Rich Asuncion on Sisid co-star Jackie Rice: "Kung ako lalaki, liligawan ko 'yang si Jackie."

IMAGE 0


Jackie Rice (left) and Rich Asuncion, both products of GMA-7 artista search StarStruck, star in the new afternoon series Sisid where they display not only their acting skills but also their sex appeal.


Sabay na sumalang sa "Don't Lie To Me Reloaded" segment ng Showbiz Central kahapon, May 29, sina Jackie Rice at Rich Asuncion.

Sina Jackie at Rich ay co-stars sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Sisid.

JACKIE'S BOYFRIEND. Ang unang tanong ng segment host na si John "Sweet" Lapus para kay Jackie: Ngayong dalawang hunks—sina JC Tiuseco at Dominic Roco—ang leading men niya sa Sisid, totoo bang bantay-sarado ang kanyang non-showbiz boyfriend sa taping ng Sisid?

"No" ang sagot ni Jackie at "Truth" ang resulta nito sa truth verifier machine.

Ayon kay Jackie, "Dumadalaw siya, kaibigan niya yung dalawang kasama ko. Kaibigan niya si Dom and JC.

"At saka siya pa nga ang gumawa ng way para maging close kami lahat, e."

Okay lang din daw sa boyfriend ni Jackie ang daring scenes niya sa Sisid.

"Oo, okay lang sa kanya yun.

"'Tsaka siya pa nga ang nagsasabi na, 'Uy, iboto ninyo si Jackie sa FHM!'

"Grabe siya ka-supportive," saad ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor.

RICH & ERVIC. Sumunod namang tinanong ni Sweet si Rich.

Ang tanong niya kay Rich ay kung totoo bang nanliligaw sa kanya si Ervic Vijandre? Na madalas daw nagkikita at nagde-date sila ni Ervic?

Nililigawan ba siya ngayon ni Ervic?

"No" ang sagot ni Rich pero "Lie" ang lumabas na resulta.

Paliwanag niya, "Hindi, we first met at an event, launching of Elite Manila, in-invite kami ni Maxene [Magalona] at ni Raymond [Gutierrez].

"So, doon kami unang nagkakilala.

"After nun, nagkakasama ang group, but we were never left na kaming dalawa lang.

"It's always a group."

Nagte-text din daw sila ni Ervic sa isa't isa.

"Pero kaibigan lang talaga. 'Tsaka huwag naman nating pangunahan," sabi ni Rich.

Since single si Rich at single din si Ervic, may chance ba ang dating boyfriend ni Marian Rivera sakaling ligawan siya nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ervic ba ang tipo ng lalaki na sasagutin ni Rich?

"Well, nito ko lang siya nakilala, hindi natin alam. We never know, di ba?

"Tingnan natin, why not?" sagot ng StarStruck 4 First Princess.

Ayon pa kay Rich, nasa getting-to-know each other pa lang sila ni Ervic.

"Huwag naman tayong magmadali, 'tsaka I don't wanna assume, di ba?" aniya.

SEXY SHOWDOWN. From sweet to sexy—iyan ang pagbabagong-image na ginawa ni Jackie, na ginagawa naman ngayon ng Sisid co-star niyang si Rich.

May balitang handang-handa na si Rich na makipagsabayan kay Jackie.

Kaya sabay na tinanong ni Sweet ang dalawa kung napi-pressure ba si Jackie sa pagpapaseksi ngayon ni Rich.

Parehong "No" ang sabay na isinagot ng dalawang aktres.

Pareho ring "Truth" ang naging resulta ng kanilang mga sagot sa truth verifier machine.

Bakit hindi nape-pressure si Jackie?

"Wala naman, nakikita ko naman na... Kahit sino naman na puwedeng magpaseksi, walang masama.

"Atsaka at least nae-explore pa niya kung ano ang kakayahan niya, di ba?

"Tapos, sexy naman talaga si Rich.

"Hindi lang siya sexy, maganda pa, matalino pa. Tapos, beauty queen.

"Kaya wala namang dapat ika-pressure, siyempre sexy din ako in my own way."

Handa na ba talaga si Rich na makipagsabayan kay Jackie na mas naunang magpaseksi kaysa kanya?

"Oo naman," sagot ng 2009 Binibining Pilipinas 1st runner-up.

"Pero sa Sisid, dun lang, pero sobrang magkaibigan kami ni Jackie."

Gaano sila kaseksi sa Sisid?

"Sexy siya kasi island, e, alam mo yun?" sabi ni Rich.

"Kasi laki sa dagat, di ba, walang pakialamanan yung mga tao?

"Yung ganun, lagi kang basa. So, 'yon.

"So, ganun lang, pero hindi naman bastos."

Sa pakiramdam ba ni Jackie ay mas sexy siya kay Rich and vice versa?

"Yes" ang sagot ni Jackie at "No" naman ang sagot ni Rich.

Parehong "Lie" ang resulta ng kanilang magkaibang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, deep inside, ang feeling ni Jackie ay mas sexy si Rich kaysa kanya?

"Naa-appreciate ko kung ano yung ganda niya, kung ano yung kaseksihan niya," sagot ni Jackie.

"Pero siyempre, masasabi ko sa sarili ko, sexy din ako.

"Siyempre kung anong meron ako, happy naman ako kung anong panlabas kong anyo.

"Kung anong meron ako, siyempre kailangan kong ipangalandakan yun.

"Happy na ako dun."

Dahil "Lie" rin ang resulta ng sagot ni Rich, tinanong siya ni Sweet kung deep inside ba ay naniniwala siyang mas sexy siya kay Jackie.

"Ako, feeling ko, height lang talaga ang panlaban ko kay Jackie—height lang!" tumatawang sabi ni Rich.

Dagdag pa niya, "Kung ako lalaki, liligawan ko 'yang si Jackie.

"Maganda, mabait, ano pa hihilingin ko, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN