Daiana Menezes on Direk GB Sampedro: "Hindi lang kami simple friends, there's something going on between the two of us."

IMAGE 0


"Para sa akin, hindi director si GB. Tao siya, friend ko siya. Part of my life. Hindi ako natatakot sa kanya, secure ako sa kanya. He gives me security when it comes to emotional status," says Daiana Menezes about director GB Sampedro.


May ilang linggo nang tampulan ng tuksuhan ang Brazilian TV star na si Daiana Menezes at ang direktor na si GB Sampedro.

Diumano, may namumuo nang relasyon sa dalawa at ang terms of endearment daw nila sa isa't isa ay "Dad" at "Mom."

Kahapon, May 29, nasa studio ng Paparazzi si Daiana.

Hindi siya guest ng show. Ang dahilan pala ay birthday ni Direk GB at may treat itong buffet para sa lahat ng staff ng show na idinidirek nito.

Nandoon si Daiana para suportahan ang celebrator.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daiana para sa isang interview, alinlangan pa siyang magsalita tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Direk GB.

Matapos ang urong-sulong na pag-amin ni Daiana, umamin din siya sa huli na may magandang namamagitan sa kanila ng TV director.

"Neighbors kami," banggit niya.

"Masarap siyang magluto, tapos he's always helping me out.

"Parang ano siya, nagiging part of my life.

"Hindi lang kami simple friends, there's something going on between the two of us," kinikilig na kumpirmasyon ni Daiana sa kanilang dalawa ni Direk GB.

Pero mas mabuting itanong din daw namin kay Direk GB ang tungkol sa kanilang dalawa.

Paano siya napapasaya ni Direk GB?

"Niluluto niya ang mga pagkain para sa akin.

"Pag may taping ako, sumasama siya. Pag may taping siya, I also go.

"Ayun, no'ng maging neighbors kami, naging mag-friends kami," kuwento niya.

DAIANA'S HERO. Para bigyan kami ng background kung paano nagsimula ang kanilang samahan ni Direk GB, nagkuwento si Daiana sa kung paano sila nagkakilala ng TV director.

"Hindi ko siya pinapansin dati kahit neighbors kami sa condo building na tinitirhan namin.

"Kasi iniisip ko, director siya, parang ano, I will keep my distance. Lalo na we worked together.

"So, para sa akin, ayaw kong mag-work sa isang tao na nali-link sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo na boss siya, alam mo yun? Mas mataas ang posisyon niya sa akin. Ayoko ng gano'n.

"Kaya never ko siyang pinansin, never.

"Kaya lang, may nangyari sa akin dati no'ng loko-loko guy na who's courting me, not date.

"He [GB] kinda saved me, not only emotionally... He secured me dahil neighbors kami."

Tumanggi namang magsabi si Daiana kung sino ang tinutukoy niyang lalakeng nanligaw sa kanya.

"Hindi ko puwedeng sabihin!" tumatawa niyang pag-iwas.

"So, yung dahil nga neighbors kami, magkasama kami araw-araw.

"Since he saved me, magkasama na kami halos araw-araw."

DIREK GB IN HER EYES. Proud naman siya kay Direk GB?

"Proud ako sa mga work niya, supportive ako sa mga trabaho niya.

"Pero one thing that I made sure na hindi ako biased.

"Magtatrabaho si Daiana dahil nali-link siya sa isang director. No.

"Para sa akin, hindi director si GB. Tao siya, friend ko siya. Part of my life.

"Hindi ako natatakot sa kanya, secure ako sa kanya.

"He gives me security when it comes to emotional status."

May kakaibang sigla sa kanyang mukha si Daiana at inamin niyang masaya siya sa piling ni Direk GB.

"Oo naman!" bulalas niya.

"Tignan mo naman yung mukha ko.

"Kasi siya, sinasabi ng mga tao na hindi na raw siya masungit sa mga tapings niya."

Bilang pagpapatunay na halos araw-araw ay magkasama sila ni Direk GB, lagi raw si Daiana sa taping nito, at ganun din din raw ang director sa kanya, sa tapings niya.

"Nagku-compliment kami sa isa't isa, we make sama sa...parang if he has work.

"But of course he respects our time, like when I do my own shows, I do my own.

"And when he has his, he does his own show. When we are free, magkasama kami palagi. We are always together."

THE PROPOSAL. Hindi kataka-taka kung alukin ng kasal ni Direk GB si Daiana. Ayon sa Brazilian beauty, ikukunsidera niya ang proposal ng kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May pag-asa siya," sabi niya.

"Hindi ko iniisip yung proposal, kasi hindi ko talaga iniisip na isang Filipino mai-in love sa akin.

"Pero if ever na mangyari yun, may pag-asa yung taong yun na sinasabi mo.

"Hindi ko masasabing ready o hindi pa ako ready, kasi 23 pa lang ako.

"Ang sasabihin ko na lang, medyo early pa. Pero we can never can tell.

"So, if ever I fall in love, bakit hindi?

"May pag-asa si GB. I'm happy with him and I'm proud of him."

BIRTHDAY WISH. Ang birthday wish daw ni Daiana kay Direk GB ay magkaroon pa ito ng mas maraming projects.

"Sobrang talented siya, sobrang hardworking kahit young pa siya, deserve niya mga breaks ngayon.

"I wish him happiness, I'm proud of him bilang Daddy... Daddy kasi ang tawag ko sa kanya dahil meron siyang mga anak at sobrang inaalagaan niya ang mga anak niya.

"Mommy niya ako kaya inaalagaan ko rin siya.

"I just wish him that he doesn't change. Just stay the way he is."

Hindi pa raw nakikilala ni Daiana ang mga anak ni Direk GB sa dating asawa nito na si Maristel Sampedro, pero handa naman siyang harapin ang mga ito bilang mahilig siya sa mga bata.

Mga simpleng bagay lang daw ang iniregalo ni Daiana kay Direk GB.

"Something wearable, may something na...nag-surprise lang ako sa kanya.

"I don't wanna give him naman something expensive, so...

"There was just a lot of meaningful things that I gave him, like cards.

"May ginawa akong box sa kanya. Kasi nga, inalagaan talaga niya ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN