Part II. PEP EXCLUSIVE Jolina Magdangal clarifies talks that this is her second engagement: "This is the first time and first feeling ever."

IMAGE 0


"Kaya itong nangyayari sa amin ni Mark, isang malaking blessing ito sa akin na, feeling ko, pinakamalaking gift ni God sa akin na hinding-hindi ko pababayaan dahil pinagbigyan Niya ako na maramdaman ko," says Jolina Magdangal.


Hindi naman kaila sa marami kung ano ang mga pinagdaanan ni Jolina Magdangal pagdating sa pakikipagrelasyon.

Pero ang kanyang mapapangasawa na si Mark Escueta ay marami rin daw pinagdaanan in the past.

"Alam ko marami siyang pinagdaanan. Marami akong pinagdaanan.

"Parang sobra akong thankful na napili niya ako. O, di ba, may ganun?" natatawang sabi ni Jolina.

"Pero sobra 'kong thankful na, kumbaga, tiniyaga niya na makilala ako at makilala pa nang husto.

"Hindi lang ako, pati yung respeto niya sa family ko.

"Yun ang unang nakapagpa-hats off sa akin. Napapaganun ako, 'Ikaw na!'"

Na-imagine ba ni Jolina na mangyayari pa sa kanya ang ganoong moment after her long relationship with Bebong Muñoz na nauwi rin sa breakup?

"Kaya hindi na ako nag-expect, e," sabi niya.

"Sa akin na lang, hindi ako mag-e-expect dahil kung para sa akin, para sa akin.

"Kasi, hindi ka man mag-expect, pero alam mong ipipilit mo ang bagay na gusto mong mag-expect.

"Sabi ko na lang, si God naman ang nagplano kung ano ang mangyayari sa buhay ko.

"Hindi na lang ako mag-e-expect this time.

"And kung para sa akin, para sa akin.

"Basta every day na magkasama kami, ine-enjoy ko.

"Kaya nga, di ba, ang naging line namin, 'happy and simple every day.'

"Ang natutunan ko sa lahat, maging masaya araw-araw.

"Kahit ano pa ang mangyari the next day, at least, naging masaya ka noong araw na yun."

Dagdag pa niya, "Lahat ng ito, minsan, kahit naliligo ako, napapaisip ako, 'Paano na lang kung hindi pala kami nagkakilala sa ganito? Paano na lang kung alam mo na.... Paano na lang...'

"Basta! Hindi ko naranasan ang ganito kasaya.

"Siguro noong time na nagdarasal ako noon nang mataimtim kung sino po ang para sa akin, siguro talagang sinasabihan ako ni God na, 'Maghintay ka lang, may darating sa buhay mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito na yun."

SECOND ENGAGEMENT? Pinalinaw rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jolina ang iniisip ng iba na second engagement na raw niya ito.

Akala kasi ng iba ay engaged na rin sila noon ni Bebong, pero hindi natuloy kaya sila nag-break.

"Huh?" nagtatakang sabi ni Jolina.

"Hindi! Walang nangyari. Haller!

"Nakakahiya nga kung may nag-video ng engagement namin, kasi saan ba isusuot?

"Hindi ko talaga alam, e. Hindi totoo yun.

"Kung dati-rati naririnig nila yun, hindi totoo yun.

"This is the first time and first feeling ever.

"At saka hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko—ito yun."

WHEN IS THE WEDDING? Of course, pagkatapos ng proposal at ng announcement, ang tanong at gustong malaman ngayon ng lahat—kailan ang kasal?

Ayon kay Jolina, "Alam ko, marami rin ang naghintay do'n sa engagement.

"Kaya nga kapag may nagtatanong, 'Ano, excited ba kayo?'

"Gusto n'yong mauna na?' Ginagano'n ko sila.

"Eto, as of now, talagang hindi pa namin nadedesisyunan at hindi pa namin nauupuan.

"Pero medyo overwhelming na rin ang nagte-text sa pagtulong.

"Kung sino ang magagandang puwedeng mag-organize, suppliers... Doon pa lang, talagang naha-high na ako sa kasiyahan.

"If ever na simulan na naming upuan, tingin ko, parang magiging masaya ito, at gusto naming i-enjoy ang pagpaplano.

"Ayokong ma-stress, ayaw niyang ma-stress. So, ie-enjoy namin ito."

May target date na ba sila?

"Kung kaya this year, this year," sagot ni Mark

Sa 11-11-11 o November 11, 2011 ba?

"Wala naman," mabilis na sagot ni Jolina.

"Nagka-anuhan lang yun. Pero wala pa.

"At saka, hindi kaya marami rin ang ikakasal sa date na yun?

"Pero sa akin kasi, engagement pa lang, parang yun na yun. Kaya sobrang saya ko.

"Kaya sabi ko, ayokong mag-expect.

"Dati, napag-uusapan namin, hindi ko nga alam kung biruan yun, napapasok na sa utak namin, '2011, 2011, ha!'" natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan nila planong upuan ang tungkol sa kasal?

"Actually, nagsimula na," sabi ni Mark.

"Wala pa lang napapa-book. Parang pinag-aaralan pa namin."

Would it be grand, o gaya ng slogan na simple lang?

"Siguro simple lang," sagot ni Mark.

"Sa ngayon kasi, open pa sa lahat. Open pa kami sa lahat.

"Sabi ko nga sa kanya, umpisahan na niyang isipin ang dress niya."

Hirit naman ni Jolina, "Eto nga, noong sinabi niya yun, sabi ko, 'Inuna mo pa rin ako?'"

Sabi naman ni Mark, "Kasi sa akin, gusto ko mag-take time siya do'n."

DREAM WEDDING. Anong look or feel ba ng wedding ang gusto nila?

Ayon kay Jolina, "Ako, gusto ko lang na cozy and dainty yung feel ng paligid. Parang mala-Tuscany.

"So, mga ganoong feel."

Wala pa rin daw talaga silang napagdedesisyunan kung church, garden, beach, or other venue nila gustong gawin ang magiging kasal nila.

Definitely raw, maraming music sa wedding bilang pareho nga naman silang musicians.

Wala pa rin daw silang entourage list.

Pero kung may sure man, gusto raw nilang pareho na this year na magpakasal.

Sabi ni Jolina, "Hindi ko pa talaga alam sa ngayon.

"Basta ninanamnam ko pa yung feeling ng proposal.

"Dati, nagbabasa lang ako ng libro na Greatest Proposal."

SECRET SONG. Sa ngayon, anong kanta ang mai-aplay nila sa nangyayari o nararamdaman nila?

May ibinulong si Jolina kay Mark kaya biglang sagot ni Mark, "Meron kaming secret song."

Natatawang sabi naman ni Jolina, "Meron kaming secret song. Actually, Christian song siya.

"Basta tungkol sa dalawang nagmamahalan.

"Nang marinig namin yun, hindi n'yo akalain na may ganoong kanta. Pero parang ginawa yung song sa amin.

"Eto, walang etchos, pero noong marinig ko yun, yun na yun na ang nararamdaman ko at gusto kong maramdaman if ever na kami ang magkatuluyan.

"At kung ipaparinig namin yun, siguro do'n na sa special day na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang naging song namin, yung 'Moon River' nga."

Dugtong naman ni Mark, "Kung may song na number one, yun ang 1.1."

Sabi naman ni Jolina, "Sabi ko nga, 'Basta kahit matanda na tayo, kapag pinatugtog ang 'Moon River,' sasayaw tayo, ha.'"

MORE THAN CONTENT. At this point, masasabi ba nilang wala na talagang room for discontent sa sobrang saya nila?

Ayon kay Mark, "I would say na ready kami para sa kung anuman ang darating sa magiging buhay namin.

"And having said that, dahil yun kasi, masyadong maraming bagay na nagpapasaya sa amin na nag-lead sa moment na ito. Na talagang pinagkukunan namin ng lakas.

"Sobrang thankful kami kay God na yung mga times na may pagsubok na darating...

"Talagang totoo yun, e, kapag tumakbo ka sa kanya, mari-realize mo na hindi ka pala dapat natakot masyado. Hindi ka pala dapat kinabahan.

"Kaya yun, feeling ko talaga, we're more than content with life.

"At yung magiging wedding namin, hindi ko pa ma-imagine kung gaano kagrabe yung madaragdag na grace sa buhay namin.

"Kasi, talagang iba yun. I think, iba yata yun for every couple. Iba talaga.

"Alam kong yun sa amin, ibibigay ni God sa amin, para sa amin lang at excited kami pareho."

Sabi naman ni Jolina, "Ngayon kasi, dahil parang naha-high pa ako, parang wala akong ibang maisip kung hindi thankful ako.

"Hindi pa pala huli ang lahat sa akin.

"Di ba, parang ang feeling ko, ang aga kong nakakilala ng maraming-maraming tao.

"Tapos, talagang alam ko na naging seryoso ko sa trabaho ko.

"Hanggang sa dumating sa puntong hindi ko na alam kung sino ang totoo at kung sino ang hindi.

"Dumating na sa ganoong point na akala ko tuloy, wala nang totoo.

"Wala na rin yung mamahalin ka nang walang judgment.

"Totoo 'yan. Nandoon na ako sa point na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya itong nangyayari sa amin ni Mark, isang malaking blessing ito sa akin na, feeling ko, pinakamalaking gift ni God sa akin na hinding-hindi ko pababayaan dahil pinagbigyan Niya ako na maramdaman ko.

"Minsan, sinasabi ko rin kay Mark, 'Kung minsan, may nagagawa ako na nakakabigat ng loob mo, sabihin mo sa akin dahil definitely, hindi ko alam, hindi ko sinasadya. Sabihin mo sa akin at ie-explain ko sa 'yo dahil ayokong ganoon ang maramdaman mo.'

"At sinabi ko sa mga kaibigan namin, sa parents namin pareho, na promise ko yun sa sarili ko, promise ko kay God, aalagaan ko siya at mamahalin."

Dugtong pa ni Jolina, "Naramdaman ko na mahalin ng marami, mga fans, dahil kilala ka.

"Pero para sa akin, iba ito. Ibang level ang ganitong feeling.

"So, magic. Magic para sa akin ang nararamdaman ko.

"Kung makakaisip ako na halimbawa, mag-step back ako, wala akong feeling na magiging ganoon ako.

"Feeling ko, every time pa kami na maise-share na ganito, alam namin na sa maliliit na kuwento, may mai-inspire kami dahil na-inspire din kami ng iba.

"Yung feelings namin, na-inspire ng iba. Na-inspire ng kung anuman.

"Gusto kong maging magandang example pa rin."

After their wedding, sigurado raw na wala namang mababago sa career nila ngayon.

Para kay Mark, masaya silang pareho sa ginagawa nila ngayon.

Si Jolina naman, "At saka, kung maisip ko man or namin pareho na ayaw na namin ng ganito, magsusuportahan kami.

"Basta ang ending, magkakampi kami sa lahat ng bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN