Baron Geisler returns to work but continues rehab program

IMAGE 0


"Sana hindi na ako bumitiw sa mga chances na ibinigay sa akin. I'll just do my best sa work and focus," says Baron Geisler about the blessings he continues to receive despite being under a rehab program.


Nakangiti at maaliwalas na Baron Geisler ang rumampa kagabi sa fashion show na inihanda para sa launch ng SM Accessories sa One Esplanade, Bay Boulevard, sa Pasay City kagabi, Hunyo 8.

Ayon sa 29-year-old actor, marami na raw ang makikitang pagbabago sa kanya simula nang pumasok siya sa rehabilitation program sa Penuel House.

Nagbiro pa nga siya, "Kagaya po ng nakikita niyo ngayon, naka-pink ako, model na ako ngayon."

Natutuwa ang dating teen actor na sa kabila ng mga negatibong pangyayari sa kanyang showbiz career kamakailan ay may mga natatanggap pa rin siyang trabaho.

"Hindi po ko siya in-anticipate.

"Akala ko over na, wala na, kailangan ko nang mag-move on or pumunta ng America para magtrabaho doon bilang hardinero!" natatawang sabi ni Baron.

Dagdag niya, "Sobrang negative ang mga thoughts ko bago ako pumasok. Sabi ko, wala na, sira na ang career ko.

"Then, noong pumasok ako, itinuro sa akin doon na God is in the business of restoring people.

"Humawak lang ako sa grace na 'yon. Sana hindi na ako bumitiw sa mga chances na binigay sa akin.

"I'll just do my best sa work and focus."

Nagpapasalamat din siya dahil pinayagan siya ng mga namumuno ng Penuel House na makapagtrabaho habang tinatapos ang six-month rehabilitation program niya.

Sabi ni Baron, "I still have two more months to finish [the program].

"Siyempre, may mga araw na may mami-miss ako dahil sa work, so siguro mae-extend pa ako ng mas matagal.

"Fortunately, pinayagan ako doon sa Penuel House. I'm very thankful sa kanila na pinayagan nila ako mag-work.

"Siguro hindi naman nila tatanggalin sa akin 'yong mga blessings.

"Kasi, may mga blessings na dumarating, so gina-grab naman namin."

"NAKAPAG-APOLOGIZE NA PO AKO SA LAHAT." Bahagi ng pagbabagong ito ni Baron ay ang pag-move on mula sa mga nakaraang pangyayari.

Para kay Baron, ayaw na niyang isipin pa ang mga masamang nangyari noon, kabilang na ang dahilan ng kanyang pagpasok sa rehabilitation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na parte ito ng kahilingan ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI), matapos magreklamo ng harassment ng aktres na si Cherie Pie Picache na dati niyang co-star sa Noah. (CLICK HERE to read related article.)

"Just forget about the bad things kasi it will drag you down.

"I just wanna keep on moving forward and continue being sober.

"Siguro, I'm gonna try not to take myself too seriously this time.

"Before kasi, I was taking my craft too seriously, to the point na I forget or nagiging insensitive ako about the people."

Hihingi rin ba muli ng paumanhin si Baron sa mga babaeng kanyang nasaktan?

Sagot ni Baron, "No more na kasi, I think, nakapag-apologize na po ako sa lahat.

"You know, I already surrendered it out to the Lord.

"Siya na 'yong umayos noon para sa akin.

"Of course, pinagdadasal ko rin na mawala na sa puso nila kung anumang hinanakit [sa akin]."

Gayuman, sabi ni Baron, handa siyang lapitan at kausapin ang mga ito kung sakaling magkaroon ng pagkakataon.

"Kapag nagkaroon ako ng chance, for sure [gagawin ko] kasi kailangan ko po 'yon, e.

"It's also for me para sa healing process."

MOVIE PROJECT. Sa pagbabalik ni Baron sa showbiz, isang pelikula ang nakaabang na para sa kanya.

Nakatakdang gumanap si Baron bilang sidekick ng bidang karakter sa movie remake ng Asiong Salonga.

Ang pelikula ng ito ay pinagbidahan ng beteranong action star at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada noong 1950s.

Ang pamangkin ni Erap na si Laguna Governor E.R. Ejercito, na minsan ding gumanap bilang Asiong Salonga noong 1990, ang magpo-produce ng movie remake.

Wala umanong ideya si Baron kung bakit at paano siya napili para sa pelikula.

Pero sabi niya, "Basta nagdasal po ako nang taimtim talaga na sana magkatrabaho.

"Alam mo 'yon, parang sinagot kaagad ni God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hayun, si Direk Tikoy [Aguiluz] and Governor E.R., sa awa ng Diyos, naisipan nila na bagay ako para sa role na 'yon.

"I'm blessed kasi ho ang ganda ng project, may budget talaga. Kasi 1950s po 'yang tema, so lahat po 1950s talaga—mula sa pera, damit, at sapatos.

"So, I was blown away sa production ng Asiong Salonga.

Tulad ng sinabi niya sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa loob ng Penuel House, hindi na hahayaan ni Baron na magkamali pang muli. (CLICK HERE to read related article)

Kaya naman pagbubutihan na raw niya ang kanyang trabaho sa kanyang pagbabalik.

"Grabe 'yong mga consequences if I stumble again. Mahirap na 'yon," batid ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN