John Prats denies rumored breakup with girlfriend Rachelle Ann Go

IMAGE 0


"Ang maganda naman kasi sa amin, before kami nagkaroon ng relationship, nagkaroon na kami ng friendship. So, kung ano man ang mangyari, parating magkaibigan pa rin kami," says John Prats about his relationship with Rachelle Ann Go.


Pinabulaanan mismo ni John Prats ang mga balitang break na sila ng singer na si Rachelle Ann Go.

"Hindi talaga totoo. Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling 'yong mga gano'n," sabi ni John sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media kagabi, June 8, pagkatapos ng launch ng SM Accessories sa One Esplanade, Bay Boulevard, Pasay City, kagabi, Hunyo 8.

Wala umano siyang idea kung bakit may lumalabas na ganitong mga balita. Subalit inamin naman niya na tulad ng ibang relasyon, minsan ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ni Rachelle.

Kuwento ni John, "Dumating din kami sa stage na talagang nagkakalabuan.

"Siyempre, lahat naman dumadaan sa gano'n.

"Hopefully, sana naman malampasan namin ang stage na 'yon."

Sa kabila nito, naniniwala si John na hindi naman magiging malaking problema ang mga paminsan-minsang tampuhan dahil sa pagkakaibigan nila.

Paliwanag niya, "Ang maganda naman kasi sa amin, before kami nagkaroon ng relationship, nagkaroon na kami ng friendship.

"So, kung ano man ang mangyari, parating magkaibigan pa rin kami."

Samantala, ngayong seryoso siya sa relasyon nila ni Rachelle, naiisip na kaya ni John na mag-settle down?

Sagot ni John, "Hindi ko pa kasi siya naiisip. Kumbaga, I'm still young.

"Hoping. Lagi naman tayong hopeful kasi ilang beses na rin naman akong umasa na sana 'yon, pero hindi naman natin masasabi 'yon."

ON BIANCA MANALO. Sa kabilang banda, natawa naman si John nang tanungin siya ng PEP kung totoo ba ang balibalitang nagkakamabutihan na sila ng Happy, Yipee Yehey! co-host niya na si Bianca Manalo. (CLICK HERE to read related article.)

Hindi raw ito totoo, sabi ni John.

Dagdag pa ng Banana Split actor, "Pamilya kami doon, e. Kung ano ang meron kami, friendship talaga.

"Araw-araw kaming magkasama, araw-araw kaming nagkikita, so talagang nagiging close kayo."

ON HOSTING "IKAW ANG BIDA." Masaya na raw ngayon si John Prats sa kanyang trabaho bilang segment host ng Happy Yipee Yehey!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang nakilala si John Prats sa dating kiddie gag show ng ABS-CBN na Ang TV. Simula noon, nakitaan na rin siya ng abilidad sa pag-arte kung kaya nasama siya mga proyekong pang-telebisyon at pelikula.

Subalit sa ngayon, hindi raw problema kung madalang na siyang umarte dahil mas nagugustuhan na niya ang paghu-host.

Sabi pa niya, "Well, siyempre, nag-umpisa ako na nag-a-act ako, nagko-comedy. Pero ngayon nahanap ko na, minahal ko na ang hosting.

"Iba 'yong pakiramdam na marami kang nakakasalamuha, marami kang istoryang naririnig, at marami kang taong napapasaya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN