Roman Romulo—the man who won Shalani Soledad's heart

IMAGE 0


Erwin Romulo, brother of Pasig Representative Roman Romulo, said that what his brother might be looking for is, "Maybe, somebody who understands that he has responsibilities to his constituents. But also, to be simple, basic, who's willing to... kasi Roman when not working, he stays at home. I mean, he just watches TV, I think he needs somebody who he could watch TV with."


Matatandaan na noong unang linggo ng Setyembre lumabas ang balita tungkol sa bagong dine-date ni Councilor Shalani Soledad—si Congressman Roman Romulo.

Pinag-usapan ang dalawa matapos silang mamataan na magkasama sa Baclaran Church, madaling-araw ng Setyembre 2. (CLICK HERE for related article)

Pero kahapon, Setyembre 14, ikinagulat ng lahat ang lumabas na balitang binigyan daw ni Congressman Romulo ng diamond ring ang Will Time Big Time co-host.

At ilang oras pa ang lumipas, nagbigay na ng kumpirmasyon si pulitiko na ang diamond ring na iyon ay nangangahulugan ng engagement nila ni Shalani. (CLICK HERE for related article)

Sa biglaang paglabas ng mga report, bukod sa anak siya ng dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at Congressman siya ng Pasig, hindi kilala ng ilan kung sino nga ba si Roman Romulo.

Kaugnay nito, inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang mga bagay tungkol sa fiance ni Shalani.

BEFORE POLITICS. Nagpaunlak ng maikling interview ang kapatid ni Roman na si Erwin kanina, September 15.

Dito'y sinabi niya na bago pumasok sa mundo ng pulitika si Roman, mahilig daw sa sports ang kanyang kapatid.

Katunayan, naging miyembro si Roman ng UP Maroons [varsity team] at isa rin daw sa kinikilalang manlalaro ng soccer noon '80s.

"First of all he was an athlete, he's a champion athlete basically.

"He was in the UP Maroons with, teammate niya si Ronnie Magsanoc.

"He was also a good soccer player.

"He was one of the best soccer players in the country, and then in basketball, he was also a good basketball player.

"He still holds the record in several leagues, including Pasig, for most scores in a game. He scores 40 points in one game.

"So, he's always been an athletic guy, he was very good in sports."

Kumuha raw ng kursong Economics si Roman bago nag-aral ng abogasya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, first year niya, he was in the [UP] Maroons.

"Then he decided that he really wanted to be a lawyer, so naging lawyer siya.

"Then, that's what he worked on [and] he gave up basketball to focus in studying law."

Ayon sa isang artikulong isinulat tungkol sa kanya noong 2007, bago pa man daw siya nagdesisyong tumakbo bilang Congressman ng Pasig, aktibo na si Roman sa pagtulong sa mga tao sa komunidad nila.

Ilan sa kanyang mga proyekto ay kaugnay sa edukasyon, kalusugan, pangkabuhayan, pag-aari ng lupa, kabataan, at pagpapaunlad ng baranggay.

Naikuwento din ng kapatid ni Roman na si Erwin, hindi pa man daw ito nakukuha ng kanyang lisensya bilang abugado, humawak na ito ng isang mabigat na kaso.

Taong 1994 habang siya'y nag-a-apprentice sa isang law firm, ibinigay sa kanya ang isang mabigat na kaso.

Sa pag-aakalang wala nang patutunguhan ang kaso, ibinigay ito kay Roman at doon'y nagsimula siyang pumunta sa Bilibid at kausapin ang naakusahan.

Hindi naglaon, binawi ang hatol na kamatayan sa inakusahan.

Sa isa pang artikulong tungkol sa pangyayaring ito, sinabi raw ni Roman na, "The feeling of helping someone who had seemingly fallen through the cracks of the legal system is indescribable.

"All I knew was that this is why God had blessed me with my parents, my father, who set a good example, and my education and training.

"His purpose for me is to help people with my abilities.

"That moment when I heard the appeal was successful was the greatest moment of my life at that point.

"I knew I was doing what I was born to do."

Ilan pang mga kaso ang naipanalo noon ni Roman.

Nang hingin na ng pagkakataon na maglingkod siya sa Pasig, tinalikuran niya ang pag-a-abugado, at tumakbong Congressman noong taong 2004.

ENTERING POLITICS. Nagsimula ang buhay niya sa pulitika nang kanyang ikampaniya ang kanyang amang si Alberto Romulo noong panahon ng rehimeng Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2004 ng unang subukan ni Roman ang kanyang suwerte sa pulitika.

Tumakbo siya sa pagka-Congressman, ngunit, sa kasamaang palad, hindi siya pinalad na manalo bilang Kongresista ng Pasig City.

Ginusto sana ng mga taga-suporta ni Roman na iprotesta pa ang kanyang pagkatalo, ngunit tumanggi si Roman.

Matapos ang kanyang pagkatalo, hindi tuluyang bumalik sa pag-a-abugado si Roman.

Bagkus, ipinagpatuloy niya ang mga programang maaari na niyang simulan noong mga panahong iyon.

Makalipas ang tatlong taon, sinubukan muli niyang tumakbo bilang Congressman sa lungsod ng Pasig.

Sa pagkakataong ito'y nanalo na siya, at ngayon'y nasa ikalawang termino na siya ng kanyang panunungkulan.

FAMILY LIFE. Mula sa isang kilalang pamilya si Congressman Romulo.

Lolo niya si Carlos P. Romulo, na naging presidente ng General Assembly at Security Council ng United Nations at naglingkod sa walong Pangulo ng Pilipinas bilang Secretary of Foreign Affairs.

Ang kanyang ama naman ay si Alberto Romulo na naglingkod sa ilang ahensiya ng pamahalaan, at ang pinakahuli'y bilang Secretary of Foreign Affairs.

Rosie Lovely Romulo naman ang kanyang ina, na tulad niya'y aktibo sa mga community services at projects.

Pangatlo sa apat na magkakapatid si Roman.

Ang panganay sa kanila'y si Guadalupe Romulo na sa ngayon'y nagtatrabaho sa kumpaniya ng isang kilalang fastfood chain.

Ang pangalawa naman'y si Mons Romulo-Tantoco, lifestyle writer sa isang kilalang local broadsheet.

Samantala, nasa pulitika din ang isang kapatid na babae ni Roman na si Bernadette Romulo-Puyat, ang Agriculture Undersecretary ng kasalukuyang administrasiyon.

At ang pinakabunso sa kanila'y si Erwin Romulo, ang Editor-in-Chief ng nalalapit nang i-launch na Esquire magazine.

Ayon kay Erwin, pinakamalapit si Roman sa dalawang kapatid nilang babae.

"My sister Mons and my sister Berna," banggit niya.

"I think they're the closest, kasi mas malapit sila, e, yung ages nila.

"But he talks to my dad quiet often."

Pero pag-amin niya, tahimik na tao at diretsong magsalita ang kapatid niyang si Roman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He's very quiet. He's not shy but alam kasi niya yung, he knows where he is.

"Alam niya, ever since I've known him nung kids pa lang, he's been loyal to a small group of friends.

"He's very intelligent and he's very stubborn. He's very direct.

"He has his own opinions and he's very intelligent, basically."

HEART TALKS. Kung tahimik si Roman kasama ang kanyang pamilya, mas tikom ang bibig nito pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Bagama't parehong nasa linya ng pulitika, palaisipan pa rin para sa ilan kung papaano nga ba nagkakilala sina Congressman Romulo at Councilor Soledad.

Sinabi ng kapatid niyang si Erwin na maski siya'y hindi sigurado kung paano nagkakilala ang dalawa.

"His godfather, Secretary Albert del Rosario of the DFA, he has told him a year ago pa, last pa na, 'You should meet Shalani.'

"Naaalala ko sinabi na ni tito Albert na, 'I think you'll hit it off.'

"To be honest, I'm not sure, but I remember it was Secretary Del Rosario who told him na, 'Maybe you should.'

"I don't know, my brother is also close to Teddy Boy Locsin, a good friend in Congress."

At pagkumpirma pa ni Erwin, totoo raw ang sinabi ng kanyang kapatid na si Berna, malalaman mong seryoso si Roman sa isang babae pag pinakilala niya ito sa Sunday dinner ng kanilang pamilya.

Ilang relasyon na din ang dumaan kay Roman na hindi nagtagumpay, hanggang ngayon na makilala niya si Shalani.

Ano nga ba ang hinahanap niya sa isang babae na maaaring nakita niya sa soon-to-be-bride niyang si Shalani?

"Maybe, somebody who understands that he has responsibilities to his constituents," saad ni Erwin.

"But also, to be simple, basic, who's willing to... kasi Roman when not working he stays at home.

"I mean, he just watches TV, I think he needs somebody who he could watch TV with."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang beses na raw nakasama ng pamilya Romulo si Shalani. Ito'y nang isama raw ito ni Roman sa kanilang Sunday dinner.

"I've met her na two times, she attended the Sunday dinners.

"Kasi, every Sunday, we go to our parents' house.

"The first time na nakilala namin siya lahat was two weeks ago, two Sundays ago and then last Sunday din.

"I think they took a trip to Batangas for a day to rest, [and] then they came [to the house]."

Sa planong pagpapakasal naman daw ng kanyang kapatid, ang mga magulang daw nila ang kinausap ni Roman.

"The only reason I knew was because one of his closest friends, Gang Badoy, texted me yesterday.

"She texted me around twelve [noon], 'O, magkakahipag ka na pala'. A, okey.

"He only spoke with my parents I think last week or two weeks ago, I'm not sure."

At ang sagot niya kung gaano na katagal ang dalawa: "Sinabi na sa akin ni Gang [Badoy] about a month ago.

"No more than two months, I'm sure. I think so."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN