Manny Pacquiao on Mommy D's controversial statement on the RH bill: "Mama ko yan, ma-mali man o ma-tama, mama ko pa rin yan."

IMAGE 0


Ipinagtanggol ni Manny Pacquiao si Mommy Dionisia, at sinisi ang media sa kinasangkutang kontrobersiya ng ina. "Sana yung mga media naman na kasamahan natin e huwag nang tanungin si Mommy D about RH bill dahil wala naman siyang alam, e. Dapat automatic na sa atin yun, sa utak natin na tayo naman nakakaintindi, may pinag-aralan tayo," Manny said in a taped interview on StarTalk na ipinalabas kahapon, May 28.


"Mama ko yan, ma-mali man o ma-tama, mama ko pa rin yan."

Ito ang naging pahayag ng world boxing champ at Congressman Manny Pacquiao sa taped interview sa kanya ng StarTalk na ipinalabas kahapon, May 28.

Ayon pa sa report ng StarTalk, umalma ang isang grupo ng gays and transgenders sa ipinahayag ni Mommy Dionisia Pacquiao sa isyu ng kontrobersyal na reproductive health bill (RH bill).

Defending Manny from critics, sinabi ni Mommy D na hindi kalaswaan ang dapat tutukan ng mga kritiko ng kanyang anak.

Sabi ng PacMom sa isang panayam...

"Tingnan mo, mga bakla, kaiinom nila ng pills, hindi bagay na inumin ng mga bakla kasi lalaki sila. Ginawa sila ng Diyos na lalaki. Umiinom talaga sila ng pills para magsilaki ang _____ .

"Bawal yan."

Ayon sa progressive organization of gays, mapanganib ang statement ni Mommy D dahil posible itong mag-promote ng homophobia .

Mabilis namang ipinagtanggol ng People's Champ si Mommy D at sinisi ang media sa kinasangkutang kontrobersiya ng ina.

"Sana yung mga media naman na kasamahan natin e huwag nang tanungin si Mommy D about RH bill dahil wala naman siyang alam, e.

"Dapat automatic na sa atin yun, sa utak natin na tayo naman nakakaintindi, may pinag-aralan tayo."

Sa harap ng umiinit na RH bill debate, hindi pa rin nagbabago ang posisyon ni Manny sa usapin. Sa kabila rin ng lumabas na ulat na minsan na rin daw gumamit ng contraceptives si Jinkee Pacquiao.

"It was a long time ago, my husband didn't know about it, parang ganun na nangyari. Pero kung alam ko lang na hindi siya payag, hindi ko na ginawa.

"Kung ano yung opinyon ng asawa ko, ganun din ako," paliwanag ni Jinkee.

Samantala tila naging peace negotiator si Pacman nung Linggo ng gabi between former President Joseph Estrada and Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli kasing nagtapo ng landas ang nagkagalit na magkaibigan sa victory party ng Pambansang Kamao.

"Wala naman kaming problema, at kami sumusunod lang sa pangaral na love your enemy. So ginagawa namin yun," ang naging pahayag ni Governor Singson.

Ayon naman kay former President Erap...

"Pati ba naman yun tinatanong pa ninyo? Basta nagkasundo na, that's it. Dahil sabi nga ni Mahatma Gandhi, 'The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong.'"

Ayon naman kay Manny...

"Siyempre yung mga kaibigan natin na nagkakagalit-galit ay sinubukan nating... susubukan nating ipagbati lahat.

"Ang panawagan ko ay sa pagkakaisa nating lahat para sugpuin ang kahirapan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN