Regine Tolentino talks about her experience in teaching dance lessons to kids

IMAGE 0


"May mga super mahiyain they cling to their moms or yaya's, we warm them up. Like, kaming mga teachers muna practicing them one on one to give them a little confidence. They're a little bit advanced that they know some steps, what will happen for the whole day, stuff like that. It's like psychological conditioning, [and] at the end of the day they learn a little bit faster," Regine said.


Isang masigla at fresh na Regine Tolentino ang nakita ng ilang mga media outfits sa Promil I-Shine Talent Workshop na naganap kanina, Setyembre 20, sa Regine's Dance Studio sa New Manila, Quezon City.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naimbitahan upang dumalo sa naturang kids dance workshop.

Dito'y nagpakita si Regine at ang kaniyang mga kasama ng ilang dance steps na madaling matutunan, at maaaring maging bonding activity ng mga magulang sa kanilang mga anak.

DANCE STUDIO. Bago pa magsimula ang programa, nakapanayam na ng PEP.ph si Regine.

Doon ay naikuwento niya sa amin kung papaano nagsimula ang kaniyang dance studio.

"My eldest is chubby, e," banggit niya.

"This is my parents' property, e, so we transformed this into a dance studio.

"'Yon, kami lang tatlo [ng mga anak ko] nung una then we decided to have a kids' workshop."

Hinahati sa iba't ibang age group ang mga nagwu-workshop sa kanilang studio.

Sinabi ni Regine na nagtuturo din siya doon, bagamat may mga dance teachers siyang kinuha para magturo sa mga bata.

Pero, bukod kay Regine at sa iba pang mga dance teachers, tumutulong din daw sa pagtuturo ng sayaw ang mga anak niyang sina Reigne, 13-years-old at Regan, 11-years-old.

"They coach the young ones, we have as young as 4 years-old.

"But, they also attend the teens' class.

"They love tap dancing actually, they also like ballet.

"Ate [Reigne] loves hip-hop."

Bukod sa ilang mga private enrollees, mayroon din daw mga GMA-7 talents na nagwu-workshop sa kanila tulad nila Julie Anne San Jose at Krystal Reyes.

ON TEACHING KIDS. Samantala, sa kaniyang experience sa pagtuturo ng sayaw sa mga bata, aminado si Regine na hindi ito madali.

"Iba-iba ang needs ng kids, di ba?

"Sometimes, kids are really sensitive, like may mga KSP [kulang sa pansin], you have to calm them down, there are some introverts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, mayroon daw silang mga "techniques" ng kaniyang mga co-dance teachers kung paano makukuha ang atensyon ng mga bata.

"May mga super mahiyain they cling to their moms or yaya's, we warm them up.

"Like, kaming mga teachers muna practicing them one on one to give them a little confidence.

"They're a little bit advanced that they know some steps, what will happen for the whole day, stuff like that.

"It's like psychological conditioning, [and] at the end of the day they learn a little bit faster."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN