Vice Ganda on being Kris Aquino's 'soulmate': "Sabi ko, 'Oo nga. Pero baka si PNoy magbitiw. Baka hindi niya makayanan yung kahihiyang ibibigay mo!"

IMAGE 0


"Nahihiya na ako sa Diyos. Kasi yung mga dumarating, hindi ko talaga hiniling. Kusang dumarating lang, kusang ibinibigay. Kaya mas lalong nakakahiya, ayun, naa-appreciate ko at pinagpapasalamat ko talaga nang bonggang-bongga sa Diyos," says Vice Ganda about his many blessings.


Dahil sa malaking tagumpay ng unang major concert niya last year, magkakaroon muli ng major concert ang comedian na si Vice Ganda sa Araneta Coliseum sa July 1.

Ang second concert ni Vice ay pinamagatang Vice Ganda, Todong Sampol Sa Araneta.

Kinakabahan o may pressure bang nararamdaman si Vice na mapantayan o mahigitan ang kinita ng first major concert niya?

"Siguro mas nakakakaba yung una kasi first ever, e, na wala pa akong experience sa Araneta nun, kaya iba yung panginginig ng tuhod ko.

"Pero mas mataas yung pressure ngayon. Kasi dati wala pa naman akong huling performance na pagbabasehan nung gagawin ko sa Araneta.

"Ito, meron na. Parang dun ikukumpara yung gagawin ko ngayon—yung sa dami ng tao, yung sa ganda ng show.

"Kaya sobrang laki ng pressure.

"Ako mimso, pini-pressure ko yung sarili ko.

"Kaya ko bang punuin ulit yung Araneta katulad ng pagkakapuno nung nakaraan?

"Ganun pa rin pa kaya kalakas yung palakpakan at halakhakan na katulad nung nakaraan?

"Sobrang taas ng pressure, nakakakalbo!" pahayag ni Vice.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa presscon para sa kanyang nalalapit na concert kahapon, June 6.

Anong bago ang ipapakita niya sa kanyang second concert?

"Maraming bago," sagot ni Vice.

"We will make sure na ibang-iba ito dun sa naunang concert.

"Kung ano yung mga ginawa ko dun, hindi ko na puwedeng ulitin.

"Kasi katulad ng mga jokes na binato ko dati, hindi na rin siya applicable sa panahon ngayon.

"Kaya pag ginawa ko ulit ngayon, hindi na rin siya nakakatawa.

"Katulad ng mga political jokes ko nung nakaraang election, hindi ko na siya puwedeng gawin ngayon kasi hindi na ngayon election, hindi na hinihingi ng panahon.

"Kaya kung ano yung fresh, kung ano yung current, yun yung tatalakayin ko ngayon.

"Yung mga pangkaraniwang ginagawa ko sa Showtime, hindi ko na rin puwedeng gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga Todong Sampol ang title ng show kasi yung mga ibang hindi ko pa nagagawa na sampol, gagawin ko dito."

Ang special guests ni Vice sa kanyang concert ay sina Toni Gonzaga, Billy Crawford, Xian Lim, at Enchong Dee.

Si Vice mismo ang pumili sa mga ito para maging guests niya.

"Binibigyan naman ako ng luwag ng Viva [producer ng concert] sa kung sino yung gusto kong i-guest, kung ano yung gusto kong gawin, ayun.

"Kasi hirap na hirap talaga akong gumawa ng isang bagay na hindi ko gusto.

"Ayokong gumawa ng project na hindi ko gusto, na hindi ako kumportable.

"Kaya gusto ko pati yung direktor ko, yung staff ko, yung writers ko, gusto ko yung choice ko talaga," saad niya.

FULL OF BLESSINGS. Isa si Vice sa pinaka-in demand na comedians ngayon.

Dalawa ang shows niya sa ABS-CBN—Showtime at Gandang Gabi Vice.

May gagawin na naman siyang pelikula sa Viva Films na siya ulit ang bida pagkatapos maging matagumpay sa takilya ng launching movie niyang Petrang Kabayo.

May album din siyang ire-release mula sa Viva Records.

Mabenta rin siya bilang product endorser.

At ito ngang upcoming concert siya.

Kumbaga, tila wala nang mahihiling pa sa kanyang career si Vice.

"Sobrang thankful ako kasi hindi ko na alam kung saan ko pa itatago at paano ko pa dadamputin yung daming biyayang tinatanggap ko ngayon nang sabay-sabay.

"Kaya yun lang, puro pasasalamat na lang ako at masayang-masaya ako na...

"Wala, kanina nga, nagti-text ako sa mga staff ng Gandang Gabi Vice.

"Sabi ko sa kanila, nahihiya na ako sa Diyos.

"Kasi yung mga dumarating, hindi ko talaga hiniling. Kusang dumarating lang, kusang ibinibigay.

"Kaya mas lalong nakakahiya, ayun, naa-appreciate ko at pinagpapasalamat ko talaga nang bonggang-bongga sa Diyos."

GANDANG GABI VICE. Speaking of Gandang Gabi Vice, patok sa mga manonood ang solo show na ito ni Vice. Pruweba nga rito ang mataas na rating ng nakukuha ng show niya kahit medyo late na ang timeslot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tatlong episodes ng show ni Vice ay naging guests niya na sina Bea Alonzo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Angelica Panganiban at Piolo Pascual.

Kung papipiliin siya, sino pa ang gusto niyang maging guests sa kanyang show?

"Marami," sagot ni Vice.

"Kasi bago pa lang naman yung Gandang Gabi Vice, iilan pa lang ang nakakapag-guest dun.

"Kung puwede nga lang lahat, e, i-guest para lahat magkaroon ako ng experience na makatsikahan silang lahat. Kung uubra lang sana, e.

"Ayun, lahat kasi, bawat artista naman, bawat celebrity na igi-guest ko dun, iba't ibang klaseng tao kaya iba't ibang experience yung makukuha ko dun.

"Iba't ibang tsikahan, iba't ibang hugot. Kaya lahat excited ako kahit sino."

VICE'S MANAGER. Ang entertainment columnist at TV-radio personality na si Ogie Diaz ang tumatayong manager ni Vice.

Isa rin sa dahilan kung bakit narating ni Vice ang kinalalagyan niya ngayon ay dahil sa kanyang manager.

Ano yung payback na nagawa ni Vice kay Ogie na hindi niya makakalimutan?

"Wala, lahat nakalimutan ko!" biro ni Vice.

Pero aniya, "Kasi pag nagbabayad ka naman ng utang na loob, kailangan hindi mo iniisip, kusa lang, di ba?

"Kasi pag tinandaan mo yun, parang hindi ka kusang loob na nagbigay.

"Parang ibinigay mo yun para lang makabayad, di ba?

"Kaya wala akong tinatandaan.

"Kung ano man yung ibinigay ko sa kanya, ibinigay ko yun o napunta sa kanya yun, kasi deserve niya yun at gusto ko.

"At meron pang mga paparating na isi-share ko sa kanya."

Ano naman ang mga natutunan niya kay Ogie bilang kanyang manager?

"Marami, e. Maraming arte kasi sa buhay 'yan," sabi ni Vice.

"Pag nagrereklamo na ako, o kaya nabuburyo na ako, bigla akong le-lecture-an niyan na pang-Maalaala Mo Kaya.

"'Punta ka sa tulay ng Guadalupe, silipin mo yung squatters area doon, tapos saka ka magreklamo.' May mga ganun siyang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, alam ko naman yun noon pa yun, pero hindi ko isinasapuso yung mga ganoong aral sa buhay.

"Pero dahil sa kanya, na pilit niyang inuukilkil sa utak ko yun, kaya talagang pinayagan ko na sa sarili ko na, 'huwag kang magrereklamo, andaming mas mahirap ang problema sa yo, andaming mas malaki ang problema sa 'yo...lahat yun ipagpasalamat mo,' yung ganoon.

"Siyempre, sa simula kunwari hindi ako naniniwala. Pero pag alis niya [Ogie], sabi ko, tama naman siya."


Ano ba yung mga inirereklamo niya?

"Marami, like pagod," sagot niya

"Alam ko naman na kasama sa trabaho yun.

"Pero tao lang ako, talagang napapagod ako, sumasakit yung batok ko.

"Di ba, lahat naman tayo nakakaramdam ng pagod, nakakaramdam ng inis?

"Hindi naman ako perpektong tao.

"Ayokong tanggalin sa sarili ko yung pagiging tao ko.

"Gusto ko yung totoo kong nararamdaman, dinadama ko talaga yun, ayokong itago. Kasi mababaliw ako, e.

"Pag nainis ako, ie-enjoy ko yung pagkainis ko.

"Sasabihin ko sa kanya [Ogie], ibubunton ko sa kanya yung ganoon para healthy na alam niya yung mga grievances ko, alam niya rin kung paano niya ia-adjust, yung ganoon.

"Kaya sobrang masaya ang relasyon naming dalawa ni Ogie."

WHAT IF...? Gaya ni Ogie, puwede rin ba siyang makipagrelasyon sa isang babae at magkaanak?

"Honestly, kinukumbinsi niya ako, silang dalawa ni Kris Aquino.

"Pero ayoko talaga," sagot ni Vice.

"Nakakatawa nga yung mga biro sa akin ni Kris.

"Sabi niya sa akin, 'Feeling ko, talagang tayong dalawa ang soulmate. Yung mga sisters ko, super love ka nila. Magiging happy sila pag nagkatuluyan tayo.'

"Sabi ko, 'Oo nga. Pero baka si PNoy magbitiw. Baka hindi niya makayanan yung kahihiyang ibibigay mo!" natatawang sabi ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN