Direk GB Sampedro on relationship with Daiana Menezes: "Perfect timing lang lahat ng mga nangyari."

IMAGE 0


"Lahat naman dapat, di ba, kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat doon papunta? Saka hindi na rin tayo bumabata. Pero siyempre, hindi naman gano'n na pinag-uusapan na. Siyempre, pag pumasok ka sa isang relasyon na seryoso, doon ka dapat papunta," says director GB Sampedro (right) on the possibility of proposing to Brazilian beauty Daiana Menezes.


Nag-celebrate ng kanyang birthday si Direk GB Sampedro nitong nakaraang Linggo, May 29, matapos ang airing ng kanyang idinidireheng programa, ang Sunday showbiz talk ng TV5 na Paparazzi.

Bago natapos ang show, dumating si Daiana Menezes na nababalitang kasintahan ngayon ni GB.

Hindi guest sa showbiz ang Brazilian model turned TV star kaya inulan sila ng tukso mula sa hosts ng programa na sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Ruffa Gutierrez.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Daiana, nailang itong kumpirmahin na siya ang isa sa mga punong-abala sa paghahanda ng birthday treat ni Direk GB sa kanyang mga staff.

Rason ni Daiana, babae siya at nahihiya siyang ipangalandakan ang effort niya sa selebrasyon ng rumored boyfriend niya.

Pero inamin niyang masaya siya sa piling ni GB at ang wish niya ay sana hindi ito magbago sa pag-aalaga nito sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

WISH GRANTED. Nang makausap naman ng PEP si Direk GB, una muna naming tinanong ang kanyang birthday wish.

"Wala na, nandiyan na yung wish ko, e, " mabilis niyang sagot, na ang tinutukoy ay si Daiana.

Nagkuwento si GB kung paano sila nagkakilala ni Daiana.

"Oo, hindi ako pinapansin dati niyan, e.

"Pero siguro dahil nga iisa yung lugar na tinitirhan namin, kaya lagi kaming nagkikita."

Naikuwento ni Daiana na iniligtas siya ni GB sa isang pagkakataong kailangan niya ng tulong dahil sa isang manliligaw.

Paano siya dumating to the rescue sa buhay ni Daiana?

"Hindi naman. Timing lahat 'yan," sabi ng direktor.

"Nandoon din ako sa point na kahit ako naman, may mga dini-date din naman ako, pero parang hindi nagwu-work out lahat.

"So, timing lang, perfect timing lang lahat ng mga nangyari."

Si Daiana raw ang punong-abala sa birthday niya?

"Oo, naawa nga ako sa kanya," sabi ni Direk GB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit pagod siya sa taping, siya ang nag-aasikaso, nagtatawag sa mga pagkain, sa mga ganyan, sa detalye ng birthday ko. Mga gano'n."

FINDING NEW LOVE. Officially, gaano na sila katagal ni Daiana?

"Siya na lang ang tanungin niyo!" natatawang sagot niya.

Pero aniya, "Hindi pa naman katagalan."

Sinabi ni Daiana na happy siya sa piling ni Direk GB dahil inaalagaan daw siya nito. Ano ang masasabi niya rito?

"Buti naman," nangingiti niyang sambit.

Si Daiana ba ang nagpuno sa malungkot niyang puso dulot ng nakaraan niyang breakup kay Candy Pangilinan?

"Actually, hindi naman ano sa akin yung nakaraang breakup," sabi ng direktor.

"Kumbaga, ano sa akin yun, tapos na yung phase ng buhay kong yun. Hindi ako nag-stay sa lungkot.

"Pero siyempre, wala talaga, bakante ka. Hindi ka rin naman din naghahanap.

"Dumating lang yung magandang pagkakataon, yung magandang timing, kaya ayun."

Paano niya nagawang suyuin si Daiana na kilala ng ibang supladita at isnabera?

"Hindi nga namamansin 'yan. Siguro nakuha sa tiyaga.

"May kasabihan nga, pag may tiyaga, may nilaga."

Ipinagluluto niya raw si Daiana?

"Oo. Kasi nga, nasa isang building kami.

"So, siyempre minsan wala naman siyang kasama kaya magluluto na lang ako."

Anong paboritong pagkain ni Daiana?

"Steak lang naman ang gusto niyan."

At ang regalo raw ni Daiana sa kanya ay simple things?

"Ay, oo.

"No'ng birthday ko, sinorpresa niya ako ng mga maliliit na bagay na nakakatuwa naman."

Paano siya napapasaya ni Daiana?

"Masaya! Siyempre, meron kang kasama sa buhay."

TERMS OF ENDEARMENT. Bakit "Daddy" at "Mommy" ang naging tawagan nila sa isa't isa?

"Ewan ko, parang nagsimula lang 'yan no'ng biruan namin na gano'n.

"Hanggang sa naging gano'n ang tawagan namin.

"Minsan iba-iba naman ang tawagan namin.

"Kaya naman Daddy kasi inaalagaan ko siya.

"Kaya Mommy, kasi siya naman yung nag-aalaga sa akin."

Posible bang alukan niya ng kasal si Daiana?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman dapat, di ba, kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat doon papunta?

"Saka hindi na rin tayo bumabata.

"Pero siyempre, hindi naman gano'n na pinag-uusapan na.

"Siyempre, pag pumasok ka sa isang relasyon na seryoso, doon ka dapat papunta.

"So, inihahanda lang muna yung way na papunta doon.

"Saka tanggap niya ang sitwasyon ko.

"Tanggap niya na may mga anak ako.

"Tanggap niyang galing ako sa ibang relasyon, sa annulment."

Si Direk GB ay kasal dati sa talent manager na si Maristel Sampedro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN