John Lapus receives a very generous gift from friend Kris Aquino on his birthday

IMAGE 0


"Pareho ko naman silang close na kaibigan. Ito naman ang tipo ng away na tingin ko naman, hindi ko naman kailangang pumanig kanino man, lalo na nga at wala namang humihingi ng pagkampi sa akin. Pareho naman silang hindi nagsasalita. So, huwag mo nang alamin kung ano ang tama at mali at kung kanino ka kakampi," says John "Sweet" Lapus about the ongoing feud beween Marian Rivera and Heart Evangelista.


Mistulang naging parang birthday presscon ni John "Sweet" Lapus ang naganap na victory party para sa success ng pelikula nilang Temptation Island noong Biyernes, July 8, sa Imperial Palace Suites.

A day before the victory party, July 7, kasi ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Sweet.

Pero ang actual celebration ni Sweet ay naganap noong July 6, ang first day of showing ng Temptation Island.

Nag-organize ng block screening ang ilan niyang mga kaibigan sa Platinum Theater ng Gateway Cinema sa Cubao, Quezon City. Pagkatapos ay dumiretso sila sa isang bar upang salubungin ang mismong araw ng kanyang kaarawan.

Noong actual birthday naman niya ay nag-dinner lang daw with his family, kasama ang mga anak ni Kris Aquino na sina Joshua at Bimby, sa Friday's Trinoma na favorite resto raw ni Joshua.

"Gusto niya yung may mga kumakanta na mga waiter,'" banggit ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na nag-interview sa kanya.

DA WHO? Pag-upo pa lang ni Sweet sa table ay inulan na siya agad mga mga tanong at intriga.

Una na rito ang tinutukoy niyang showbiz personality na "pinaka-plastic" sa kanya, na "pinabasa" niya sa mentalist na si Nomer Lasala sa Showbiz Central noong nakaraang Linggo, June 3. (CLICK HERE to read related story.)

Ang una kasing isinulat na sagot ni Nomer, base sa pagkakabasa niya sa isip ni Sweet, ay ang salitang "BOY" at sinundan niya pa ito ng "Ahole." Pero binago ito ni Nomer at isinulat ang mga initials na "A.W."

Pero ayon kay Nomer, hindi ito ang actual initials ng nasa isip ni Sweet kundi ang tawag lamang ng actor-TV host dito.

May nagsabing baka si Boy Abunda ang nais tukuyin ni Sweet, kaya tinanong siya kung magkagalit ba sila ng The Buzz host at talent manager.

"Hindi kami nagkikita. Five years na ako sa GMA, e. E, di five years na kaming hindi nagkikita," paiwas na sagot ni Sweet, na dating talent ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang common denominator sina Sweet at Boy—pareho nilang malapit na kaibigan ang TV host-actress na si Kris Aquino.

May humirit ng tanong kay Sweet kung sa tingin niya ay sino sa kanila ni Boy ang "mas mahal" ni Kris?

"Based sa regalo sa akin ni Kris Aquino kahapon, naramdaman ko naman na mahal niya ako!" natatawang sabi ni Sweet.

Ano ang gift sa kanya ni Kris?

"Tseke!" very proud na sagot ni Sweet.

Siyempre pa, hindi nakuntento ang entertainment press sa sagot niyang tseke. Gusto nilang malaman kung ilang digits ang nakasulat sa tseke.

"Five digits... Siyempre, I deserve it naman," sabi ni Sweet.

"Technically, galing sa kanilang tatlong tao yun na nagregalo sa akin—siya, si Bimby, at si Josh.

"Basta, hindi ko na sasabihin [kung magkano]. Siyempre, nagulat lang ako. 'Ay, ang bongga nito!'

"Basta masasabi ko, si Kris Aquino ang pinaka-generous kong kaibigan...

"At saka si Eugene Domingo pala. Bongga rin ang gift niya!"

Hindi naman matandaan ni Sweet kung ano ang eksaktong tawag sa iniregalo sa kanya ni Uge na TV raw na parang box at puwedeng lagyan ng movies.

"Nakalimutan ko kung ano ang tawag. Basta, yun daw ang uso ngayon!" sambit niya.

Ayon pa kay Sweet, "Hindi naman ako mapanghingi na tao. Alam ni Kris 'yan.

"Kahit yung mga iniregalo sa akin ni Kris in the past, TV, cell phones... hindi ko hiningi."

Seryosong tinanong naman namin si Sweet kung hindi ba nila napag-uusapan ni Kris si Boy, at kung hindi ba nagre-request ang TV host-actress na maging friends din sila.

"Hindi naman. At saka, kilala rin naman ako ni Kris," sagot niya.

Ayon pa kay Sweet, hindi naman daw sila magkaaway ni Boy. Hindi lang daw talaga sila nagkikita.

"At saka, wala naman akong kaaway. Wala naman akong inaaway."

MARIAN AND HEART. Speaking of away, hindi pa rin natatapos ang gusot sa pagitan ng dalawa sa co-stars ni Sweet sa Temptation Island na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagpauna na si Sweet na wala raw talaga siyang alam sa eksaktong nangyari sa dalawa dahil wala raw siya noon.

Kuwento niya, "Kasi, talaga noong araw na 'yan, wala akong shooting, so nagpunta ako ng Laoag. Inikot ako ng mga bakla do'n, rumampa ako.

'Tapos the next day, balik na ako ng Manila. Kinagabihan noon, yun na, si Allan Diones [entertainment columnist], nagtatanong sa akin. Sabi ko, 'Allan, hindi ko alam 'yan.'

"Nag-text na ako sa mga tao, walang sumasagot... E, di ba, kapag walang sumasagot, ganoon yun? Wala nang sumasagot sa akin!"

Hanggang ngayon ba, wala pa rin siyang nakakausap kina Marian at Heart tungkol sa away nila?

"Wala... Si Heart kasi hindi naman kami nagkita simula noon," sabi ni Sweet.

Bukas, July 11, nakatakdang dumating si Heart mula sa bakasyon nito sa Brazil kasama ang boyfriend nitong si Daniel Matsunaga.

E, si Marian?

"Hindi, e. Alam mo naman si Marian, baliw rin ang babaeng 'yan, may sariling mundo! Hinahayaan ko lang siya."

Paglilinaw pa niya, "Pareho ko naman silang close na kaibigan.

"Ito naman ang tipo ng away na tingin ko naman, hindi ko naman kailangang pumanig kanino man, lalo na nga at wala namang humihingi ng pagkampi sa akin.

"Pareho naman silang hindi nagsasalita. So, huwag mo nang alamin kung ano ang tama at mali at kung kanino ka kakampi.

"Nakakarinig ako ng mga side sa ibang tao na, pero hindi sa kanila directly. Ayoko namang mag-judge or mag-conclude.

"Kasi, sa prangkahang usapan, wala naman akong naririnig or nakikita si Heart, or yung mga bakla ni Heart.

"Karamihan ng mga naririnig ko, galing sa side ng mga tao sa paligid ni Marian. Nagtatanong ako."

Pero aminado naman si Sweet na sa ngayon, ang talagang nakaka-bonding niya ay si Marian bilang magkasama sila noon sa sitcom na Show Me Da Manny. At sa susunod nga na sitcom ni Marian ay siguradong kasama pa rin daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kailangan talagang bigyan ng sitcom si Marian as per her contract, by September yata.

"Sinabihan naman na ako na definitely, kasama ako. Yun naman, naa-appreciate ko yun."

Paano niya ide-describe sina Marian at Heart ayon sa pagkakakilala niya sa dalawa?

"Sinabi ko naman yun, to be honest, pareho ko silang kaibigan.

"Pero, oo naman, medyo nakapag-bonding naman kami ni Marian nang bonggang-bongga.

"Si Heart, naging kaibigan ko 'yan noong nasa ABS kami. Ilang taon pa lang siya noon... 16, 17?

"Di ba, siya ang ipinalit sa Arriba, Arriba, so almost a year din kaming nagkatrabaho."

Ang Arriba, Arriba ang sitcom noon ni Jolina Magdangal sa Kapamilya network bago siya lumipat sa GMA-7.

STILL DENNIS. May nagtanong naman kay Sweet kung sino ang mas guwapo sa mga boyfriend nina Marian at Heart na sina Dingdong Dantes at Daniel Matsunaga, respectively.

Pagkatapos mag-isip ng ilang saglit, sinabi ni Sweet na, "Mas guwapo si Dingdong, pero guwapo rin si Daniel.

"Type ko si Dingdong kahit noong mataba pa siya."

Pero si Dennis Trillo pa rin daw ang mas matimbang sa kanyang puso.

"Alam ni Dingdong na mas mahal ko si Dennis. Huwag na silang umarte!

"Si Dennis Trillo, dyowa, yung ganoon. Feeling ko, bagay kami ni Dennis talaga.

"He's a man of few words, ako madaldal. Ako talker, siya listener!"

PHILIPPINE VOLCANOES. Dahil ang topic ay tungkol sa mga kalalakihan, napag-usapan din ang pagpapatanggal ng malaking billboards ng mga miyembro ng national rugby team na Philippine Volcanoes, na naka-underwear lamang, sa may Guadalupe. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa pagpapatanggal na ito ng billboards ng Philippine Volcanoes ay marami ang umalma, kasama na si Sweet.

"Wala namang masama. Underwear billboard, natural naka-underwear!

"Kaya ang mga bata nagkakaroon ng malisya, kasi may mga matatanda na binibigyan sila ng malisya.

"Kasi ang mga bata, pag nakita, wala lang, may lalaking naka-brief.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang matanda, tinakpan na yung mata ng bata, 'huwag mong tingnan 'yan,' magkakaroon ngayon ng idea yung mga bata, bawal pala 'yon!

"Minsan yung matanda yung nagbibigay ng malice, e," sabi pa ni Sweet.

Nanghihinayang din si Sweet na hindi niya masyadong nasilayan ang billboards ng Philippine Volcanoes noong nakakabit pa ang mga ito.

"Nakakainis nga, e. Isang beses pa lang ako napapadaan, hindi pa traffic no'n kasi madaling-araw, so hindi ko pa natititigan!

"E, balak kong dumaan nang traffic para talagang titig na titig!" sabi ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN