Melissa Ricks apologizes for her outburst on Twitter

IMAGE 0


"Siguro, there's a lesson to be learned na 'wag mag-text, 'wag tumawag, o mag-tweet pag medyo masama ang loob mo. I think that's something na dapat na matutunan din ng lahat ng tao, including myself. Lalo na sa Twitter, hindi lahat ginagawa," says Melissa Ricks.


Sa Twitter account ni Melissa Ricks ay may personal tweets siyang tila may mga pinapatamaan siyang mga tao—o mga dating kaibigan. Halatang galit siya nang i-tweet niya ang mga ito.

Sino ang mga taong tinutukoy niya sa kanyang tweets na ito?

"Tweets? A, that's why I have Twitter, that's why hindi ko pinapangalanan coz I keep ito to myself.

"Doon ko po nilalabas ang mga nararamdaman ko.

"And siguro, sa akin na lang yun kung sino yun.

"Puwede n'yong isipin kung sino man yun, but I'm not gonna say it.

"Kayo na pong bahalang mag-isip kung sino ang mga yun. I'm just re-tweeting as well," sagot ni Melissa sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang na-realize niya sa pag-tweet niyang yun?

"Siguro, there's a lesson to be learned na 'wag mag-text, 'wag tumawag, o mag-tweet pag medyo masama ang loob mo.

"I think that's something na dapat na matutunan din ng lahat ng tao, including myself.

"Lalo na sa Twitter, hindi lahat ginagawa."

So, bugso lang ba ng damdamin niya yun kaya siya nakapag-tweet ng mga hindi magaganda?

"Siyempre, tao lang ako. I feel bad. Umiiyak din ako minsan," sabi ni Melissa.

Ano ang message niya sa mga nakaka-misinterpret ng tweets niya recently?

"Malinaw naman ang mga tweets ko, hindi naman mami-misinterpret yun.

"Pero I wanna say sorry for tweeting those things, and sana... Basta. Gusto ko lang maging masaya.

ERICH & KIM. Samantala, aware ba si Melissa sa naglalabasang balita na magkagalit daw ang mga kaibigan niyang sina Erich Gonzales at Kim Chiu, dahilan upang madamay ang pangalan niya?

"Eto na, diretsahan na tayo, ha—hindi namin kaaway si Kim.

"Nagsasawa na ako sa isyung sinasabi na may away kami, magkagalit, may feud or whatever. Wala po.

"So, sana tigilan na kasi it's becoming to be very personal, irritating...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat kami nag-uusap, why is this happening...

"Sana, irespeto na lang ninyo na may mga tunay na tao sa show business. There are people that we care for.

"Hindi naman marami ang kaibigan namin, we still love each other just as much.

"She [Kim] has different friends, I have different friends... Pero we're okay.

"Hindi naman kailangang lagi kaming magkakasama, di ba?"

Pero hindi talaga sila close sa isa't isa ni Kim?

"Actually, for me, I can be close to anybody.

"Ayokong mamili ng magiging close ko o ng pinaka-close ko.

"Ang pinakamatagal ko nang kakilala ay si Erich [Gonzales] at si Kitkat, but it does not mean na sila ang pinaka-close ko.

"Basta ako, I love my friends.

"Alam kong kahit na anong mangyari, alam kong isang tawag lang, nandiyan sila for me.

"Yun lang po."

NASAAN KA ELISA? Ano na ang nangyari sa soap opera na pagbibidahan niya, ang Nasaan Ka Elisa?, na nagka-presscon na, pero naudlot ang airing?

"'Yan ang mahiwagang tanong!" tawa niya.

"Malapit na malapit na. We're still taping.

"Nire-revise yung story para lalong mapaganda.

"All I can say is that I'm very, very happy and excited about this dahil sobrang bago para sa akin, and sobrang bago para sa mga viewers natin sa ABS-CBN."

Nagawa ba talaga ang original script or story ng Nasaan Ka Elisa? bago ni-revise?

"Actually, yung story ay ni-revise muna, kaso medyo feisty, so inayos muna nila.

"Maganda ang story na nabuo nila para sa akin and for the rest of the cast.

"Kung kailan ipapalabas, wala pa kaming final date.

"Pero hopefully next month or in two months, mapalabas na siya.

"At least, hindi kami naghahabol sa ere and binubusisi talaga namin ito.

"Sobrang mahirap dahil I've never done this before, lalo na in a soap.

"Pag '5-4-3-2 action!' palaban na lang talaga ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wanna show people the different side of Melissa and hindi na yung pa-tweetums, pa-cute.

"I wanna be different. I wanna grow up na rin," sabi ni Melissa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN