Geoff Eigenmann on settling down: "It's not something I'm afraid of diving into."

IMAGE 0


"Wala, hindi naman sa we talked about it, pero nag-aasaran kami minsan, nagbibiruan-biruan kami. But aside from that, yun lang, we haven't, it's not...wala sa plano namin anytime soon," says Geoff Eigenmann about the possibility of settling down.


Ang Magic Palayok, na matatapos hanggang sa huling linggo ng June, ang magsisilbing huling proyekto muna na magkakasama ng magkasintahang sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Pagkatapos nito ay may individual projects naman silang aasikasuhin.

Ayon kay Geoff, "Siya may naka-lineup na. From what I know, September, kasi may ginagawa siyang movies ngayon.

"Ako, I'm still waiting. Merong isang naka-standby. Kung hindi ko gagawin yun, teleserye ang gagawin ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa taping ng Magic Palayok noong Biyernes, June 17, sa may New Manila, Quezon City.

LIGHT SHOW. Ayon kay Geoff, isa ang Magic Palayok sa maituturing niyang pinakamagaan na show na nagawa niya.

"Maganda, e, nagugustuhan ng mga tao," sambit niya.

"Nakaka-sad, pero happy rin. Masaya kasi kami dito sa show because of it's good run.

"Sayang lang, it has come to an end. Kasi, lahat kami rito, lahat ng pumapasok, kumportable.

"First day pa lang, very happy na. The set is very different compared to the others," sabi niya.

SURVIVOR. Samantala, sa nababalitang pagbabalik ng Survivor Philippines, parehong nagpahayag sina Geoff at Carla noon na kagustuhan nilang makasama bilang castaways.

Nandoon pa rin ba ang kagustuhan ni Geoff na makagawa ng challenges sa Survivor Philippines?

"I've always been a fan of the show naman. Even noong magsimula siya at sa States pa na Survivor.

"At saka, challenge din yun para sa akin kung kaya ko. Pero siyempre, we'll see.

"Kasi, may mga ibang shows din kasi na naka-lineup pa."

SERIOUS RELATIONSHIP. Marami ang nakakapansin sa pagiging seryoso nina Geoff at Carla sa kanilang relasyon. Iniisip nga nila na baka any moment, mauwi na rin sila sa kasalan.

Pero ayon kay Geoff, "Wala, hindi naman sa we talked about it, pero nag-aasaran kami minsan, nagbibiruan-biruan kami.

"But aside from that, yun lang, we haven't, it's not...wala sa plano namin anytime soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "People are asking, 'Kailan kayo magpapakasal?'

"Ang daming nagsasabi na magkamukha na raw kami dahil madalas kaming magkasama and we just have fun from there."

Hindi naman itinanggi ni Geoff na minsan ay nabibiro raw niya si Carla at niyaya niya itong magpakasal. Pero, binibiro rin daw siya na singsing muna.

"Joke, joke lang namin yun, mga asaran lang!" natatawa niyang sabi.

Pero gusto na ba niya?

"I'm not getting any younger," nakangiti nitong sagot.

"And it's not something I'm afraid of diving into.

"Kung nandiyan na siya, I could say that I'm almost 100 percent ready.

"I'm definitely a family man."

Si Carla kaya, ready na rin?

"Siya ang tanungin niyo about that. I can't answer for her.

"But ako, I'm very settled, I'm very happy.

"I don't want to be with anyone else," sabi ni Geoff.

Si Carla na nga ba talaga para sa kanya?

"Sana," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN