Bianca Manalo and John Prats being matched by their Happy Yipee Yehey! co-hosts

IMAGE 0


"E, guwapo naman si John Prats, magaling sumayaw, talented, magaling na komedyante, magaling na host. Humahanga ako," says Bianca Manalo about Happy Yipee Yehey! co-host John Prats.


Mula nang pasukin ng dating Bb. Pilipinas-Universe titleholder na si Bianca Manalo ang mundo ng showbiz ay kung kani-kaninong male celebrities na siya na-link.

Ilan sa mga na-link sa kanya ay ang leading man niya noon sa Juanita Banana na si Matt Evans, ang Kapamilya actor na si Enchong Dee, at maging ang basketball star na si James Yap.

Ngayon naman ay nali-link ang dating beauty queen sa kasamahan niya sa noontime show na Happy Yipee Yehey! na si John Prats.

Hindi naman kaila sa marami na may girlfriend ngayon si John sa katauhan ng singer na si Rachelle Ann Go. Kaya tila imposibleng magkaroon ng relasyon ang actor-dancer kay Bianca.

Pero sa kabila nito, tumitindi ang biruan ng co-hosts nila sa Happy Yipee Yehey! kina John at Bianca.

Sa portion na "Ikaw ang Bida," laging binibiro nina Mariel Rodriguez at Matteo Guidicelli si Bianca kay John.

Sinasabi ni Matteo na kinikilig si Bianca sa tuwing nagsasayaw si John.

Kahapon, June 7, during the gap bago ang closing, matinding biruan ang naganap sa studio.

Umaatikabong tilian at kantiyawan ang inabot ni Bianca sa co-hosts niya. Walang nagawa ang TV host-actress kundi ang mamula dahil sa hiya.

Pagkatapos ng show ay hindi pinalampas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon na tanungin si Bianca tungkol

Mukhang tumitindi ang biruan sa kanila ni John. Paano ba nagsimula yun?

"Nagsimula 'yan nung iniinis niya ako dun sa may gusto sa akin, ininis ko siya sa ex niya.

"Ayun, nagtuloy-tuloy tuloy na!" natatawang sabi niya.

Pero totoo bang crush niya si John?

"Nge! Ano ba 'yan?" reaksiyon niya.

"Humahanga ako. Ano ba ang ibig sabihin ng crush?

"E, guwapo naman si John Prats, magaling sumayaw, talented, magaling na komedyante, magaling na host.

"Humahanga ako."

Pero kung sakaling single si John at ligawan siya nito, may pag-asa bang sagutin niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tingnan natin. Hindi natin alam.

"Darating din 'yan. Siyempre, darating din 'yan."

Hindi rin naman kaila na di hamak na mas matangad si Bianca kay John. Kaya tinanong namin sa dating beauty queen if height does not matter to her.

"Ako kasi....hindi ko alam!

"Pero ang importante kasi sa akin, mapagmahal, may takot sa Diyos, yung wala akong magiging problema," sagot niya.

Pero napansin ng lahat na parang apektado siya at medyo naiilang na siyang tumabi kay John pagkatapos silang tuksuhin. Bakit may ilang factor?

"Hindi naman!" sabay tawa nang malakas at palo sa amin.

"Sige, ikaw, tatanungin kita.

"Nasa studio ka, lahat ng audience naghihiyawan, lahat ng katrabaho mo kinakantiyawan ka. Ultimo mga floor director at creative director, inaasar ka.

"Sa tingin mo, paano mararamdaman mo? Nakaganito lang ako?" sabi niya at umarteng parang tulala.

Hindi ba, kung walang apoy, walang usok?

"Wala! Ano ba yan?" sabi ni Bianca.

"Hindi ko alam kung bakit nagsimula.

"Nagulat nga ako na, eto, isyu na siya ngayon. Isyu na siya ngayon!"

May tendency bang ma-develop siya kay John?

Imbes na sagutin ay tumawa lang si Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN