Matt Evans denies being drunk when he got involved in a road accident

IMAGE 0


Former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate Matt Evans was involved in vehicular accident last May 27 along Project 4, Quezon City.


Noong Biyernes, May 27, nasangkot sa isang road accident ang Kapamilya young actor na si Matt Evans sa may Project 4, Quezon City.

Ayon sa ulat, tumama raw ang minamanehong sasakyan ni Matt sa nakaparadang bus at kotse.

May kumalat na impormasyon na nang mangyari ang aksidenteng yun ay nakainom daw si Matt at may kasama pa raw itong non-showbiz girl.

Nakapanayam ng The Buzz si Matt, kunsaan naka-brace pa ang leeg niya na maaaring dulot na rin ng aksidenteng kinasangkutan nito.

Itinanggi naman ni Matt ang mga isyung lumabas.

"Wala akong kasama. Ako lang talagang mag-isa, yun.

"Atsaka yung sinasabi nilang nakainom, yung impact kasi, sobrang nahilo ako.

"Kung hindi nila ako inalalayan, malamang, bumagsak ako sa kalsada."

Itinanggi rin ni Matt na tinakasan daw niya ang mga rumespondeng pulis.

Ayon kay Matt, kinailangan daw niyang pumunta agad sa hospital para ipa-check ang mga posibleng injury niya.

Nakausap din ng The Buzz ang imbestigador na si SPO1 Ricardo Escorpreso. Pinatotohanan nito na aksidente ang nangyari.

Ayon sa kanilang preliminary investigation, base sa mga nakasaksi, hindi naman daw masyadong mabilis ang takbo ni Matt kung hindi katamtaman lamang.

Pero posible raw na makasuhan pa rin si Matt sa nangyaring aksidente.

Ayon kay SPO1 Escorpreso, "Sa ngayon, siya ay kakasuhan ng reckless imrudence resulting to damage to property and violation of Section 55 sa hindi niya pag-report with us. Kailangang mag-report siya within 24 hours.

"Para hindi siya makasuhan, he has to report. 'Yan ay nakasaad sa Section 55."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN