worried about it kasi nag-uusap na rin naman ang dalawa. It's just a matter lang na may scene. But other than that, nothing really serious that we have to worry about. Sa nakikita ko naman sa set, nag-uusap naman ang dalawa," says Roselle Monteverde (not in photo) about Temptation Island co-stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right).


Noong nakaraang linggo, pumutok ang balita na nagkaroon ng di pagkakaunawaan kina Marian Rivera at Heart Evangelista. (CLICK HERE to read related article.)

Napahiya diumano si Marian sa insidente na naganap sa Manila airport at dahil dito ay napaiyak siya.

Nang makausap ng media si Ms. Roselle Monteverde noong June 17, Biyernes, sinabi nito na wala nang problema sa pagitan ng dalawang artista na parehong kasama sa Regal Films-GMA Films co-production na Temptation Island.



"Actually, over na," ani Ms. Roselle sa interview na ginanap sa Dulcinea Tomas Morato.

"We're not really too worried about it kasi nag-uusap na rin naman ang dalawa.

"It's just a matter lang na may scene. But other than that, nothing really serious that we have to worry about.



"Sa nakikita ko naman sa set, nag-uusap naman ang dalawa.

"Actually, I wasn't there so everything was just reported to me.

"I talked to both of them and each one has their own side, pero we have to move on and we really asked them na mag-usap na sila at yun naman ang nangyari."

Nang tanungin kung ano ang pinag-ugatan ng di pagkakaunawaan na ito, sinabi ni Ms. Roselle na may kanya-kanyang side sila, pero ayaw na niya itong idetalye.

Ayon pa sa executive ng Regal Films, nakatakdang umalis si Heart ngayong linggo upang ituloy ang trip niya to Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.



"Aalis talaga si Heart, matagal na niyang pinagpaalam ang trip niya sa Brazil. Aalis siya, then ang balik niya on July 10.



"So, wala siya sa premiere night and sa showing ng Temptation Island on July 6," ani Ms. Roselle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN